CHAPTER 16

1.4K 40 1
                                    

Kaloka naman isang linggo na kong bored dito. Kailan kaya babalik si ate Ysay?

Haysttt well kung meron mang bago yun yung nag papaalam sakin ni William pagpapasok na to sa opisina nya, kaloka bakit nanay nya ba ko?

Pero I admit na medyo kinikilig ako sa ganung gesture nya. Meron akong na fefeel na hindi ko maipaliwanag. Basta ang komplikado.

"Mama what are you thinking?" tanong sakin ni Miggy. Oo nga pala andito na to katatapos lang namin mag tanghalian.

"Nako Miggy matulog ka na." sabi ko sakanya. Galawan ng bata na to bida-bida, dadaldalin ako tapos ayun hindi na sya matutulog.

"Mama where's ate Ysay? I didn't see her." sabi nito sakin.

"Umuwi sa kanila, kasi sinugod yung tatay nya sa hospital." sagot ko sakanya. Ano na kayang lagay ng tatay ni ate Ysay?

"When she coming back?" tanong nanaman nya.

"Ewan ko din ehh. Ang sabi nya hindi sya mag tatagal doon." sagot ko naman sa kanya.

"I hope ate Ysay father will get well soon." sabi nito.

"Kaya matulog ka na para lumaki ka agad. Papahiramin kita ng cellphone mamaya pag gising mo." sabi ko sakanya.

"Really?" tanong nya , sigurista talaga.

"Oo nga kaya matulog ka na." sabi ko sakanya kaya ayun pumikit na to haha.

Tapos makalipas lang ang ilang minuto ay may narinig akong munting hilik. Sign na nakatulog na to ng tuluyan. Madali lang naman syang pasunurin eh basta usapang cellphone hahaha. Kahit kasi mayaman sila hindi binibilan ng gadgets si Miggy.

Puro laruan lang tyaka books. Bilib din ako kay William halata naman na ini-spoiled nya si Miggy pero hindi sa mga gadgets.

Makababa na nga muna at ng matulungan ko si manang mag sampay.

"Manang saan po yung nabanlawan na dito? " tanong ko sakanya.

"Yang nasa laundry basket na green." sagot nito saakin kaya kinuha ko yun at sinimulan ko ng isampay.

"Rheane." biglang sabi ni manang kaya ko ito nilingon.

"Bakit po?" tanong ko.

"Paalala ko lang sayo ahh, wag kang masyadong mabait baka maabuso ka." sabi nito sakin kaya napa kamot ako ng batok.

"Hindi naman po ako ganun ka bait." sagot ko naman. Kasi hindi naman ako ganun kabait may kademonyohang taglay din ako pero laging positive side lang ako palagi nakatingin para di lumabas sungay ko.

"Nako wag mo ng ikaila. Natural sayo yun at nakikita namin yun na nakapaligid sayo. Sinasabi ko lamang to sayo dahil parang anak na ang turing ko sainyong dalawa ni Ysay. " sabi nito sakin.

Aww ang sweet ni manang na touch ako. 'Manang come here kiss kita sa pwet hahah' tae nabubuang nanaman ako.

"HELLO PEOPLE I'M BACK! " biglang sigaw ni ate Ysay kaya nagulat si manang at naihangis nito yung binabanlawan nyang damit hahahaha.

"Nako kahit kailan ka talaga." sabi ni manang kay ate Ysay pero tumawa lang to, wew back to normal na ulit sya I think.

"Hello back." sabi ko naman sakanya tyaka bumungisngis, masaya ako kasi hindi na ko ma bobored.

"Gagi panira ka talaga kahit kailan, tara mag meryenda may dala akong buko pie mainit-init pa." aya nito sa amin ni manang.

"Sige na Rheane sumunod ka na doon isang laundry basket nalang naman to. Pupunta nalang ako doon mamaya." sabi sakin ni manang kaya tumango ako at sumunod kay ate Ysay na dumeretcho sa kusina.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon