Naalimpungatan ako ng may narinig akong umiiyak.
"Ate Ysay anong nangyari?" tanong ko sakanya tyaka ko ito niyakap.
"Si tatay kasi sinugod daw sa hospital kagabi. Hindi ko alam Rheane kung saan kami kukuha ng pang bayad sa bill tyaka yung mga anak ko naiwan mag-isa sa bahay, si nanay kasi nag babantay kay tatay." sabi nito sakin habang umiiyak.
"Tahan na ate Ysay magiging okay din lahat, kung gusto mo umuwi ka muna sainyo." sabi ko sakanya habang hinahagod ng marahan yung likod nito.
"Pano naman? Pag umalis ako dito ay mawawalan ako ng trabaho tyaka papaano yung mga bayarin namin?" sagot nito sakin kaya humiwalay ako sakanya at pumunta ako sa bag ko.
"Ate Ysay eto ohh." abot ko sakanya yung lahat ng sweldo ko. Naipon na kasi yun wala naman akong pinang gagastosan masyado o iniipunan.
"Nako Rheane hindi ko matatanggap yan sweldo mo yan kaya itago mo nalang." Tangginh sabi nito sakin.
"Ate Ysay kunin mo na kailangan mo to ngayon. Ganito nalang kung ayaw to to tanggapin, utangin mo nalang para makauwi ka na sainyo kailngan ka ngayon ng mga anak mo." sabi ko sakanya kaya inabot n'ya rin yung pera tyaka nya pinunasan yung luha nya.
"Ako na din bahala magpaalam kay manang at William tungkol sa pag-uwi mo." Turan ko pa.
"Salamat Rheane wag kang mag alala pag nakaluwag-luwag ako ibibigay ko din to agad tyaka makakabawi din ako sayo." sabi nito sakin.
"Wala yun ate Ysay kaya gumayak kana tyaka maligo ka, muka kang uhugin sa kanto kadiri yung sipon mo nasa labi mo na ganyan ba yung pang oscar na sinasabi mo?" sabi ko sakanya tyaka ako tumawa. Uto-uto pinunasan naman.
"Gaga ka talaga wala naman eh." singhal sakin ni ate Ysay.
"Hahaha sige na, babalik ka ahhh wag mo kong tatakbuhan." pabiro kong sabi sakanya. Okay lang naman kahit hindi nya na ibalik tulong ko sa yun sa tatay nya tyaka parang kapatid ko na din si ate Ysay, kahit isip bata sya madalas kaya ayun gumayak na sya. Bago sya umalis ay pinabaon ko sakanya yung cupcakes sa ref. para may pasalubong sya sa anak nya. Ako na bahala kay Miggy mag paliwanag.
Alas tres palang ng madaling araw gustohin ko man matulog ulit ay hindi ko na makuha yung antok ko at nagising na ng tuluyan yung diwa ko.
Kaya tumambay ako dito sa kusina at nag kape na rin.
"Ang aga mo naman. " biglang sabi ni William.
"Hindi na ko makatulog eh , bakit ikaw ang aga mo rin gumising? " tanong ko sakanya.
"Actually iinom lang dapat ako ng tubig. " sabi nito tyaka umupo sa harapan ko.
Tinanguan ko nalang sya at pinag patuloy yung pag kakape , wala naman akong sasabihin eh.
"About what I say when we are in the resort." umpisa nito kaya tinignan ko sya.
"Alam ko na joke lang yun , don't worry. " sagot ko sakanya.
"No , I'm serious about it. " sabi nito na kinatigil ko sa pag inom.
"Ohh tapos ?" tanong ko sakanya.
Alangan aminin ko na mabilis yung pintig ng puso ko pag malapit sya or sabihin kong gusto ko rin sya? Mahirap yun.
"Seriously I say that I like you, yet you don't have a respond on it ?" sabi nito na hindi makapaniwala.
Nako kung alam mo lang William , pero di pa ko handa umamin sayo ngayon siguro soon.
"Bakit tanong ba yun na kelangang may sagot ? " tanong ko pabalik sakanya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Nanny [COMPLETED]
RomansaSeries 1: Nang dahil sa isang maling akala hindi alam ni Rheane Eicy Decastro kung siya ba ay magiging dehado o makokompleto. Kahit ang nais lamang ng dalaga ay masaya at simpleng pamumuhay pero napunta sya sa sitwasyon na hindi naman dapat at sim...