CHAPTER 39

1.2K 31 3
                                    

Gabi na at andito kaming tatlo ngayon sa living room kasi nagtatalo yung mag ama ko, kaya nanunuod ako habang kumakain ng marshmallow, live ehh.

"Miguel hindi pwede yang gusto mo." sabi ni William.

"Why not daddy? you make my mama cry. So she's going to sleep in my room." sagot ni Miggy sa ama nya.

"No, sa kwarto namin matutulog ang mama mo. " sagot ni William.

Ako naman, hindi ko inaalis yung tingin ko sa muka nilang dalawa habang dumudukot ng marshmallow hahaha.

"No , you make my mama cry so she going to sleep in my room daddy its final, period." sagot ni Miggy sakanya at humalukipkip pa hihihi ang cute.

"Miguel mag asawa kami ng mama mo kaya sakin sya tatabi." sabi ni William na tila ba nauubusan na ng pasensya.

"She's my mama so she going to sleep beside me." sagot nanaman nito haha.

"No Miguel Carter your mama's going to sleep in our room." sabi ni William galit na sya kinumpleto nya na pangalan ni Miggy.

"I'm not afraid to you daddy. I'm a big boy now and I'm going to protect my mama and my siblings from you." sabi nito at nakipag titigan sa daddy nya.

"Miguel wag mong ubusin ang pasensya ko at kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan sakin, papaluin talaga kita." banta ni William.

"Go on daddy , I'm going to report you to police its child abuse." sagot ni Miggy, kaya halos hindi maipinta yung muka ni William potek gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko ang ganda ng live debate ng mag ama ehh.

"MIGUEL!" sigaw ni William kaya ayun nag tungo sakin ni Miggy mukang natakot na.

"Mama look ohhh, daddy is bad and in a couple of minutes he will become an engkanto again so sleep to my room." sabi nito sakin kaya biglang naging parang maamong tupa yung muka ni William.

"Commander." sabi nito hahahaha. "Sa kwarto ka natin matutulog diba? " sabing tanong nito.

"No mama, to my room right? because daddy make's you cry." sabi naman ni Miggy at nag titigan silang mag ama hahaha kulang nalang may kuryente sa pagitan ng tingin nila.

"Miggy - " umpisa ko kaya nilingon ako nito at nginisian nya yung daddy nya, lokong bata.

"You loss daddy." sabi ni Miggy at dinilaan yung ama nito haha.

"Commander." sabi naman sakin ni William at ngumuso pa, kaya napa buntong hininga ako.

"Miggy bad yung sumagot sa nakakatanda sayo lalo na sa daddy mo." sabi ko sakanya na kina ngisi ni William at yumakap sakin.

"Mama." sabi ni Miggy at teary eyes na to na nakasalampak sa carpet at nakatingin sakin. Jusko pag sa kwarto namin ako natulog mag tatampo si Miggy, pag sa sa kwarto naman ni Miggy si William naman mag tatampo.

"Lumayo ka sakin William." sabi ko rito.

"Commander." reklamo nito.

"Blehh!" sabi ni Miggy sa ama nya kaya sinamaan sya nito ng tingin.

"Walang tatabi sakin." sabi ko at kumain ulit ng marshmallow.

"Mama/ Commander." sabay nilang reklamo.

"Dahil bad boy ka Miggy at sinagot sagot mo yung daddy mo, tyaka ikaw naman dahil pinaiyak mo ko." sabi ko tyaka ako tumayo sa sofa at nag tungo sa guest room.

"It's your fault daddy, what we gonna do now?" rinig kong sisi ni Miggy sa ama nito.

"Anong ako lang, pati kaya ikaw." sagot ni William.

Accidentally Nanny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon