It's been a month simula ng maikasal kami ni William at ayun nga balik trabaho na sya. Eto ako dakilang may bahay kung ano-ano lang naman yung ginagawa ko dito ,kung ano maisipan kasi ang boring talaga kaya kailangan ng mapag aabalahan .
This month din yung huling fashion show ko pero kada sasabihin ko ito kay William nagagalit sya. Meron pa naman akong isang linggo para makausap ng matino yun lalaki na yun .
Isang buwan palang at medyo lumalabas na yung ibang side ni William. Ayun nga, ang sweet sya mga bess as in lalanggamin ka talaga akala mo lang masungit tyaka sobrang pilyo ilang beses din na may nangyari samin pano inaakit nya ko eh marupok ako kaya ayun nag tatagumpay ang lolo nyo at syempre seloso.
-____-
"Commander ngayon yung ultrasound ni Stella, gumayak ka na." sabi sakin ni William tyaka nya ko niyakap mula sa likod. Oo nga pala nakalimutan ko.
"Eto na nga, yakap ka kasi ng yakap." palusot ko sakanya and I just heard him chuckled tyaka nya ko hinalikan sa labi, mas ok ata na ninakawan ng halik chossss hahah.
"I'll wait you downstairs and I already prepared yung clothes." sabi nito na kinatango ko lang kasi yung kiss nya parin nasa utak ko. Ang harot ko na talaga.
Kaya nag tungo ako sa walk-in closet namin at meron ngang nakalabas na dress. Ang simple lang nito at hindi revealing, knowing William. Napailing nalang ako, William, William, William napaka sigurista mo talaga.
---
Andito na kaming lahat ngayon sa Hospital, sila Stella nalang kulang. Ang galing mas nauna pa kami sa kanila eksayted tong mga bugok na to .
Ang tagal naman inaantok na ko kakaupo rito kaya isinandal ko yung ulo ko sa balikat ni William.
"Hey what's the matter?" tanong nito sakin at hinipo yung noo ko.
"Wala inaantok lang ako, tagal naman kasi." reklamo ko sakanya.
"Rheane gusto mo ba ng kape?" tanong sakin ni Bruce. Ang elegante talaga ng tao na to. "Yes, please." sabi ko rito.
"Pupunta kasi muna kaming cafeteria at nagugutom daw to." sabi ni Bruce
"Ehh pano excited kayo masyado, hindi tuloy ako nakapag breakfast tapos mag hihintay tayo dito ng pagkatagal tagal." reklamo ni Lian kay Bruce.
"Kaya nga apura din tawag sakin, hindi tuloy ako nakapag ayos." dagdag pa ni Wendy at humalukipkip kung andito si ate Ysay panigurado yun yung pinaka maraming reklamo, yun pa ba?
"Ano Rheane sama ka nalang samin?" aya sakin ni Lian.
"Kayo nalang kumain naman kami kanina bago umalis tyaka tinatamad ako mag lakad." sagot ko sakanya.
"Ibibili ka nalang namin ng coffee para mawala antok mo." sabi nito sakin kaya tumango nalang ako.
"Idamay nyo na rin ako." sabi ni Tyler.
"Ulul bumili ka ng sayo." sagot ni Bruce kay Tyler, bago sila tuluyang umalis. Kahit naman ganun sagot nun panigurado bibilan nya parin si Tyler at lahat ng andito.
Naluluha na ko kakahikab ko, kaya ipinikit ko nalang muna yung mata ko.
"Sorry guys, kung na late kami." rinig kong sabi ni Stella kaya minulat ko yung mata ko at tumayo kaso parang biglang nandilim yung paningin ko kaya napakapit ako kay William.
"Are you okay?" tanong nito sakin.
"Kung ikaw kaya kuya yung nakaidlip tapos biglaang mapatayo, malamang mandidilim paningin mo." pag mamaldita ni Wendy sakanya.
"Rheane ohh." abot sakin ni Lian ng kape kaya kinuha ko ito nakabalik na pala sila.
"Salamat." sabi ko sakanya at tinanguan lang ako nito.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...