Hmmp nakakainis naman kasi! bakit ba hindi ko natanong sa kaibigan ko yung exact address ng bahay nito. Tanging C Village ang nabanggit nito eh ang daming bahay dito or mas okay ata na tawaging mansyon sa laki. Ngayon pano ko ito matutunton lalo pa at minamalas ako dahil nawawala ang cellphone ko ewan ko kung nahulog sa bus na pinagsakyan ko kanina o nadukot.
By the way, hi-way, sky way ako pala si Rheane Eicy Decastro 27 years old yun lang kayo na umalam sa iba haha. So eto ako ngayon no choice kailangan kong magtanong kahit nakakahiya.
'Hingang malalim Rheane' sabi ko sa aking sarili bago ko pindutin yung doorbell.
"Hmm hello po, pwede po ba ---
"Nako iha mamaya ka na magpaliwanag halika na siguradong umiiyak na yung aalagaan mo at nagwawala kasi papasok na sa trabaho si Sir." putol nito sa sasabihin ko sabay hatak sa akin papasok sa loob kaya naman wala na kong nagawa kundi mag pahila nalang. Mukang siya ata yung mayordoma dito.
Pag pasok namin sa isang silid merong bata na umiiyak na tantya ko mukang nasa 5 years old palang.
"Maiwan na kita dito iha ahh ikaw na bahala kay señorito." sabi sa akin ni manang. Jusme naman ano ba itong napasok ko? Anong gagawin ko dito? Hanep mag tatanong lang ako ehh.
Bahala na nga si batman, superman, pati si Darna. Sa ngayon ay sasabay nalang ako sa agos ng buhay.
"Hmm señorito--
"No , I want my daddy! DADDY huhuhu." sigaw sakin ng bata jusme spoiled brat ata ito baka hindi ko to matansya ay ibibitin ko ito patiwarik.
"Shhhhh tahan na, uuwi din yung daddy mo mamaya. Mag wowork lang siya para may pambili ka ng toys mo. " pang uuto ko rito baka sakaling huminto ito sa pag wawala.
"No! I don't like toys I want my daddy." pag mamatigas na sagot nito sabay balibag ng madampot niyang laruan.
'Sheeettt aray masakit yun ahhh nako kung hindi lang ako makakasuhan ng child abuse papatulan ko talaga to.
*hingang malalim*
'Rheane patience , kaya mo yan bata lang yan' turan ko saaking isipan.
"Ganto nalang habang wala yung daddy mo mag laro nalang tayo ng kahit anong gusto mo, gusto mo ba yun? " tanong ko sakanya. Nako mag pauto ka naman ng bata ka pag ako naubusan ng pasensya.
"Really? You wanna play with me? " tanong nya sabay tingin sakin.
WAHHHH ang cute nya gusto ko syang isako haha charrot lang seryoso ang cute nya talaga.
"Yes of course , kaya stop crying na bahala ka papanget ka gusto mo ba yun ? "pang uuto ko parin.
"Are you sure? You wanna play with me? I like to play basketball." sabi nya sakin habang nakapout.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...