CHAPTER 4

1.7K 48 4
                                    

ANDITO kami ngayon ni Miggy sa swimming pool at tinuturuan ko siyang lumangoy.

Actually gusto lang talaga namin mag swimming ni ate Ysay kaya inuto namin si Miggy haha pero mukang silang dalawa lang ni Miggy yung nag eenjoy. Pano naman naka alalay parin ako kay Miggy.

"Mama, let's go to ate Ysay. " sabi sakin ni Miggy eh nasa kabilang parte si ate Ysay.

Itong swimming pool nila, sa umpisa mababaw lang hanggang singit ko lang sa bungad pero sa pwesto ngayon ni ate Ysay malalim na dun.

"Miggy masyadong malalim doon baka malunod tayo parehas, dito nalang muna tayo." sabi ko naman dito.

"But I want to go there. " pag pupumilit nya parin, eto nanaman yung ugali nyang spoiled brat kaya nag amba akong bibitawan ko sya pero mabilis siya kumapit sakin haha.

"Mama you're bad. " sabi nito habang masamang nakatingin sakin ehh kung lunorin ko kaya to?

"Hindi ahhh " giit ko naman.

"Ganto para lumutang ka isipin mo magaan ka lang tapos parang nakahiga ka sa kama mo tyaka ikawag mo yang mga paa mo." sabi ko sakanya na mabilis nya namang ginawa pero inaalayan ko parin sya.

Pero kada gagawin nya yung sinabi ko, bigla syang lumulubog kaya mabilis ko syang inaahon haha pero makikita naman sa mata nya na desidido syang matuto.

Kaya hindi na ko nag taka ng magawa nya din mag floating .

"Aba marunong na si bubwit ahh kaso langoy palaka naman HAHAHA. " asar sakanya ni ate Ysay.

"Whatever panget! " sagot naman sakanya ni Miggy.

"Gusto mo lunorin kita ? " tanong ni ate Ysay dito , siraulo talaga.

"You can't, I'm already a good swimmer. " sagot naman ni Miggy deymm hindi papakabog ang hambog na bata.

Ako naman andito lang sa gilid naka upo pinag mamasdan si Miggy kahit naman alam nya na , isa parin syang 5 years old na bata ng biglang lumapit sakin si ate Ysay.

"Rheane may plano ako. " sabi nya sakin habang naka ngisi. Ano nanaman kaya yun? Siraulo din kasi to ehh.

"Ano yun ?" tanong ko sakanya.

"Kunwari malulunod tayong dalawa sa pool tignan natin kung anong gagawin ni bubwit." sabi naman neto sakin hahaha.

"Ganto gagawin natin, ako lalapit muna sakanya at makikipaglaro ako tapos malulunod ako kunwari , tapos pag hihingi na sya sayo ng tulong nakalubog ka na din dapat. " sabi nito sakin langya taba ng utak.

"Sige ate Ysay basta dito lang sa bandang bungad ah sa mababaw. " sakay ko sa kagaguhan nya tapos lumapit sya kay Miggy.

"Hoy bubwit unahan tayo doon sa may pangpang , doon sa hagdanan pag natalo kita akin na yung cupcake mo." rinig kong sabi ni ate Ysay.

"And If you lose? " tanong naman ni Miggy dito sakanya.

"Hmm sayo nalang yung cupcake ko. " sagot naman ni ate Ysay kaya naka pwesto na silang dalawa sa medyo gitna ng biglang bumilang si ate Ysay kaya bumaba na ko sa pool.

Nang medyo malapit na sila sa hagdan biglang kumawag kawag si ate Ysay na parang malulunod kaya nilingon sya ni Miggy.

"Hey! hey! hey! " biglang sabi ni Miggy kay ate Ysay nang nakita kong papalingon na to sakin bigla akong lumubog sa tubig "MAMA " rinig ko tawag sakin ni Miggy at naririnig kong umiiyak na sya.

Syemay nakakakonsensya aahon na sana ako ng biglang andito na si Miggy kaya nag panggap akong naka pikit naramdaman kong hinihila nya yung damit ko.

Nang maidala nya ko sa hagdan hindi ko parin binubuksan yung mata ko ng bigla nya akong sinampal sa magkabilang pisngi ko. Tangina ang sakit kaya naidilat ko yung mga mata ko ng wala sa oras.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon