37

4 0 0
                                    

UNLIMITED INK


"Bat hindi kana nagsusulat?" Tanong ng lalaking nasa harap ko ngayon. Napataas naman ako ng kilay.

"Ano bang pakialam mo?" Masungit na tanong ko. Nakatitig lamang sya sakin ng nakangiti ngunit may kung ano sa mata nyang gustong sabihin ng kanyang bibig.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman. Bat nga ba hindi na?" Tanong uli nito.

"Hindi naman ako writer." Malungkot na saad ko. May kung ano sa dibdib ko na nagpapabigat.

"Dahil naubusan kana ng tinta? Dahil walang nagbabasa ng mga storya mo? Nandito ako, palihim na humahanga sa mga akda mo." Saad nito at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Napayuko naman ako sa sinabi nya.

"Wala kang alam." Malamig na tugon ko dito ngunit hinawakan nya lang ang kamay ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Magsulat kang muli... para sakin." Malungkot nyang sabi, kita ko sa mata nya ang pagkalungkot at panghihinayang.

"I can't." Mahina kong saad.

"You can!!!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya sakin.

"Ano bang di mo maintindihan?! Hindi na ko muli magsusulat. Ang tunay na writer hindi nauubusan ng tinta, kaya hindi ko kinokonsider na writer ako! Look at me! May writer bang nauubusan ng storya sa isipan? Wala! Pinipilit ko lang ang sarili ko, hindi ko naman talaga kaya." Naiinis kong saad.

Nanlaki ang mata at mukang nataranta. May kung ano syang kinuha sa bulsa nya at dinampi sa pisngi ko. Owemjiii!! Hindi ko napansin ang luhang pumapatak sa mata ko. Kinuha ko naman ang panyong hawak nya at tumayo na, akmang aalis ng marinig ko ang sinabi nya.

"Takot kang maging malungkot, kaya ayaw mong magsulat. Tama ba? Dahil habang nagsusulat ka ng akda mas lumalabas ang sakit na tinatago mo." Sambit nito sakin.

Napaupo naman ako uli at taimtim syang tinitigan.

"Anong alam mo tungkol saken?" Seryosong tanong ko dito.

"I'm Jeric Castillo. Ang totoo nyan isa ako sa palihim na humahanga sa mga akda mo. Halos kada may pinopost kang akda, binabasa ko kaagad. Magaling ka. Ramdam ko sa bawat akda mo na mahal na mahal mo talaga ang pagsusulat. Isang araw bigla kang di naglabas ng akda. Kaya naisip kong hanapin ka at itanong kung bat hindi kana nagsusulat. Malaya kang makakapagkwento sakin dahil isa lang naman akong stranger, I can't judge you." Kwento pa nya.

Para namang piniga ang puso ko sa sinabi nya. Hindi ko alam na sa bawat pagsusulat ko may palihim palang humahanga.

"Naubusan na ko ng tinta. I don't know how to write again. My family are against with my passion. Lagi nilang sinasabi na wala akong mararating sa pagsusulat ko. Nakakapanghina. But still I pursuing my dreams. I don't care on what they say or what others say. Pero hindi naman lagi malakas ako. They burned all of my collection. Alam mo yon? Yung parang lahat ng pinaghirapan ko, parang biglang boom! Wala na. So I decide to stop writing." Malungkot kong kwento dito.

"Why did you stop?" Tanong pa nito. Myghaddd di nya ba naintindihan kwento ko?

Magkukwento pa sana ako ng tumunog na ang cellphone ko. Alarm, hudyat na kailangan ko ng umuwi bago pa ko abutin ng gabi.

"Sorry I need to go. Thankyou for appreciating all of my works." Sambit ko dito at tumayo na.

"Can I see you again?" Tanong nito sakin. Napabuntong hininga naman ako at inabot ang card ko sa kanya.

"Call me anytime if you want to see me." Huling sambit ko at patakbong umalis. Narinig ko namang nagpasalamat sya.

Dumaan ang ilang buwan at madalas kaming nagkikita ni Jeric at di nagtagal nahulog na ang loob ko sa kanya. All in one si Jeric, minsan sya yung kuya ko, minsan tatay, minsan nanay, minsan naman bestfriend ko at boyfriend.

Tumagal kami ni Jeric and still pinipilit nya kong magsulat uli. But I don't know how to start again. Kaya lagi nalang akong tumatanggi.

"HAPPYYY 1ST ANNIVERSARY BABY!!" Bati ni Jeric at patakbong lumapit sakin.

"Happy Anniversary din Baby." Nakangiti kong saad. Humalik naman ito sa pisngi ko at may dalawang supot na binigay sakin.

