Sabado ngayon ibig sabihin ay madaming gawaing bahay, mga labahin to be exactly. Habang abala kami ay biglang tumunog yung doorbell kaya lumabas ako para tignan kung sino yun.
"Ohh Stella ikaw pala halika tuloy ka." pag aaya ko sakanya.
"Umupo ka muna jan ikukuha kita ng meryenda. Ano bang gusto mo?" tanong ko sakanya.
"Kahit ano." sagot nya sakin kaya nag tungo ako sa kusina para ipaghanda sya ng meryenda.
"Ohh para kanino yan?" tanong sakin ni ate Ysay.
"Ahh kay Stella ate." sagot ko sakanya na kina tango nalang nya.
Pag kabalik ko doon ay kinukulit si Stella ni Miggy na maglalaro daw sila.
"Ohh mag meryenda ka na muna." sabi ko sakanya tyaka ko inilapag sa table yung platito na may sandwich at orange juice.
"Mama I want cupcake." sabi naman ni Miggy kaya bumalik ako sa kusina para kuhanan sya ng gusto nya.
"Tita Stella after we finish our snacks we're going to play ha." sabi ni Miggy habang kinakain nito yung cupcake nya.
"Oo ba." sagot naman sakanya ni Stella.
"Maiwan ko na muna kayo jan ahh tutulong lang ako sa pagluluto sa kusina." paalam ko sakanila.
"Miggy wag masyadong makulit sa tita Stella mo." bilin ko sakanya bago ako tumungo sa kusina.
Habang nag luluto kami ay naririnig namin yung ingay ni Miggy at ni Stella sa living room. Mukang naglalaro yung dalawa ng habulan kasi naririnig namin yung yabag ng takbo nila tyaka yung 'taya' na word ng biglang sumulpot si Stella sa kusina.
"Ahh Rheane pinapasabi pala ni William dito daw sila mag lalunch, hindi mo daw sinasagot yung tawag nya." sabi nito sakin ng nakangiti tapos tumakbo na ulit kasi hinahabol sya ni Miggy. Tapos pag lingon ko kay ate Ysay naka ngisi to sakin na tila ba nang aasar .
"Ano yan ate Ysay ahh." sabi ko sakanya.
"Bakit masama ba ngumiti? " sagot nya sakin.
"Oo ate Ysay lalo na pag ikaw haha." sagot ko sakanya na may kasamang tawa.
"Ang sama mo talaga sakin Rheane, pag ako nakahanap talaga ng jackpot na porenger who you ka sakin." sabi nito. Hanep hanggang ngayon hindi parin nya tinatantanan yung dating app na nadiscover nya.
Tinawanan ko nalang sya tyaka namin pinag patuloy yung pag luluto. Nag salang ulit kami ng kanin baka kulangin kasi dito daw kakain sila William panigurado present nanaman sila Tyler , Bruce at Kyle, si Ian naman hindi ako sure sa lalaki na yun. Medyo na turn off ako sa ginawa nya kay ate Ysay.
Medyo lang naman hindi totally na naturn off. Malay ko ba kung may sarili din syang rason diba? Mahirap kasi manghusga pag hindi mo alam yung nangyari both side ayoko naman maging bias beside hindi ako judge para humatol.
Pagkatapos namin mag luto ay hinanda na namin ni ate Ysay sa hapagkainan yung mga niluto namin para sakto pag dating nila William.
Panigurado naman na on the way na sila kasi 11:30 na kaya pumunta akong living room para mapaliguan ko na si Miggy panigurado pawis na pawis nanaman yung bata na yun.
Pagkalabas ko sa kusina ay nakita ko si Miggy na tumatakbo paakyat ng hagdan kaya sinigawan ko ito. "Miggy! jusmiyo kang bata ka mag dahan dahan ka baka mahulog ka. Diba sinabi ko sayong wag kang makulit." sabi ko sakanya ng pasigaw. Binalingan ko naman si Stella na papatakbo din sa hagdan, kaso ng nasa pang tatlong baitang na sya ay kinapos yung hakbang nya kaya nahulog ito.
"Stella ayos ka lang? " tanong ko sakanya ng mapansin kong nasagi nya yung kilalagyan ng vase dahil sa pagkakahulog nya, kaya gumalaw yung vase at mahuhulog na ito sa kanya kaya mabilis ako tumakbo at hinarang ko iyon .
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomanceSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...