CHAPTER 5

1.7K 50 5
                                    

Kanina pa ko nag hihintay sa mag ama na yun hanep 10:30 na , sayang nga hindi ako nakasama kay ate Ysay.

flashback...

Pagkadating namin ni ate Ysay sa library andoon na si sir William at take note ang seryoso niya parin.

>•<

"Pinatawag ko kayo dito kasi kailangan namin ni Miguel ng mag aasssist samin mamaya." umpisa nito.

"Siguro okay lang naman sainyo dahil ngayon lang naman to." dagdag niya pa pero kami ni ate Ysay walang imik.

"So it could be yes, both of you can go out now." sabi nito.

"Ahhh sir -" biglang sabi ko naka plano na ngayon si ate Ysay bonding nilang mag iina ngayon.

"Ako nalang po mag aassist sainyo kaya ko naman po. " pag pipresinta ko sana pumayag siya.

"Okay." sagot naman neto "Ysay you may go now and you stay, I have something to discuss on you. " sabi nito sa'kin pero tumingin saakin si ate Ysay at nabasa ko sa buka ng bibig niya na thank you kaya tinanguan ko nalang sya.

Pero deputa kinakabahan ako payback time nya na ba ngayon ? 

God mabait naman po ako eh 

Nang bigla itong tumayo at lumapit sakin kaya umatras ako.

"Relax hindi kita kakainin hindi rin kita type." sabi nito sa'kin aba isa din tong hambog, gagong to sipain ko kaya kinabukasan nya dahil parang iba yung meaning ng sinabi nito.

Tapos ayon nga pupunta daw silang mall at bibili ng school supplies ni Miggy kailangan daw ng tagabitbit , god patawarin masasapak ko to .

End of flashback

Ang tagal talaga nila baka nalunod na sa bathtub charroot , habang wala sila sasabihin ko muna yung OOTD ko ngayon.

Dapat dress to eh katulad ng kay ate Ysay kaso alalay ang peg ko ngayon kaya nag rip jeans nalang ako at maroon na crop top tapos rubber shoes.

Then boom ang sexy ko HAHAHA. Shesssshh hangin mga nasa number 3.

Ayownn andito na din yung dalawa yieeee ang cute nila parehas muka silang aso weewww charrot at naka red sila ang gwapo nila parehas muka silang pinagbiyak na bunga ayy wait Valentine's ba ngayon ?

"Lets go." sabi sakin ni sir dapat ako magsasabi nun ang tagal kaya nila pero
sumunod nalang ako sakanila.

Shemay daming kotse dito ang yaman talaga pwede ko sigurong carnap-in yung isa haha.

"Hey what the hell are you doing, are you a nuts? " sabi sa'kin ni SIR kaya lumapit na ko dun ng sasakay na ko bigla niya kong hinarang.

Don't tell me na magko commute ako? Dapat kanina pa nya sinabi para di na ko naghintay. Naistress ako sakanya bigla.

"Anong akala mo sakin driver nyo, dun ka sa passenger seat umupo." sabi nito at nag punta na siya sa driver seat potek gentle dog hindi man lang ako pinagbukasan kaya napairap nalang ako sa hangin . Well sino ba naman kasi ako para pagbuksan ng pinto ?

Nag seatbelt ako pagkasakay ko baka masungitan nanaman ako ng lalaki kasama namin ngayon tsk, mygudnes daig pa nito ang may dalaw. Sarap sampalin ng napkin with wings.

Pagkadating namin dito sa mall, siya ulit may buhat kay Miggy tyaka pinag titinginan kami ng mga tao, bakit ngayon lang ba sila naka kita ng gwapo kagigil sarap dukutin ng mga mata nila hindi nila na appreciate yung beauty ko dahil sa mag ama sila nakatingin.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon