Nagising ako ng wala nanaman sa tabi ko si William. Inuubos talaga nun yung pasensya ko, nasaan nanaman kaya yun?
Kesa mabad mood ako bumangon nalang ako at naligo para mag handa. Siguro may EMERGENCY nanaman sya, capslock yun para intense.
Pag katapos ko maligo ay nag suot nalang ako ng simpleng maternity dress at tyaka ako nag tungo sa kusina at nadatnan ko dun si manang na nakabihis na rin.
"Ohh Rheane halika na, kumain na tayo si Perla na yung nag hatid kay Miggy ayaw pa nga pumasok sasama daw sa hospital buti nalang nakinig sya kay Nene." ayang sabi nito sakin.
"Manang si William po ba?" tanong ko sakanya.
"Ay hindi ko napansin iha at madami kasi kaming gawain kanina inapura namin para makasama kami sainyo." sabi nito kaya tumango nalang ako at nag simula ng kumain.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik ako sa kwarto para mag retouch nag ayos naman ako ng konti nakakahiya sakanila. Tinignan ko yung relo ko 8:30 na. Bakit kaya wala pa si William? Sinubukan ko na tong tawagan pero ring lang ng ring.
Kaya bumaba na ulit ako at nadatnan ko si manang at ateng Nene sa living room kaya umupo din ako sa single sofa.
"8:40 na iha. Hindi pa ba tayo mag tutungo roon?" tanong sakin ni manang.
"Manang wala pa po si William eh." sagot ko at napabusangot na.
"Baka naman andoon na sila." sabi nito sakin.
"Manang ako yung mag papaultrasound tapos mauuna pa asawa ko dun?" tanong ko sakanya na kina buntong hininga lang nito.
Mabilis lumipas yung oras 9:15 na at wala parin si William kaya tinawagan ko na ulit ito pero ring lang ng ring. Nakakasama talaga sya ng loob dahil lang hindi ko kinain yung pinakuha ko sakanya na palaka?
"Manang hindi nalang po ako mag papa-ultrasound." sabi ko at nag tungo sa kwarto namin.
"Rheane." tawag sakin ni Manang pero hindi ko na ito nilingon.
Pag dating ko sa kwarto ay nag tungo ako sa walk-in closet namin at bumungad sakin yung full length mirror kaya nasipat ko yung kabuoan ko. Ganun na pala ako kataba, siguro sawa na sakin si William.
Lumabas din ako agad dun, hindi na ko nag bihis at nahiga nalang ako sa kama namin tyaka tahimik na umiyak.
WILLIAM P.O.V
Damn, alam kong may hindi sinasabi sakin yung asawa ko kaya maaga akong gumising para suyuin to kaso tumawag yung secretarya ko na may biglaan meeting daw sa big investors namin kaya mabilis akong naligo at nag bihis.
'Babawi nalang ako sa asawa ko sa ibang araw.'
Pagkadating ko sa office ay sinalubong ako ng secretary ko na si Krisel.
"Sir pina move po ni Mr. Hill yung meeting ng 9:00 tyaka po wala po dito yung contract na pipirmahan." sabi nito sakin.
"Did you already check my table?" tanong ko sakanya.
"Yes Sir wala po talaga sana black po nasa folder yun, tyaka eto po yung output para mamaya." sabi nito sakin at inabutan nya ko ng folder na white.
"Hanapin nyo yung contract or gumawa kayo ng panibago." sabi ko sakanya bago ako nag tungo ako sa opinisina ko.
"Sir yun na nga po hindi po aabot kasi papapirmahan pa po yung sa board members tyaka out of town po yung isa sa mga board member." sagot nito sakin na kinahilot ko ng sintido ko.
"Saan mo ba kasi nilagay?" bulyaw ko rito.
"A-ahh s-sir ano po kasi, inabot ko po yun sainyo last week." sagot nito sakin na tila natakot.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...