ANG HULING MENSTRUATION NI LOLA
"Iha, ipagpainit mo naman ako ng tubig," utos ni Lola sa'kin. Tumaas naman ang isang kilay ko, anong gagawin n'ya sa mainit na tubig? Pero kahit nagtataka ay agad kong sinunod ang utos n'ya.
Habang nagpapainit ng tubig ay iniisip ko pa din kung para san 'to. Para matahimik ako, lumapit na 'ko at nagtanong na 'ko kay Lola. Saktong nakaupo naman ito sa kahoy naming silya habang nakatingin ito sa bintana, wari'y pinagmamasdan ang kalangitan.
"Lola para sa'n po ang mainit na tubig?" Nagtatakang tanong ko dito. Ngumiti naman s'ya at pinaupo ako sa tabi n'ya.
"Masakit kasi ang puson ko iha, siguro ay dadatnan na ko. Pero nararamdaman kong ito na ang huling magkakaregla ako." Sabi pa nito. Dahil bata pa 'ko wala pa kong alam sa ganyan.
Anong dadatnan naman kaya iyon?
"Lola sabi po ni Mama lahat ng bagay may katapusan kaya dapat sulitin kung ito na ang magiging huli para walang pagsisihan." Pagpapayo ko pa kay Lola. Agad namang ngumiti si Lola. Hinimas nito ang ulo ko.
"Wow naman, ang apo ko talaga ang daming nalalaman sa nanay n'ya. Mas mabuti iyan." She said as she kissed my cheeks.
Narinig kong tumunog na ang painitan ng tubig, sign na mainit na ang tubig. Isinalin ko sa maliit na batcha ang tubig at binigay kay Lola. Kinuha naman ito ni lola at kumuha ng bimpo. Nilublob n'ya sa mainit na tubig ang bimpo. Ako'y ignoranteng nanonood lamang.
Noong una ay medyo napapaso pa si Lola dahil kakainit ko nga lang no'n pero nilagyan n'ya iyon ng konting maligamgam na tubig galing sa gripo para kahit papano ay mabawasan no'n ang init. Tinapal n'ya naman ang pinigang bimpo sa kanyang puson, nakakatulong daw ito para maiwasan ang pananakit ng puson.
Kinagabihan ay nagtanong ako kay Inay.
"Inay? Ano pong ginagawa pag dinadatnan?" Ignoranteng tanong ko pa dito. Tumingin naman saken si Inay at sumagot.
"Hmmm ang unang regla mo ay kailangan mong ipahid sa iyong muka upang hindi ka magkaro'n ng pimples. Pangalawa wag kang kumain ng maasim upang hindi mamuo ang iyong dugo. Pangatlo dapat naliligo ka sa umaga para hindi ka manglagkit." Payo pa nito. I nodded.
She smiled at me, "Bakit? Dinadatnan na ba ang baby ko?" She asked.
I shake my head, "Hindi po. Natanong ko lang po, Inay."
Kinabukasan ay wala si Inay sa tabi ko hudyat na umalis na naman ito para magtrabaho kaya ako muna ang maiiwan kay Lola. Si Lola naman ay nasa mid 50's or 60's palang or mas bata pa. Basta hindi pa sya gaanong matanda.
"Lolaaaaaaaaa!" I shouted while running towards her. Gulat namang napalingon sa'kin si Lola.
"Bakit apo? Anong nangyare?" Nag aalalang tanong nito. Umiling naman ako.
"Lola naaalala n'yo pa po ba 'yung mga dapat gawin pag nagkakaregla?" Tanong ko umiling naman si Lola kaya agad akong ngumiti. "Ako po Lola, sinabi po saken ni Mama ang kailangang gawin." Saad ko pa. Dahil maaga pa ay inaya ko ng maligo si Lola gaya ng pinayo saken ni Mama.
Tinandaan ko 'yon sa isip ko para matulungan ko si Lola, talagang makakatulong ang mga payo ni Inay dahil mas nakakatanda sya sakin.
Pagtapos maligo ay tinulungan ko syang kumuha ng damit para makapagbihis. Matapos iyon ay sinabi ko sa kanya na bawal syang kumain ng kahit anong maaasim tulad ng bilin ni Inay.
Kahit di pa gaanong matanda si Lola ay makakalimutin na agad ito ay medyo mabagal kumilos.
Teka, parang may nakalimutan ako. Ayon!
"Lolaaaaaa." Tawag ko kay Lola. Nakita ko naman syang nakaupo sa may sala kaya patakbo akong lumapit sa kanya. "Lola may last step pa po tayo." Saad ko kay Lola.
"Ano yun apo?" Tanong nito.
"Sabi po ni Mama kailangan ipahid po natin ang regla nyo sa muka para hindi kayo magkapimple, tara po lola." Inalalayan ko sya papuntang cr.
Hinubad ni Lola ang panty nya at kinapa ang kanyang kepyas na may dugo. Agad nya itong pinahid sa kanyang muka.
"Ganto ba iha?" Tanong nito. Agad akong tumango. Hmmmm ba't di kaya ako sumali? Ayoko din magkapimple 'no.
"Lola pahingi din po ako ha? Para di po ako magkapimples." Pagpapaalam ko pa. Tumango naman si Lola kaya nakikuha din ako at ipinahid sa muka ko. Hmmm mainit init hehe.
Unang pahid ko palang ay naamoy ko na ang di pamilyar na amoy nito. Pinagsawalang bahala ko na lamang 'yon dahil ito ang turo ni Inay.
Pagkatapos naming magpahid ay nagtanong si Lola.
"Ito ba'y babanlawan apo?" Tanong nito kaya agad naman akong napaisip. Wala namang sinabi si Mama na babanlawan ito kaya siguro ay hindi ito huhugasan.
Tama, gano'n nga siguro. Pag mas binabad mo mas eepekto ang ginawa namin at tuluyan ng kikinis ang muka namin!
"Hindi po Lola. Tara na po at manood ng TV." Pagyaya ko pa.
Oh diba? Ang bait kong apo hehe. Iwas pimple kami ni Lola. Pero alam nyo ba pag uwi ni Mama, pinagalitan nya ko siguro nainggit sya samen ni Lola kasi kami hindi magkakapimple..
Pero ayos lang, naging memorable naman ang huling regla ni Lola.
"Bad decision can make a good memories." I said while remembering good old days.
WAKAS