CHAPTER 19

1.3K 41 0
                                    

Andito ako ngayon sa garden nagdidilig ako ng halaman tuloy nag mumuni muni na din.

"Oyy Rheane, saan ka galing kahapon ahh." sabi sakin ni ate Ysay na mapanglarong ngiti. "Nag date kayo noh?" dagdag pa nito.

"Hindi ah." sagot ko sakanya.

"Wehh?" sabi nya sakin na tila ba nagdududa.

"Hindi nga, sinama sya lang ako sa meeting nya." pag papaliwanag ko sakanya.

"Nako nako nag solo lang kayo eh. Ano naka score ba?" tanong nya sakin na kina pula ko deputa anong klaseng utak meron ka ate Ysay?

"Pinag sasabi mo ?" sabi ko sakanya.

"Nako ang hina naman ni sir William." komento nito kaya umiling nalang ako. Hanep shutanginamers ka ate Ysay!

Ewan kung yung utak ko ba yung mahalay or si ate Ysay deputa aykenat.

"Ate Ysay kwento ka nga " sabi ko sakanya tyaka pang iiba ko na din sa topic.

"Ano ikukwento ko? Mahina radar ko ngayon wala akong nasagap na chismis." turan nito.

"Hindi naman chismis, I mean is yung past love story mo ng husband mo." sagot ko naman sakanya.

"Correction!! EX ex-husband." sabi nito at diniinan pa yung pag kakasabi ng EX.

"Pero sige ikukwento ko sayo kasi ikaw lang yung tumagal na kaibigan ko tyaka best friend naman na kita hindi lang halata." sabi nito sakin kaya natawa ako sa tinuran nya.

"So ayun nga, yung istorya namin ng gago na yun ay mala fairy tail, akala mong sa libro lang mangyayari kaya swerte ka bukod kila nanay ikukwento ko sayo." umpisa nya.

"Ahh niligtas ka nya ganun? Sya yung knight in shining armor mo? " tanong ko sakanya.

"Hindi, kasi baliktad ako yung nag ligtas sakanya." sabi nito.

"Ate Ysay ginagago mo ba ko?" tanong ko sakanya siraulong to pinag titripan nanaman ata ako.

"Hindi ahh, ganto kasi yun dahil nga pasaway akong anak at nag iisa edi saan saan ako napapadpad. Kahit taga probinsya lang kami hindi naman kami ganun kahirap kasi may konting sakahan kami at dating nag ibang bansa si Nanay." kwento nya.

"Nagkakilala kami dahil sa kaibigan ko na nag tatrabaho ng club tapos ayun." sabi nya kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Ate Ysay asaan yung part na tinulungan mo sya?" tanong ko kakaloka naman mag kwento. "Or baka naman nag ONS lang kayo." dagdag ko pa ganun kasi yung nababasa ko sa mga romance book.

"Wait lang kasi bumubwelo pa ko eh para sa climax." sabi nito kaya tinanguan ko nalang sya.

"Syempre hindi kami mag kasundo kasi magkaiba kami ng ugali, si Mark tahimik lang charrr hahah pero tahimik talaga sya, suplado at ako naman ay maingay at palakaibigan. Pero one time ay nakita ko syang umiinom mag isa as in lasing na lasing to the point na naiopen nya sakin yung problema nya dahil sa kalasingan."

"Ikakasal daw kasi sya as in arrange marriage binigyan naman sya ng choice kaso perehas nyang ayaw."

"Una is ayun nga papakasalan nya yung babae, pangalawa hindi yun matutuloy kung may ipapakilala syang babae."

"Nasa last will daw ng lolo nya na bago mapunta sakanya yung company ay kelangan na lumagay na sya sa tahimik."

"Edi ayun nga dahil mabait ako tinulungan ko sya, pumayag ako na mag panggap na asawa nya, kinausap namin yung mayor na ikasal kami pero fake lang. May kontrata kami na isang taon lang yun pero bago pamandin matapos ang isang taon hindi ko namalayan, hulog na hulog na ko sakanya. Dumating kami sa point na nag kaaminan kami naaalala ko pa noon ang saya saya ko kasi parehas kami ng nararamadaman kaya yung pretending namin turn to Real one ang peg."

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon