Simula ng mag open sakin si William ay lalo pa itong naging clingy tapos sweet. Sana naman yung pagka sweet nya hindi parang bubblegum na pag nagtagal ay nawawala.
"Ano sasama ka na ba sa opisina o pumunta nalang kayo ni Miguel mamaya doon pagkasundo mo sakanya." tanong sakin ni William habang inaayos nya yung necktie nya.
"Hmm mamaya nalang. Tutulong muna ako sa pag lilinis dito kasi walang kasama si manang." sagot ko sakanya.
"Sige, isasabay ko na si Miguel sa pagpasok, hintayin ko nalang kayo mamaya." sabi nito sakin tyaka nya ko kiniss sa pisngi. Goshhh wala kinikilig lang ako.
"Miguel tara na. " tawag ni William kay Miggy.
"Wait daddy." sigaw nito pabalik .
"Saglit lang puntahan ko lang yung bata na yun baka nag lalaro nanaman." paalam ko at nag tungo sa kwarto ni Miggy.
"Miggy malelate na kayo ng daddy mo." sabi ko rito pagpasok ko pero naabutan ko tong may hinahalungkat sa bag nya.
"Wait mama." sabi nito at patuloy sa pag kalkal ng bag nya.
"Ano ba yung hinahanap mo?" tanong ko sakanya.
"Mama, Lala's letter is missing. I know I put it here." sabi nito at patuloy parin sa pag hahanap.
"Baka hindi mo jan nailagay, ako na mag hahanap mamaya. Pumasok na kayo, late na kayo." sabi ko rito tyaka ko kinuha yung mga notebook nya na nakalabas at ipinasok ito sa bag nya.
"Okay po." sabi nito sakin kaya binuhat ko sya at bumaba na.
"Bye mama." sabi nito sakin na naka dungaw sa bintana ng sasakyan ni William.
"Babye ingat kayo." sabi ko bago sila makalabas ng gate. Pag pasok ko sa loob ay sobrang tahimik. Na-miss ko tuloy si ate Ysay kasi pag ganitong oras chikahan kami ng chikahan. Ano kayang kagaguhan nanaman yung ginagawa nun ngayon?
Hays makapag linis na nga lang. Inuna kong maglinis sa kwarto ni Miggy para mahanap ko rin yung letter sakanya ni Lala. Naloloka parin ako pag sinasabi nyang papakasalan nya si Lala pag laki nila, pero panigurado mag babago parin isip nya kasi masyado pa syang bata.
Pinagpag ko muna yung comforter nya tyaka ko inayos ng may napansin akong notebook sa ilalim ng kama nito kaya kinuha ko yun at binuklat.
Dito nga naka ipit yung letter ni Lala pati yung bracelet na pulang sinulid. Wait nag dadiary si Miggy? Yung batang yung talaga haha pag napuno nya to kailangan kong makuha para ipapakita ko sakanya pag tanda nya.
Umupo ako sa gilid ng kama nito at binuklat yung notebook. Bakit puro tungkol sakin yung nakasulat dito? kaya binuklat ko pa, meron din tungkol kay Lala.
Kaya sinarado ko na yung notebook, tyaka ko ilagay sa side table nya. Pag nabasa nya tong mga ka corny-han nya pag laki nya, ewan ko nalang kung ano magiging reaksyon nya and I'm looking forward on it.
Pagkatapos kong mag ligpit doon ay nag tungo naman ako sa hardin para mag dilig ng halaman.
"Rheane alas-10 na. Akala ko ba ay mag luluto ka para sa pananghalian ni Sir." biglang sabi sakin ni manang, kaya binilisan ko yung ginagawa ko at nagtungo na ko sa kusina.
Nag salang muna ako ng bigas sa rice cooker para sakto pag kaluto nun ay luto na rin yung ulam. Pagkatapos ay gumayak na ko para sa pagsundo ko kay Miggy tyaka dadaan daw kami sa opisina ni William.
Bilin din ni William na sasabay ako sa mga body guard pag sinundo ko si Miggy, kaasar pwede naman akong mag commute or pahiramin nya ng sasakyan tutal madami naman syang kotse.
Pagkadating namin sa school ni Miggy ay binilin ko sa mga bodyguard na wag na nila akong sundan, buti nalang at madali silang paki usapan pero ramdam kong nakatingin parin sila sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/226235003-288-k596327.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...