CHAPTER 10

1.5K 45 0
                                    

Abala kami ngayon dito sa mansyon at nag hahanda kami ng mga dadalin na gamit dahil sa biglaang pa outing ni William.

Mukang babawi ata sa anak nito dahil iba din yung topak ng bata na yun hindi ba naman kinibo yung ama kahit anong gawing kausap sakan'ya.

"Rheane nakahanda na ba yung mga gamit mo? " tanong sa'kin ni ate Ysay.

"Oo ate kagabi pa." sagot ko rito kasi alas tres natapos yung event sa school ni Miggy tapos kinagabihan sinabi ni William na may outing daw kaya inihanda ko na yung damit na dadalin ko pati yung kay Miggy.

Kasi isang araw at isang gabi kami dun sa private resort daw ng kaibigan ni William.

Bali isang sasakyan nalang yung gagamitin namin. Si William yung nag dadrive. Si manang sa passenger seat at kaming tatlo nila ate Ysay sa likod.

Kasalukuyan kaming nasa byahe at nakikita ko sa peripheral view ko na sumusulyap sulyap dito sa likod si William.

Ewan ko kung sa'kin or kay Miggy, basta ang alam ko lalo akong naiilang sakanya kaya nag cellphone nalang ako at nag laro ng drop stack ball ng bigla itong inagaw saakin ni Miggy.

"Mama it's my turn, you are always loss." sabi nito sakin shemay pinapanuod pala ako nito kaya wala akong nagawa naagaw na sakin eh.

"Sir kaya nyo pa po ba? Ako naman po mag drive." sabi ni ate Ysay kaya napalingon ako rito pati William pero binalik din nito agad yung tingin nya sa daan.

"You sure, kaya mo? " tanong ni William kay ate Ysay.

"Oo naman sir yakang yaka ko yan, dati akong driver ng jeep sa probinsya namin." sagot nito, kaya iginilid ni William yung sasakyan.

Kinakabahan ako kay ate Ysay kaya nilingon ko si manang pero chill lang to so ibig sabihin hindi dapat ako mangamba.

Nang nagsimula ng mag drive si ate Ysay ay tahimik na ulit yung byahe namin, ako naman ay parang tuod lang na naka upo rito dahil tanging si Miggy lang yung pagitan namin ni William.

"Daddy don't cheat it's already my turn, so give me back the phone." reklamo ni Miggy sa daddy nito kaya nilingon ko sila.

"Hindi pa ko natataya." sabi naman ni William pero nakita kong mabilis nito tinouch yung cellphone.

"Dad you can't fool me, we have a rule if you're game over its my turn." sabi ni Miggy at pilit nitong inaagaw yung cellphone ko.

Tanging silang mag ama lang yung maingay. Hanep parang ngayon lang nakapag laro sa cellphone ahh.

"What happen? " rinig kong tanong ni Miggy kay William kahit konting distansya lang yung pagitan namin hindi ako nakatingin sa kanila naka dungaw lang ako sa bintana.

"I think its dead battery." sagot naman ni William.

"What? Seriously? Its already my turn, why so unfair? " reklamong tanong ni Miggy.

"It's okay, we're already here." sabi naman ni William. Oo nga noh? ganun ba ko kalutang para hindi ko mamalayan.

Pagkababa namin sa sasakyan ay buhat ni William si Miggy.

"Hey Big boy. " bati ng lalaki kay Miggy, basta nagpunta na to sa mansyon . Ngayon bitbit ko yung bag ko tyaka yung ibang gamit .

"Hey Miss beautiful, welcome to our resort." bati nito sakin.

"Salamat." sabi ko tyaka ko to nginitian.

"By the way I'm Bruce, ikaw binibini ano ang iyong pangalan? " tanong nito saakin kaya medyo natawa ako kasi english tapos biglang lalim ng tagalog nito.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon