William P.O.V
Naalimpungatan ako ng may gumalaw sa tabi ko, kaya bigla akong napa upo pero may nahulog na bimpo mula sa noo ko.
Paglingon ko nakita ko si Rheane na nakapikit-- tulog to be exactly habang buhat-buhat yung anak ko .
Kaya napatingin ako sa muka nito medyo pouty at mapula yung labi nya, sakto lang yung kapal ng kilay, mahaba yung pilikmata, wala ding pimples at wala pang arte sa katawan.
Maganda sana s'ya kaso ang lakas tumawa tyaka hindi sya basta-basta.
Yung nagyari sa school ni Miggy nakita ko yun, na sinapak n'ya yung babae. She have her own personality that's make her unique that makes her special to me .
Kaya lang bigla itong gumalaw kaya mabilis kong iniwas yung tingin ko rito.
'Tsk' tigas talaga ng ulo kabilinbilinan ko na walang papasok sa kwarto ko pero s'ya eto ngayon nasa kama ko pa.
Pero mukang hirap na ito sa posisyon n'ya kaya dahan-dahan kong kinuha yung anak ko sakanya tyaka ko sila nilipat sa kwarto ni Miggy.
----
PAGKAGISING ko ay madilim na ang paligid at may nakayakap sakin kaya nilingon ko ito.
Si Miggy lang pala na mahimbing na natutulog kaya hinipo ko yung noo nito. Hindi naman na ganun kataas yung lagnat nya, wait kwarto to ni Miggy ah panong?
Sapag kakatanda ko nasa kwarto kami ni William. Pano kami napunta rito? Naglakad ba ako ng tulog habang buhat si Miggy ?
Hayst tyaka ko na nga iisipin yun. Tutal mahimbing naman tulog si Miggy kaya maiiwan ko muna siya saglit.
Kaya dali-dali akong pumunta sa silid namin ni ate Ysay para mag linis ng katawan sapagkat nakakahiya man aminin ay hindi ako nakaligo dahil sa mag-ama.
Pagkatapos ko ay pumunta akong kusina, kasi panigurado andoon si ate Ysay.
"Ohh kamusta yung mag-ama? buti naibaba mo si Miggy? " bungad na tanong sa'kin ni ate Ysay habang nagluluto ito.
"May sinat nalang si Miggy at mahimbing yung tulog kaya ko naiwan pero si William ewan ko, tyaka pala ate Ysay pasensya na ako yung nakatoka ngayon sa pag luluto pero ikaw yung gumawa. " sabi ko rito.
"Ano ka ba? si Miggy talaga yung trabaho mo dito don't yah worry yakang yaka ko to. Maliit na bagay tyaka pambawi ko din sayo dahil sayo nakasama at naka bonding ko yung junakis ko." sagot nito sakin.
"Pero kasi --
"Hep! hep! wag ka ng magdahilan hayaan mo na, tulungan mo nalang akong ihanda to baka magising na yung alaga mo." sabi nito sakin kaya napa buntong hininga nalang ako.
Inihain ko na sa lamesa yung mga pagkain tapos si ate Ysay naman nag sandok ng sinigang na baboy sa mangkok at kanin tyaka nag salin ito ng tubig sa baso.
"Ohh Rheane eto na yung pag kain ni Sir William ikaw nalang mag dala doon sa taas. " sabi nito sakin as if naman may iba pang maghahatid nun doon.
Pagkadating ko sa taas dahan dahan kong pinihit yung doorknob at naabutan ko syang natutulog kaya binaba ko muna yung tray sa table na andito tyaka ko s'ya nilapitan.
"Ang gwapo mo sana kaso suplado ka." sabi ko rito. Ang lakas ng loob ko sabihin yun syempre tulog sya . Like hello hindi ko pa nakakalimutan yung atraso ko sakanya baka mamaya bigla n'yang maalala mahirap na.
Kinapa ko yung noo nya, haystt salamat at mababa na rin yung lagnat nito kaso biglang dumilat yung mata nya.
"What are you doing here again? " tanong nito sakin pero binaliwala ko lang ito tyaka pumunta sa table.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...