Ngayon ay susunduin ko na muna si Miggy sa school nito. Pagkadating ko sa waiting area sa school nila wala doon si Miggy kaya kinabahan ako.
Pupunta na sana ako sa guard ng mapansin ko yung bag nya na nasa sulok at kasama din yung bag ng kambal kaya napapikit ako ng mariin dahil kabisado ko na mga ito, ano nanaman kayang ginagawa ng mga yun jusme wag naman sana kalokohan.
Napag desisyunan ko na hanapin na sila panigurado andito lang sa paligid yung mga bubwit na yun.
"Kuya papagalitan tayo ni mama pag nalaman nya to." rinig kong sabi ni Giane .
"They don't get angry. We just helping ateng." sagot naman ni Kiane.
"Pero ang dumi ng uniform natin." sabi nanaman ni Giane.
"Just shut-up"rinig kong sabi ni Miggy kaya tuluyan na akong pumunta kung nasaan sila at naabutan ko sila na puro putik.
Jusko, bakit ngayon pa? May bisita yung daddy mo Miggy ako yung malalagot nito.
"Miggy, kambal halina kayo." aya ko sakanila as if naman may magagawa pa ko eh putik putik na sila.
"Babye po ateng." paalam ni Giane kay ateng nag gagarden.
"Salamat din sainyo." sabi nito tyaka ako nginitian kaya bumalik kami sa waiting area para kunin yung mga bag nila pero yung kambal umupo lang.
"Kayong dalawa halina kayo, ako din sundo nyo ngayon." sabi ko sakanila kasi may sakit yung lola nila kaya ako yung mag hahatid sakanila sa apartment na tinutuluyan nila. Tumango lang yung dalawa at kinuha yung bag nila't sumunod sakin kaya pumara na ko ng taxi.
"Anyare sa mga chikiting na yan?" tanong ni manong pang ilang sakay na ba namin sa kanya? I lost the count pero madami dami na rin.
"Ayun po kuya , nag garden sila kaya ayan putik putik pasensya na po madudumihan tong taxi nyo." paumanhing sabi ko sakanya.
"Ayos lang iha ganyan talaga ang mga bata, ganyan din yung apo kong kaedaran nila sobrang tigas din ng ulo." sabi nito habang nakangiti. Sana all katulad ni kuya lahat ng public transpo na driver. Sa totoo lang kasi yung ibang namamasada namimili ng pasahero tapos kundi mahal maningil kulang naman sukli ganun lalo na sa mga jeep or xlt.
"Manong penge po pambili ng pagkain kagabi pa po kami hindi kumakain. " sabi bigla ni Giane na kina laki ng mata ko sa gulat.
"Kaya nga po gutom na gutom na po kami." dagdag pa ni Kiane.
"My stomach is aching too." sabi naman ni Miggy.
"Miguel mag tagalog ka, palpak yung acting mo mag seminar ka muna." sabi sakanya ni Giane.
"Ok I'll practice when I came home." sagot ni Miggy, hanep tong mga bata na to.
Sinabi ko nalang kay kuya kung saan yung apartment nila kambal. Bababa na sana kami ng taxi ng may tumawag sakin na number lang?
Kaya sinagot ko muna ito malay natin kung importante.
"Hello, sino to? " tanong ko.
(si BRUCE to, Asaan na daw kayo?) sabi nito sa kabilang linya.
"Giane, Kiane wag kayong tumalon. Wait lang manong ahh." sabi ko sa kambal at kay kuya hanep tatalon pa kasi sa taxi baka mapano.
(Sino yun?) rinig kong tanong ni Bruce sa kabilang linya.
"Kunin nyo na tong bag nyo, ayan nalang naman yung tirahan nyo wag tatakbo baka madapa kayo." bilin ko sa dalawa.
"Manong sa Ç village na po." sabi ko.
"Hello Bruce kaklase ni Miggy yun tyaka on the way na kami." sagot ko rito .
(Sige ingat.) sabi nito sa kabilang linya parang nang aasar o may inaasar yung boses nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226235003-288-k596327.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...