Sa sobrang pagka excite ko nabuksan ko ito kaagad. Tumambad sakin ang isang notebook at mga ballpen. Sa isang supot naman tumambad sakin ang mga akda kong sinulat a year ago.

Nagbagsakan ang luhang matagal kong pinigilan. May tuwa sa puso ko.

Naramdaman ko ang yakap nya sa likod ko at bumulong sa tenga ko.

"I want you to live in your dreams. I'm still your number one supporter baby." Malambing nitong saad. Humarap naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Hindi ko kaya." Malungkot kong saad. Humiwalay naman sya sa yakap ko at tumitig sa mata ko.

"You can baby. Kahit ngayon lang, sarili mo muna ang piliin mo. I'm here, mananatili ako hanggang sa maabot mo na ang pangarap mo." Sambit nito na may ngiti sa labi. "I know you can do it, baby. Write again baby. Fulfill your dreams." Dugtong nya pa.

Napangiti naman ako at tumango.

•After 6years•

"Nakakaiyak talaga ang stories ni Bb. Jewel. Lalo na yung 'My Man' huhu. Kala ko talaga tatagal sila hanggang huli e kaso yun pala mamamatay yung lalaki. Sana maging kagaya nya din ako na magaling magsulat hihi." Rinig kong sambit ng babae. Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila ko makita.

"Oo nga e huhu. Sana nandito sya mamaya sa book signing kasama ng iba pang nagsulat ng akda." Sagot naman ng kasama nya.

"Bb. Jewel handa na po ang uupuan nyo doon at nandon na din po ang mga kasama nyo." Sabi ng assistant ko. Napatingin naman ako sa dalawang babaeng nag uusap kanina at nanlalaki ang mata nila sakin.

"Salamat sa pagbabasa ng storya ko mga binibini." Nakangiting saad ko sa kanila bago umalis at sinundan ang assistant ko.

Nang makaupo na ko ay kanya kanyang kuha ng anggulo ang mga photographer. Finally, narating ko na ang pangarap ko. Ang maging isang magaling na writer.

Isa isang tinawag ang mga Writer upang magbigay ng speech hanggang sa ako na.

Tumayo ako at humarap sa mga taong nandito ngayon. Saksi sa book signing na event dito. Sa paglibot ng paningin ko sa kanila, nakita ko ang dalawang babaeng nag uusap kanina. Nginitian ko naman sila.

"Magandang umaga. Ako si Heart Jewel Dimayuga o mas kilalang Bb.Jewel. Maraming salamat sa inyong pagsuporta saking mga akda lalo na ang 'My Man' ito ay isinulat ko 6 years ago. Base ito sa totoo kong kwento, kwento pala namin.
Bilang writer napakahirap pag mismong pamilya mo ang nagdadown sayo diba? Until he came to my life. Sya ang nagsisilbi kong lakas. Sya ang nagbigay tinta sakin upang makapag sulat uli. Gusto nyang makaabot ako dito. Look at me now, isa na kong ganap na Writer gaya ng pinapangarap ko at lahat ito dahil sa kanya. Pinangako nya sakin na sasamahan nya kong abutin ang pangarap kong to ngunit agad nya kong iniwan. Last minute ko na nalaman na he's suffering cancer stage 3, and I can't do anything about it. Suddenly hindi din sya nagtagal. Gusto kong magalit sa kanya kasi iniwan nya ko agad pero kailangan kong magpatuloy. Naging malakas ako sa huling sinambit nya bago sya mawala. Alam nyo ba kung ano yon?" Tanong ko sa kanila. Bakas sa muka nila ang pagkabigla at pagkalungkot. "Sinulat ko yun sa huling pahina ng kwento namin." Ngiti ko pa.

"Fulfill your dreams without me. I want you to live your dreams without me. Keep writing baby, with or without me don't stop okay? Maraming susuporta sayo dahil sa nakakapanghanga mong mga kwento. Promise me na kahit anong mangyare magpalatuloy ka. Iloveyou baby." Rinig kong sambit nung dalawang babae kanina. Napunta naman sa kanila ang tingin ko at ng mga tao, nakita kong binasa nila sa libro kong sinulat ang huling linyang sinabi ni Jeric sakin.

"That's the reason why I remain to stand again, without him. To all of you, kung may pangarap kayo, tuparin nyo. Hindi pa huli ang lahat para tuparin lahat ng yon. Wala sa mga taong nakapagligid sayo ang makakapagpatigil sayong abutin ang pangarap na gusto mo. Keep dreaming darling." Huling sambit ko bago bumaba ng stage.

I miss you my Jeric. Our story remain forever.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon