Maghapon na wala ako sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit ang big deal sa'kin nun in the first place hindi naman ayun yung unang pagkakataon na may humalik sakin.
I'm being too paranoid.
"Mama." biglang tapik saakin ni Miggy. "You're not listening. " reklamo nito sakin habang nakanguso pa.
"Ahh ano yun? " tanong ko rito na kina buntong hininga nya.
"I said we're going to wear color blue shirt tomorrow." sabi nito sakin. Oo nga pala bukas na pala yun .
"Ahh oo sige, mamaya ireready ko na yung mga gagamitin para bukas." sagot ko rito.
---
Kinabukasan ay gumising kami ni ate Ysay ng maaga upang maghanda para sa family day daw nila Miggy . Pagdating namin sa kusina ay nag timpla muna kami ng kape tyaka tumunganga saglit.
Nang bigla naming narinig yung makina ng sasakyan ni William na sa tantya ko ay papaalis na.
"Ang aga naman umalis ni Sir. " kumento ni ate Ysay. Alas singko palang kasi.
"Baka may importanteng gagawin sa company nya." sagot ko nalang kay ate Ysay .
"Hay nako hindi na ko magtataka kung nakalimutan nya na ngayon yung family day ng anak nya, ewan ko ba sa mga mayayaman bakit ganyan sila?" sabi naman ni ate Ysay na iiling-iling pa habang humihigop ng kape.
Nanahimik nalang ako kasi wala din naman akong sasabihin or comment sa sinabi nito tyaka baka saan nanaman mapunta yung usapan kakaiba pamandin mag isip tong babae na to.
Kaya inumpisahan na namin kumilos pag tungtong ng alas- syete halos patapos na kami .
Nag bake lang naman ako ng cupcakes at cookies . Si ate Ysay naman gumawa ng sandwich para babaunin mamaya kasi ginto yung tinda sa school nila Miggy.
Pagkatapos ay umakyat na ko sa silid ni Miggy para gisingin siya pero pagdating ko roon ay gising na ito at nag lalaro.
"Morning Miggy." bati ko rito kaya napalingon to saakin.
"Good morning too mama, today is the day. " sabi nito habang malaki yung ngiti sa labi kulang nalang umabot sa tenga nito.
"Kaya halika na , papaliguan na kita." sabi ko sakaniya, halata sa mga mata nito na excited na s'ya para ganap ngayong araw.
Pagkatapos ko siyang paliguan at bihisan ng t-shirt na blue at naligo narin ako. Si ate Ysay naman ay tapos na rin maligo at nakabihis na rin ito, kaya s'ya muna yung nagbantay kay Miggy doon sa living room baka mag dungis nanaman ito.
"Ate Ysay where's daddy? " rinig kong tanong ni Miggy kay ate Ysay.
" Ahh ehhh ano kasi bubwit." sagot ni ate Ysay na tila ba nag iisip ng isasagot nito sa tanong ni Miggy.
"Miggy maagang umalis yung daddy mo eh. " sagot ko rito at nasilayan ko rin kung paano nagbago yung excitement nya na naging malungkot.
"He said we are going to attend. " sabi nito habang nakayuko. Nababakas yung lungkot sa boses nito kaya nagkatinginan kami ni ate Ysay.
"Ayaw mo ba kaming kasama ni ate Ysay? " tanong ko rito.
"I want." sabi nito pero bagsak parin yung balikat nya.
"Yun naman pala ehh, edi tara na ." pag- aaya ni ate Ysay
"But it's family day." sagot ni Miggy.
"Kami ni ate Ysay, family mo rin naman kami ehh hero ka din namin diba ate Ysay. " pang uuto ko rito.
"Oo nga, tyaka sayang yung cupcakes at cookies." dagdag ni ate Ysay na kina angat ng tingin nito kay ate Ysay haha got you boy.
Kahinaan ni Miggy yung cookies at cupcakes na bini-bake ko or yung binili sa frenimy café.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
Storie d'amoreSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...