44. PAYMENT #4

318 23 3
                                    

“I need all the endorsement papers for the past week. Pati na rin ang mg resibo at back up disc. Now,” malamig na utos ni Atong kay Beth. Maging si Beth ay pinapunta sa Malate para umaasiste kay Atong. Agad naman itong tumalima. Maging ang supervisor doon na si Mattet ay umaasiste din para sa pago-audit.

            Hindi sila nagaksaya ng sandali. Agad na silang nagpunta sa Pilipinas. Gulat na gulat nga sina Gerald, Anariz, Chelsea at Ira ng makitang kasama siya ni Atong. Si Ira ang lakas-loob na nagtanong pero hindi ito sinagot ni Atong. Para itong walang narinig. Napahiya tuloy siya sa inasal nito.

            Hanggang doon ay halatang mainit ang ulo nito. Hindi na nga niya maintindihan kung ano ang ikinaiinis nito. Siya ba o ang hindi natuloy nilang pagtatalik?

            Muling naginit ang pakiramdam niya ng maalala ang pagangkin nito sa labi niya. Agad niyang ipinilig ang ulo at umasiste na lang kina Beth. Ibinibigay din niya kay Atong ang mga kailangan nito. Hindi rin naman nakakapindot ng bongga si Atong sa keyboard, calculator at nakapagsulat dahil naka-sling pa rin ito kaya tinutulungan niya ito.

            “Nakita ko sa camera na nagbubulsa ng bills si Shirley kaya inobserbahan ko siya.” tukoy ni Ira sa bagong cashier saka napabuga ng hangin. “Sa loob ng isang linggo, ganoon ang ginawa namin ni Gerald. Hindi lang niya ito minsan ginawa dahil halos araw-araw, nagbubulsa siya ng bills.”

            “Okay,” malamig na saad ni Atong saka tiningnan ang mga reports, resibo, itinerary log book, inventories at pinag-reconcile iyon sa record nito. Panay ito pindot gamit ang kaliwang daliri. Medyo mabagal pero hindi pa rin nawawala.

            Panay din ang tingin nito sa computer at mga folders. Nahihilo na siya sa ginagawa nito pero ito ay mukhang hindi. Namamangha tuloy siya sa ginagawa nito.

            “I said, I need water,” iritadong ulit nito.

            Napakurapkurap siya at namula ang buong mukha. Hindi niya napansing inuutusan siya dahil nakatunganga siya dito. Nakakahiya!

            Dali-dali siyang tumalima. Nang makakuha, bago siya pumasok ay huminga muna siya ng malalim. Pagpasok niya, pigil hiningang inilapag niya ang tubig sa tabi ni Atong.

            “Hayan na ‘yang tubig mo.” ani Ira at napailing-iling. “God…”

            “What was that for?” iritadong balik ni Atong. Mukhang hindi makatiis sa nakikitang reaksyon ni Ira. Gusto rin niyang mabilib kay Ira. Kayang-kaya nitong sabihin iyon kay Atong!

            Napabuga ng hangin si Ira. “Nagtanong ka pa. Ano bang nangyayari sa’yo at nagkakaganyan ka? Matagal na naming napapansin na magmula ng—”

            “Shut up,” angil ni Atong. Mukhang napipikon na. Namumula na ang mukha nito at tainga. Naniningkit na rin ang mga mata.

            “Ira, tama na.” awat ni Gerald.

            “No! Magsasalita na ako dahil hindi ko na kayang sikmurain itong inaasal niya!” palag ni Ira saka tumayo. Agad naman pumagitan si Gerald. Siya naman ay nataranta na. Umawat na rin siya pati na rin sila Chelsea at Anariz. “Let me go! Dapat lang talagang harapin na natin si Atong. Look at him. Ibang-iba na siya. Nagmamana na siya sa tatay niya,” walang prenong puna ni Ira.

            Napaigtad siya nang tumayo si Atong at ibinagsak ang calculator sa mesa. Gigil na dinuro nito si Ira. “Shut the fuck up! Wala kang alam!”

            “Exactly! Wala kaming alam dahil hindi ka naman nagsasalita! Hindi mo kami hinayaang tulungan ka!” mainit na ring ulo na sagot ni Ira.

            “Pare, tama na!” awat ni Gerald ng maabot ni Atong ang kuwelyo ni Ira. Kinabahan siya dahil nakikita niyang punung-puno na si Atong. Isang salita na lang ni Ira, tatamaan na ito.

            Maangas na tinitigan ni Ira si Atong. Mukhang hindi pa rin natakot sa nakikitang galit ng huli. “What? Matigas ka na? Naturuan ka na kung papaanong pumatay ng tatay mo? Pati kami na kaibigan mo, papatulan mo na? Come on! Bring it on!” galit na hamon ni Ira saka hinaklit din ang kuwelyo ni Atong.

            Kinabahan siya nang magdilim ang mukha ni Atong. Napatili siya ng buong puwersa itong pumalag kay Gerald at inambahan ng suntok sa mukha si Ira. Dahil sa tili niya ay natigil ang kamao nito sa ere. Kitang-kita niyang nanginig si Atong sa sobrang pagpipigil hanggang sa padarag na binitawan si Ira.

            “Matagal na naming alam na ikaw na ang humahawak sa grupo niyo sa Japan. Disappointed kami dahil sinira mo ang pagtingin namin sa 'yo. Ang taas ng tingin namin sa’yo kasi, kahit anong gawin sa’yo ng tatay mo, hindi mo hinawakan ang grupo. Pero inisip din namin ni Gerald, wala kaming alam kaya inintindi ka namin. Kaibigan ka namin, Atong. Wala kaming ibang gusto kundi tulungan ka at suportahan pero kung ganito ka na kasama? Tangina pare! Sorry pero hindi ko ito-tolerate itong ugali mo. Ako ang makakalaban mo dito. Umalis ka dito sa Hades’ kung hindi mo matatangap ang mga sinabi ko,” pinal na saad ni Ira saka nag-walk out.

            Sumunod din sina Gerald, Anariz at Chelsea dito. Sina Beth at Mattet din ay nagsilabas din hanggang sila na lang ang natira. Naluha siya dahil mukhang pati sina Ira ay hindi na rin kinaya si Atong. Wala ng natira dito kundi siya na lang…

“Get out,” nagpipigil na asik ni Atong sa kanya.

Luhaang umiling siya. “A-Atong…” 

“Out!” singhal nito. Nanginig ang baba niya para pigilan ang saring mapabunghalit ng iyak hanggang sa pinagbigyan niya ito. Lumabas na lang siya at agad siyang sinalubong ni Anariz. Dinala siya nito sa likod kung saan naroroon din sina Ira, Gerald at Chelsea. Mukhang nagpapalamig ng ulo ang mga ito. Nakaupo sila sa bench na laan sa mga empleyado tuwing break time.

Pigilan man niya ang sarili ay napahagulgol na siya. Mabuti na lang ay hindi na nagtangkang magtanong ang mga ito. Hinayaan na lang siyang ilabas sa pagiyak ang sama ng loob sa mga inaasal ni Atong.

Napaigtad siya ng maramdaman ang kamay ni Ira sa balikat niya at pinisil iyon. Luhaang napatitig siya rito.

“I’m sorry. Ako na ang humihingi sa naging asal ng kaibigan ko sa’yo.” malungkot nitong saad saka napahinga ng malalim. “Anuman ang nangyari sa inyong dalawa, ikinalulungkot namin lahat iyon pero, shit… hanggang kailan mo titiisin itong ginagawa niya sa 'yo?”

Napayuko siya. Alam niyang tama ito. Wala pa ngang isang buwan, suko na siya pero maisip pa lang niya ang mga utang kay Atong at ang pinirmahan niyang kontrata, naiiyak na siya. Wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang mga ganti nito.

At hindi niya sinabi ang arrangement niya sa mga ito. Siguradong mas magagalit ang mga ito kay Atong. Sa huli, kinalma niya ang sarili at nagdasal na makayanan pa niya ang lahat. Napupuno na rin siya. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamopero sobra na. Kaya bago pa siya masagad, sana lang ay matapos na ang lahat ng iyon.

Napabuntong hininga na lang siya.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon