CHAPTER 21

1.2K 40 1
                                    

Sa kabilang dako hindi alam ng mga tao sa mansyon na lumabas si Miggy sa back door.

"I hate daddy, he doesn't love me." turan nito habang humihikbi at patuloy lang na naglalakad. Nakarating na sya sa park at naupo lang saglit sa duyang pangbata at pinagpatuloy nito ang pag lalakad nya.

Alas kwatro na ng makarating ito sa simbahan at nakaramdam ito ng gutom kaya napahawak ito sa tyan nya.

"Bata ayos ka lang?" tanong sakanya ng matandang babae na nag titinda ng mga rosaryo sa tapat ng simbahan.

"I'm hungry na po." sagot nito sa tyaka ngumuso.

"Nako halika muna dito." sabi sakanya ng matanda tyaka sya inupo sa hagdan malapit sa mga paninda nito.

"Dito ka lang ahh ibibili lang kita ng pag kain." sabi nito kay Miggy na kinatango lang ng bata. Alam nitong kabilin bilinan ng daddy at mama nya na wag kakausap sa hindi nito kilala pero nagugutom na ito.

Maya maya lang ay bumalik na ito at may dalang pagkain.

"Bata bakit mag isa ka lang nasaan yung magulang mo?" tanong ng matanda kay Miggy pero patuloy parin ito sa pag kain kaya pinabayaan nya muna ito, pagkatapos kumain ni Miggy ay tinanong nya ulit ito.

"Bata anong pangalan mo?" tanong nito sakanya.

"I'm Miguel po." sagot nya naman.

"Awww ang gwapo mo naman baby boy." bati ng baklang dumaan kay Miggy pero inungusan nya lang ito.

"I know so, you want to buy this." sabi ni Miggy sa bakla tyaka itinaas yung rosary.

"Ayy bongga english spokening, sige pabili ako." sagot nito kay Miggy tyaka sunod sunod na yung lumapit na mamimili sa kanila karamihan ay babae. Naunang naubos yung tindang kandila ng matanda.

At hindi nila namalayan na mag didilim na.

"Nako hulog ka ng langit sakin Miguel, ang dami kong benta ngayon." sabi ng matanda kay Miggy na nakahawak sa lumang shoulder bag nito.

"Asaan ba yung mga magulang mo?" tanong nito.

"Hmm my mama go in a far far away place, while my daddy doesn't love me." sagot ni Miggy kaso hindi sya masyadong naintindihan ng matanda kaya napakamot ito sa ulo nya.

"Ahh saan ka ba nakatira, ihahatid na lang kita kasi gabi na rin baka hinahanap ka na sainyo at panigurado nag aalala na sila sayo." sabi ng matanda.

"No." sagot ni Miggy tyaka ito tumakbo palayo sa matanda at hindi nito napansin yung sasakyan na papalapit.

"Jusko po, Miguel! " sigaw ng matanda pero huli na nahagip na sya ng sasakyan kaya iniwan nito yung paninda nya at mabilis na nilapitan yung bata.

Lumabas din yung nag dadrive ng sasakyan tyaka nila sinakay si Miggy na walang malay, sumama din yung matanda at pinabayaan na nito yung paninda nya doon.

---

William P.O.V

Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sakin si Ysay at Manang.

"Sir William asaan po si Miggy?" tanong nya sakin kaya kinunutan ko sya ng noo.

"What do you mean?" tanong ko sakanya.

"Diba po kasama nyo sya, kasi kahapon nakita ko sya na pumasok sa kwarto nyo." sagot na sakin na kinabigla, no hindi ko sya kasama.

"You mean my son is missing? " bulyaw ko sakanya.

"Ahh s-sir akala ko po kasi kasama nyo sya." sagot nito sakin habang nauutal.

"Bakit hindi nyo ko tinawagan ha? Ganun ba kahirap yun? Where's Rheane? She's responsible to my son, yun yung trabaho nya, sya yung nanny nito." bulyaw kong tanong damn wala pa kong tulog tapos ganto bubungad sakin.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon