CHAPTER 27

1.2K 36 0
                                    

Today is sunday bonding day ng mag ama kaso kasama daw ako. Kahapon ay wala naman masyadong ganap gaya ng inaasahan ay hindi na inopen up pa ni William yung nangyari sa muka nito. Nakalimutan ko din ibigay kay Krisel yung number ko siguro next time ko nalang itatanong.

"Mama, we're going to church today after this." sabi ni Miggy sakin habang kumakain.

"Opo kaya kumain ka lang jan." sabi ko rito. Si William naman tahimik lang kumakain. Kahapon pa yan eh mula ng bumalik sya galing sa meeting nya.

"Manang diba mag sisimba din po kayo? Sama-sama nalang po tayo." pag aaya ko kay manang.

"Nako iha. Naka oo na ko sa dati kong kaibigan eh." sagot sakin ni manang kaya nginitian ko to ng medyo may malisya.

"Ganun po ba? sige po sa susunod nalang." sagot ko rito at napabuntong hininga nalang to sakin tyaka pinag patuloy ko nalang yung pag kain ko.

Pagkatapos namin kumain ay iniligpit at hinugasan ko muna yung mga pinagkainan namin. Madami kasi kami ngayon kasi may mga body guard pang nalalaman tong si William.

Pagkatapos ay pinaliguan ko na muna si Miggy tyaka ko binihisan bago ako gumayak naka denim short lang si Miggy tyaka t-shirt na may print na moose gear at rubber shoes. Nag handa rin ako ng maliit na bag nito at panigurado mag papawis nanaman sya kasi dederetcho kami sa orphanage.

"Miggy nahiwalay mo na ba yung mga laruan mo na ibibigay natin sa orphanage?" tanong ko sakanya.

"Opo mama, even my some of my clothes." sagot nito kaya tumango nalang ako at ginulo yung buhok nya tyaka ako nag tungo sa silid namin dati ni ate Ysay na ako nalang yung naka kwarto ngayon, tyaka ako nag bihis nakaligo naman na ko kanina eh, nag faded na pantaloon lang ako tyaka blouse na puti at rubber shoes.

Yung mga laruan naman ni Miggy ay nakalagay sa isang karton ganun din yung iba nyang mga damit. Pagkalabas namin ni Miggy ay nakaupo sa sofa si William at mukang malalim yung inisip nito, gustong gusto ko ng mag tanong kaso pinipigilan ko sarili ko baka kasi hindi nya ko sagutin or mag sinungaling lang sya kaya wag nalang.

Kung ano man yung gumugulo sa isipan nito ay malalaman ko din. Panigurado kasi ako mismo yung hahanap ng sagot sa katanungan ko.

"Daddy." tawag ni Miggy kay William pero lumilipad parin ata yung isip nito, kaya bumaba si Miggy sa pag kakabuhat ko tyaka nito sinapok yung daddy nya haha lokong bata.

"Bakit mo ginawa yun?" bulyaw ni William sa anak nya kaya tumakbong nag punta si Miggy sa likod ko mukang natakot kay William.

"It's your fault daddy, you're not paying attention." pag dadahilan ni Miggy pero nasa likod ko parin sya kaya napabuntong hininga nalang si William na tila sumusuko sa anak nito.

Nakarating na kami sa simbahan medyo nahuli pa nga kami, kasama din namin yung mga guard buti nalang naka civilian sila kung hindi nakakahiya.

Tahimik lang akong nakikinig sa sermon ng pari. Si Miggy naman ay hikab ng hikab kaya kinandong na sya ni William na nakikinig din sa misa.

"Akin na yung bag ni Miggy para maayos mo syang mabuhat." sabi ko kay William kaya dahan dahan nyang tinanggal yung pag kakasukbit ng bag sa anak nito.

Nang malapit ng matapos yung misa ay napansin kong nakatulog na si Miggy sa balikat ni William.

"Tulog na yan." bulong ko kay William baka biglang magising at ngumawa nanaman kaya nilingon nito si Miggy tyaka dahan dahan na ito sa paggalaw.

Hindi nag tagal ay natapos na din yung misa.

'Tignan mo yun bes ang gwapo nung lalaki.' rinig kong sabi ng babae sa kasama nya. Mukang mga college student sila.

'Oo nga prend, pero mukang pamilyado na. Sila yung sana harap natin kanina.' sagot naman ng isa.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon