CHAPTER 14

1.4K 40 2
                                    

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko, na si Miggy lang pala tinanghali ako ng gising ngayon buti nalang walang pasok si Miggy at may pupuntahang seminar daw yung teacher n'ya.

"Mama, wake up we're going to daddy's office again." sabi nito sa'kin.

"Miggy wala naman tayong gagawin doon baka makaabala lang tayo tyaka baka magalit yung daddy mo." sagot ko sakanya kasi wala naman binilin yung daddy nito tyaka baka ma issue nanaman ako doon.

"But---

"No buts hindi tayo pwede dun. Wag kang mag alala may pupuntahan tayo. Mag eenjoy ka dun and you will learn something new." sabi ko sakan'ya sabay kindat.

"Really?" excited na sagot nya sakin kaya binuhat ko na sya at nag tungo kami sa kusina pagdating namin sa kusina andoon si ate Ysay as usual dito naman lagi nakatambay to .

Mamaya pupunta kaming orphanage panigurado marami syang makakalaro dun.

"Gaga ka anong oras na oh." sabi sakin nito.

"Alas-8 na." sagot ko naman sakanya pero siningkitan lang ako nito ng mata kaya tinawanan ko to at iniupo ko si Miggy sa upuan tapos na daw tong kumain kaya naman kumain na muna ako.

Pagkatapos ay nag handa ako ng ingredients for cupcakes .

"Mama where are we going later?" tanong sakin ni Miggy.

"Pupunta tayong orphanage." sagot ko sakanya kasi may nakilala kami ni ate Ysay na madre nung nag day off kami tyaka nasabi ko na dadalaw kami doon.

"Ha? it's ganna be boring day." bulong nito na narinig ko naman, lokong bata.

" Magiging masaya yun Miggy trust me." sabi ko sakan'ya.

Makalipas ang ilang oras ay luto na yung cupcakes.

"Hey guys what are you doing? " tanong ni William na naka panjama at sando *droll* ang hot.

Ehh bakit andito pa to? Dapat nasa opisina na sya ng gantong oras.

"We're putting icing on the cupcakes daddy." sagot ni Miggy sakanya na patuloy lang sa pag lalagay ng icing.

"Bakit ang dami naman nyan?" tanong nito sabay kuha ng isa tyaka nya to kinain.

"We're going go in orphanage later." sagot sakanya ni Miggy hanep na bata na to ang hilig mag english marunong naman mag tagalog.

"Sama." sabi nito.

Weehhh seryoso ?

"Wala ka bang pasok ngayon sa opisina mo?" tanong ko sakanya.

"I'm the boss." sagot nito tyaka kumuha nanaman ng cupcake. Whatever hambog.

"Daddy stop eating that, help us instead." reklamo ni Miggy sa ama. Pano yung mga gawa ni Miggy yung kinakain nya.

"Teach me first." sagot nito kay Miggy.

"Mama turuan mo si daddy." sabi nito sakin hanep bakit naipasa saakin? kaya inabutan ko sya ng icing piping bag.

"Ganto lang dahan dahan mong pigain tong piping bag tyaka paikot mong ilagay sa ibabaw ng cupcakes." sabi ko sakanya habang deni-demo kung pano gawin.

Pero nung sya na bigla nya itong piniga bigla.

"Hahaha daddy look what you have done? its really horrible." sabi sakanya ng anak nya hanep mukang mas malala pa sya kay Miggy kaya hinawakan ko yung kamay nya tyaka ko inalalayan sa pag lagay ng icing.

Sa pang apat na cupcake ay hindi ko pa na pipiga yung piping bag ay nagawa na nya kaya binitawan ko na yung kamay nya at pinanliitan ko sya ng mata, gagong to pinag titripan ata nya ko.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon