CHAPTER 31

1.2K 38 0
                                    

Nagising ako ng may narinig akong nag uusap.

"Akala ko ba, saglit lang yung epekto ng mampatulog na ginamit nyo?" sabi ng lalaki. Ang bongga ng kidnaper sosyalen malambot pa yung kinahihigaan ko ngayon.

"Yun din yung sabi sakin. Kinabukasan daw ay gigising na ito. " sagot ng isa pa ng maramdaman kong lumabas sila sa pinto ay dahan dahan kong minulat yung mata ko.

Ano bang nangyari? Tama nung pauwi na kami ay may humarang sa sinasakyan namin tapos tyaka ako kinuha.

"Long time no see sweety. " eco ng boses ni dadde sa utak ko.

"No, hindi to maaari." turan ko tyaka ako napabangon at nilibot ko yung paningin ko. Andito nga ako sa kwarto ko at bakit naka wedding gown ako?

"Sa wakas girl gising ka na buti nalang talaga natural pagiging maganda mo at madali ka naming naayusan konting retouch nalang tyaka yang buhok mo nalang." sabi sakin ng bakla na kakapasok lang.

"Halika na para matapos na't hinihintay ka na ng groom mo." sabi nito sakin.

"No please tulungan mo kong makatakas dito. Ayokong magpakasal." sabi ko rito at umiyak na ko ng tuluyan.

Hinding hindi ako mag papakasal sa lalaking hindi ko naman mahal and worst hindi ko kilala.

'William tulungan mo ko.'

"Nako wag kang umiyak." tarantang sabi sakin ng bakla tyaka ito kumuha ng tissue ng biglang bumukas yung pinto at niluwa nun si mamme at dadde.

"Enough Eicy. Mag papakasal ka sa ayaw at sa gusto mo." sabi ni dadde sakin kaya tinignan ko si mamme pero umiling lang ito sakin tyaka nya ko nginitian kaya lalo akong napahagulgol.

"Hinayaan ka na namin ng limang taon Eicy. Wag mo na ding subukang tumakas ulit dahil sinigurado namin na hindi ka makakatakas ulit." dagdag pa nito.

"Dadde patayin nyo nalang ako. Ayokong mag pakasal ganun din naman para nyo na din akong pinatay pag pinakasal nyo ko sa lalaking hindi ko mahal." sabi ko tyaka ako lumuhod sa harap nito wala akong pake kung naka gown ako.

"Shhhh tahan na." sabi nito sakin tyaka ito lumuhod din sa harap ko.

"Gusto lang naman ni dadde mo na mapabuti ka sweety. Ikaw lang yung nag iisang anak at prinsesa namin." sabi nito sakin.

"No, dadde ayoko po magpakasal please may mahal na po ako." sabi ko rito na parang batang paslit at tyaka ako humagulgol. Pano na si William? Si Miggy? Sila na yung buhay ko ngayon tyaka nag promise ako but it seems like promise really meant to be broken.

"Shhh tahan na prinsesa ko, para din naman sayo to." sabi nya sakin tyaka ako nito niyakap.

"Mamme." tawag ko sakanya kasi naluluha na rin to na nakatingin samin.

"Anak makinig ka sa dadde mo para din sa ikakasaya mo to." sabi nito, kaya lalo akong nawalan ng pag asa na may tutulong sakin.

Dahan-dahan akong tinayo ni dadde at inupo ako sa harap ng salamin.

"Always remember ikaw lang yung nag iisang baby namin tyaka para sayo din to." sabi sakin ni mamme ng nakangiti tyaka nya ko niyakap.

'William save me please.' turan ko sa aking isipan. Kahit napaka imposible kasi nasa business trip ito ni hindi ko nga alam kung nakarating na sakanya na wala na ko sa puder nya. Wala na ba talaga akong kawala ngayon? Kailangan ko na ba talagang tanggapin? pero nag promise ako kay William na mag i-stay ako no matter what?

Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas dito. Kailangan kong mag plano kung pano ko tatakasan yung mga nakabantay sakin.

'Tama, Rheane fighting!!! kaya mo yan nagawa mo na dati diba makakaya mo ulit ngayon.' sabi ko saaking isipan.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon