Andito na ko ngayon sa kwarto ko nag hahanda na sa pag tulog ng may kumatok sa pinto ng silid ko.
"Mama, can I come in?" tawag sakin ni Miggy sa labas.
"Sige bukas yan." sagot ko rito habang binoblower yung buhok ko pag pasok nya ay may dala itong unan.
"Mama can I sleep here." sabi nito at nag tungo na sa higaan ko tyaka nag pagulong gulong doon. Para namang may magagawa pa pag sinabi kong hindi hahaha.
Pagkatapos ko i dryer yung buhok ko ay iniligpit ko towel na ginamit ko pati na rin yung hair dryer ng may biglang kumatok nanaman.
Si William yan panigurado kasi sigurado akong nakatulog na si manang ngayon. Napaka imposible naman na isa sa mga body guard yun.
Dahan dahan nitong binuksan yung pinto at tyaka ito sumilip.
"Wag mong sabihin na dito ka rin matutulog?" sabi ko rito.
"Dito nga." sabi nito at nilakihan yung bukas sa pinto, may dala din itong unan.
"Daddy the bed is not enough for three." sabi ni Miggy at humiga sa gitna ng higaan ko.
"Edi doon nalang tayo sa kwarto ko." sagot nito sa anak nya.
"Sige doon na kayo." pag tataboy ko sakanila.
"But I want to sleep with you mama." sabi sakin ni Miggy at niyakap nito yung unan na dala nito. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni William na parang sako ng bigas.
"Ano ba ibaba mo nga ako." sabi ko rito.
"Anak sumunod ka samin." sabi ni William kay Miggy kaya bumaba ito ng higaan ko at kumuha ng unan.
Ibinaba nya lang ako ng makarating kami sa kwarto nito.
"We going to sleep here daddy?" tanong ni Miggy sa ama nya. Ay hindi sa bubong talaga tayo matutulog , nakaka loka naman.
"Yes son." sagot ni William rito.
"Yeheyy." sabi nito at tumalon talon sa higaan.
"Miggy mahulog ka." bawal ko rito kaya huminto ito sa pag talon tyaka ako umupo sa gilid ng higaan ni William.
"Commander." sabi ni William pero hindi ko ito nilingon. Deputang puso to oo. My gudness.
"Commander." ulit nito.
'Nako Rheane wag kang lilingon baka lalo kang kiligin remember wala kayong label makinig ka sa utak mo wag puro puso.'
'Nako Rheane sundin mo yung puso mo, doon ka sasaya.'
Deputa epekto to ni William, nag tatalo yung isip at nararamdaman ko.
"Rheane." tawag nito sakin kaya nilingon ko na to.
"Ohhh?" sagot ko rito. Naka higa na kami ngayon at nasa gitna namin si Miggy.
"May business trip ako bukas." sabi nito sakin na parang nag papaalam, edi go.
"Ohh tapos?" tanong ko sakanya.
"Tsk. sinasabi ko lang sayo para alam mo baka abutin ng ilang araw yun." sagot nito sakin.
"Ahh okay, have a safe trip." sagot ko rito.
"Tsk bukas pa yun." sabi nito sakin haha napipikon na sya .
"Inadvance ko lang sabihin." sagot ko sakanya.
"Nga pala bukas darating yung dalawang bagong katulong na pinahire ko para naman hindi kayo masyadong mapagod ni manang." sabi nito sakin.
"Don't worry, 40+ na yung mga yun baka pag selosan mo." sabi nito sakin na kina bigla ko.
Dapak! Ako mag seselos? Asa ka chong.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...