CHAPTER 29

1.3K 40 0
                                    

Alas-sinco palang ng madaling araw pero gising na tong mag ama at ginugulo ako.

"Mama, wake up." gising sakin ni Miggy.

"Hmmm." ungot kong sagot ko sakanya tyaka ako nag talukbong ng kumot pero gising na talaga yung diwa ko. Maya maya lang ay naramdaman kong tumigil si Miggy at umupo sa tabi ko.

"Hmm, daddy I forgot to tell you something." sabi ni Miggy sa ama nya.

"What is it?" tanong nito.

"Tito Jordan and tita Stella came here yesterday." sabi ni Miggy kaya tahimik akong nakikinig sa ilalim ng kumot ko.

"Anong ginawa nila dito?" tanong ni William.

"They just visit me and mama, by the way daddy do you know that tito Jordan is mama's cousin?" sabi ni Miggy.

"Yeah, basta lagi mong babatayan yang mama mo." sagot nito. So kaya pala hindi nya na tinatawag na gago si Jordan dahil alam nya na?

"Yes daddy, no one can take mama away from me." sagot ni bubwit. Kung pag tripan ko kaya tong mag ama? tamang tago lang ganun.

"So daddy help me now to wake mama up." sabi ni Miggy. Maya-maya lang ay tumahimik sila. Ano kaya gagawin nila bubuhusan ako ng malamig na tubig? ihuhulog sa higaan?

Nako subukan lang nila makikita nila yung Rheane the witch princess na sinasabi ni Jordan. Well walang perpektong tao kahit gaano ko pa kabait meron ka parin kahit papanong kademonyohan sa katawan.

"Mama wake up." sabi ni Miggy tyaka nya hinila yung kumot pero kunwari inaagaw ko parin.

"Daddy go." sabi nito ng bigla akong kilitiin ni William kaya nabitawan ko yung kumot ko.

"HAHAHA TAMA HAHAHAH NA." sabi ko habang nag pupumiglas at nakisali na din si Miggy sa pag kikiliti sakin.

"Wahh tama hahahaha na, manang hahahaha tulong po." sabi ko habang patuloy sa parin sila. Tinigilan lang nila ako ng muntik na kong mahulog sa higaan ko. Buti nalang nahila ako agad ni William kaya nasa ibabaw nya ko ngayon.

Owkeyyy awkward, kaya nilingon ko si Miggy at kiniliti ito para maka alis ako sa pwesto namin ni William ngayon, the fvck pakpak.

"WAHHH DADDY HAHAHAHA HELP HAHAHAHA ME." sabi nito habang kinikiliti ko.

"Anong help me, help me ka jan ahh?" sabi ko rito at patuloy parin ako sa pagkiliti rito.

"Hahahaha daddy, help me hahaha you're the boss hahaha right?" hingi parin nya ng tulong kay William , pero pinapanuod lang kami nito .

"Sorry son, wala din akong laban kay commander." sabi ni William tyaka ito dumapa sa ispasyo ng higaan ko.

"Wahh mama haha stop pleaseeee. It was daddy idea." sabi nito kaya tinigilan ko sya sa pag kakakiliti tyaka ko sya niyakap at binulungan.

'wrestling-in natin daddy mo, bilang kang tatlo tyaka mo sya talunan susunod si mama.' bulong ko rito.

Kaya kumawala ito sa yakap ko.

"One, two, three." sabi ni Miggy tyaka sya tumalon sa ama nya at sumakay to sa ulo ni William.

Tyaka ko din sya dinamba at hinigaan ko sya likod .

"Damn!!!" reklamo ni William. Serve you right? idea mo pala ahhh kaya umupo na ko sa likod nya at binuhat ko si Miggy papunta din sa likod ni William bali yung paa ni Miggy naka pwesto sa balikat ni William.

"Son." reklamo ni William kay Miggy kasi sinabunutan sya nito.

"Lets go daddy, yahhh." sagot sakanya ni Miggy habang nakasakay parin kami sa likod nito tyaka nya hinila yung buhok ni William.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon