Naalimpungatan ako ng may tumapik sa muka ko.
"Commander." gising sakin ni William. Medyo madilim na din yung paligid. "We're here." sabi nito, nakakapag taka bakit hindi sumalubong si Miggy sabi ni Wendy kanina andito daw sila sa mansyon. Pag pasok namin ay ang tahimik pero bukas naman yung mga ilaw.
"Nasaan sila?" tanong ko kay William tyaka nito nginuso yung kurtina, may tatlong paa ng bata panigurado si Miggy at sila kambal kaya inilibot ko yung paningin ko.
Ano to hide and seek???
"Lumabas na kayo." sabi ni William na naka akbay sakin kaya nag silabasan na sila hahaha.
"Mama." sabi ni Miggy tyaka ito tumakbo papunta samin.
"Apo wag kang tumakbo." sabi ni mamme rito pero dahil makulit nga si Miggy tumakbo parin to.
"Welcome home Mr. and Mrs. Carter." sabi ni Tyler at may pa confetti pa to hahaha.
"Bobo dapat kanina pa yan. Sabing ako na kasi nag magaling ka pa." pag mamaldita ni Wendy rito.
"Kasalanan mong panget ka, dami mo kasing kaartehan hindi ko tuloy namalayan nakapasok na sila." sagot naman ni Tyler sakanya.
"Tama na yan mag tatalo nanaman kayo, magkatuluyan pa kayo nyan." sabi ni mamme sakanila.
"Diba balae." sabi pa nito kay mom (ni William).
"Oo nga noh, anak bagay kayo." gatong pa nito na kina pula ni Wendy.
"Nako tita, hindi kami talo ng anak nyong megaphone, ang sakit-sakit po nyan sa tenga. Ang daming kaartehan, tapos hindi po malaki yung---
"Yung ano ha? kapal ng muka mo sa ganda kong to daming may gusto sakin palibhasa bulag ka, malalaking suso lang nakikita mo kahit poste ata na may dede papatulan mo, tyaka kung katulad mo lang din naman wag na baka nga may HIV ka na, kayo ni Kyle." sabi nito at nag walk out. ohh owww mukang na hurt si Wendy, mukang na realize na nito yung nararamdaman nya kay Tyler, si Tyler kaya kailan?
"Bakit pati ako nadamay?" tanong ni Kyle at iiling-iling pa.
"Pag pasensyahan nyo na." sabi naman ni dad.
"Ma'am nakahain na po yung mga pinaluto nyo." sabi ni manang kay mom.
"Ohh tara na kumain." aya nito samin kaya binuhat ko si Miggy kaso kinuha sya sakin ni William tyaka nya ko inalalayan gamit yung isa nyang kamay.
Pagkadating namin sa kusina ang daming nakahain kaya kanya-kanyang kuha na sila.
"Brute painom ka naman mamaya." kantyaw ni Tyler kay William kaya nilingon ako nito na parang nag papaalam.
"Payagan mo na Rheane babe dito naman kami iinom." sabi sakin nito.
"Stop calling my wife that corny endearment of yours." sagot ni William kay Tyler tyaka nya ko kinabig palapit sakanya.
"Tch jerk." komento ni Wendy rito.
"Hephep kumain nalang tayo para makapagpahinga na tayong lahat para may lakas tayo sa plano nyong swimming party." sabi ni mom na kinasang ayunan ni dad, dadde at mamme kaya tahimik kaming kumain.
"Mama can I sleep beside you and daddy." sabi sakin ni Miggy nakakandong kasi ito kay William ngayon.
"Apo ayaw mo ba tumabi samin." tanong ni mom.
"Kaya nga bubwit gagawa pa ng kapatid mo sila Rheane." sabat ni ate Ysay na kina pula ko. Si William naman naka ngisi tyaka nya hinawakan yung kamay ko sa ilalim ng mesa.
"Ysabelle watch your mouth." sermon ni Ian kay ate Ysay.
"Nyenye." sagot ni ate Ysay sakanya.
"No, mama please I want to sleep with you and daddy." sabi nito at sumiksik sa daddy nya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...