CHAPTER 6

1.7K 45 1
                                    

SIMULA ng makauwi kami galing sa mall ay medyo naging close ko na si William, medyo lang ahh lalo na kung tungkol kay Miggy.

Yes, William na lang tawag ko sakanya ngayon, lakas ko noh? kakampi ko kasi yung anak nya hahaha.

Nga pala balik tayo sa alaga ko dahil ngayon yung first day niya sa school.

"Miggy gising na." gising ko rito  pero umungot lang ito at niyakap nito yung unan nya.

"Baby Miggy gising na first day mo ngayon sa school baka ma late ka, akala ko ba excited ka ng pumasok? " sabi ko rito at hinila yung sinasandayan nya .

Kaya susuray-suray syang umupo sa higaan nya at kinukusot yung mata nya.

"Halika na." aya ko rito tyaka ko siya binuhat at papaliguan ko na sya.

"Morning mama. " sabi nito ng papasok na kami sa cr "Good morning din." tugon ko rito at inumpisahan ko na syang paliguan.

"Miggy behave ka dun sa school nyo ah makikinig ka kay teacher mo at wag makikipag away." bilin ko sakanya habang binibihisan sya ng uniform nya, saglit ko lang sya napaliguan kasi hindi sya malaro ngayon.

Pagkatapos ay bumaba na kami para makakain na sya, pagdating namin sa kusina andoon na yung daddy nya kaya bumaba sya sakin at kumandong dito.

"Daddy are you going to come along with us? " tanong nito sa daddy nya.

"Yes son." sagot naman nito at nagsimula na kaming kumain, mabait naman si William kasi pati kaming mga kasambahay dito ay kasabay nya kumain at hindi mahigpit.

Saglit lang naman at nakarating na kami sa school ni Miggy dito din daw siya nag daycare .

"Daddy can I go to my class room now ?" tanong nya sa daddy nya na tumango lang at lumingon sa'kin kaya nginitian ko nalang sya.

At ayun na nga tumakbo na yung bata na yun papasok ng school at iniwan yung bag nya kaya napailing nalang ako.

Masyado syang excited pumasok? Wala pa naman gagawin ngayon panigurado. Sumunod na din ako kay Miggy dala yung bag nya si William naman may kausap sa cellphone tyaka matanda na sya kaya nya ng sumunod mag isa .

Nang matanaw ko si Miggy ay napailing nalang ako para lapitan sya.

Wait, yun yung babae sa park dati at hawak nya yung braso ni Miggy kaya mabilis akong lumapit dito at tinaasan ko sya ng kilay tyaka ko tinanggal yung pagkakahawak nito.

"Mama." sabi ni Miggy sabay yakap sa binti ko kaya medyo napaatras ito, yan ganyan nga matakot ka baka bangasan ko muka mo.

"Hoy babae kung akala mo natatakot ako sayo? pwes hindi!!! " sigaw nito sakin kaya yung ibang parents pinag titinginan na kami, ay iskandalosa ang potek.

Binuhat ko si Miggy at tinalikuran nalang to pero ang walangyang to bigla ako hinatak.

"Hoy wag mo kong talikuran, pag kinakausap pa kita." pigil nito sakin at nagkakarmot yung braso ko kaya pag lingon ko sakanya sinapak ko yung muka niya habang buhat ko si Miggy kabilang kamay ko.

"Talk to my fist witch." sabi ko rito habang nakasalampak siya sa lakas ba naman ng sapak ko ehh. Gago kang deputa ka winarningan na kita hindi ka nakinig tapos may papalapit samin na lalaki.

"Miss are you ok?" tanong nito sakin.

"You jerk ,ako yung sinapak nyang babae na yan tapos sya yung tatanungin mo." histerikal na sabi nito habang sapo sapo nya yung muka nya.

"It's not my fault, you push me to my limits and I already warn you, yet you don't take it seriously so blame yourself instead." sagot ko rito anong akala nya best in english to nung elementary.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon