ISANG buwan na ako dito pero hanggang ngayon hindi parin nagkukrus yung landas namin ng daddy ni Miggy hanggang ngayon clueless parin ako sa itsura nito.
Pano ba naman hindi ko lagi na aabutan. Napaka aga nitong umaalis ng mansyon nila at late na din umuwi sabi dati nila manang 6 ay nakauwi na ito, pero ano nga bang pake ko dun? ehh nanny lang pala ako hahaha.
Eto namang si Miggy as usual tuwing umaga ngumangawa, nakakaloka. Tyaka madalas madaming kalokohan buti nalang si ate Ysay lagi yung trip niya .
Ngayon pala ay andito kami sa park kasama ko si Miggy dahil nag aya siya dito pero hindi naman siya nakikipag laro sa mga katulad nyang bata at nagpapalipad lang ng saranggola.
"Look my kite is very high." masayang sigaw nito sakin na tila bang enjoy na enjoy nya. Parang kanina lang nag bubugnot ito kasi hindi nya mapalipad ng maayos. Hindi ko rin na naman inaalis yung tingin ko sakanya mahirap na baka biglang mawala.
Pinag mamasdan ko lang ito ng may lumapit na bata sakanya sa tantya ko medyo kaedaran nya lang din kaya na pangiti ako mukang mag kakaroon na sya na kaibigan pero napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang tinulak ng bata si Miggy na siyang dahilan kung bakit ito napaupo.
"Ano ka ngayon haha walang mommy , walang mommy." sabi nung bata kay Miggy kaya tumayo din si Miggy at agad na itinulak yung bata.
"Hoy ikaw bata ka kaya ka siguro iniwan ng mommy mo kasi ang sama ng ugali mo." sermon ng babae kay Miggy na kinayuko lang nito tapos tinulungan na nitong itayo yung anak nya, kaya naman lumapit na ko.
"Hoy ikaw babaeng ulikba na mukang paa ang lakas ng loob mong pag sabihan si Miggy ng ganun ehh yang anak mo naman tong nauna , ang tanda tanda mo na sumasali ka pa sa away bata." sermon ko dito at tyaka ko sya dinuro parang umakyat kasi yung dugo ko sa sinabi nito sa bata.
"How dare you! kilala mo ba kung sino ako?" singhal nito sakin.
"Pake ko kung sino ka? Kilala mo din ba kung sino ako? fyi hindi ako interesado sayo ang baho nga ng hininga mo abot hanggang dito sa kinakatayuan ko." sabi ko dito hindi ako nanlalait nag sasabi lang ako ng totoo, magkaiba yun.
"You--
"Hep hep manahimik ka! Polluted yang hanging dala mo nakakasira ng kalikasan, wag kang magpapakita sakin ahh dahil sa susunod na magkita tayo sisirain ko lalo yang pag mumuka mo hmm." putol ka sasabihin nya at inambaan siya ng suntok. Well she don't deserve my respect para lang ito sa taong karapat dapat.
"Hindi pa tayo tapos, jan na nga kayo mga walang manners." sabi nito sabay walk out kasama ng anak nya.
Wow ahhh kami pa yung walang manners sa lagay na yun?
"Miggy okay ka lang ba?" tanong ko dito at inangat ko yung muka nya mula na pag kakayuko at pinunasan ko yung luha nya gamit yung hinlalaki ko " Tahan ka na wala ng mang- aaway sayo sa susunod, halika ibibili kita ng milk tea." pag papatahan ko dito tyaka ko siya binuhat papunta sa Prenemy cafe.
"Miggy dito ka lang wag kang aalis. " bilin ko sakanya tyaka ako pumunta sa counter para umorder.
"Good morning ma'am Welcome to prenemy cafe, ano pong order nyo. " bati sakin nang babae habang naka ngiti kaya nginitian ko din ito.
"Hmm 2 oreo milktea large tyaka pa add ng blackpearl at nata tyaka apat na cupcakes yung avocado flavor. " sabi ko dito.
"Ma'am ulitin ko lang po yung order nyo 2 pong oreo milktea with black pearl and nata , 4 avocado cupcakes-- yun lang po ba ma'am? " tumango ako at ngumiti "Sige po ma'am idadala nalang po namin sa table nyo."
Maya maya lang ay andito na yung order namin agad namang kinuha ni Miggy yung milktea nya.
"Miggy ayaw mo ba ng cupcake?" tanong ko dito kasi naubos ko na yung isa pero siya hindi nya pinapansin yung cupcake.
![](https://img.wattpad.com/cover/226235003-288-k596327.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...