45

9 0 0
                                    

SUPPORTERS

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng may mabasa akong tweet mula sa iniidolo kong writer.

@itsmeCarolie
Hello gaiz, kitakits mamaya!

Agad akong nag online sa fb ko at hinanap ang kanyang Official account. Mabilis ko naman 'tong nahanap dahil nakafollow na ako dito at palagi ko din s'yang iniistalk para malaman ang mga updates tungkol sa kanya.

"I want to be like you..." Usal ko habang nakatingin sa mga pictures n'ya. Isa si Carolie sa pinakapaborito kong writer, minsan ay pinapangarap kong maging s'ya.

"Jane, sige na. Iplug mo 'ko, famous ka naman 'e kaya't sure akong susuportahan nila ako kasi magpapanggap kang ako. Iplug mo ang account ko pero magpanggap kang 2nd acc mo 'yon..." Saad ko pa.

Kasalukuyang nasa harap ko si Jane, kaibigan ko s'ya at sobrang fame kaya't humihingi ako sa kanya ng pabor.

"Osige na. Sure kaba? Reeze, pag mabilis mong nakuha, mabilis ding mawawala." Saad n'ya.

"Susuportahan mo ba ako o ano?" Iritang tugon ko. Nagscroll naman ako sa timeline ko, 20 reacts lang ang nakukuha ko mula sa mga pinopost kong story. May isang comment na nakaagaw ng pansin ko.

Lenya Tanya

"Wow, ang ganda talaga ng mga sulat mo. Ipagpatuloy mo 'yan, Goodluck:)"

Napansin ko 'to dahil halos yata ng stories ko ay unang una s'yang nagrereact at nagrarants. Tinatama n'ya pag may mali at nagbibigay din ng advice. Naaappreciate ko s'ya pero nakukulangan ako. Gusto ng mas madami, madaming taga suporta.

"Pinapaalala ko lang." Saad n'ya.

Plinug na n'ya ako gamit ang account n'ya. Safe naman ang account dahil puro stories lang ang nandito---walang malalim na identity.

Jane Lopez

Hello, kung hilig n'yo ang stories ay available sa account na 'to. 2nd acc ko 'to gaiz, salamat!

1min

400reacts 600comments

Dumagsa ang friend request ko at madami ding nagrereact sa mga recent stories ko. Ang saya saya ko.

Dumami ang mga request titles kaya't tuwang tuwa ako habang nagsusulat ng kwento. Mahirap pag sabay sabay silang nagrerequest pero sa tingin ko nama'y kakasanayan ko 'yon. Mas maigi pang ganito kesa naman wala diba?

Nang maipost ko ang isa kong story ay agad akong nag out dahil alam kong dadagsain ang post kong 'yon.

"Are you happy?" Malungkot na ngiti ang bumungad sa'kin mula kay Jane.

"Uhm, yes. Thank you, Jane." Sambit ko't niyakap s'ya. Umiling naman s'ya kaya't agad akong humiwalay.

"Reeze, nanloloko tayo ng tao. Alam mong magagalit sila pag nalaman nila ang totoo, ayokong magkagulo. Ayokong sabihan ka nila ng kung ano ano." Sambit n'ya.

"Wag mong sabihin sa'kin na binabalak mo ng umamin? Jane, eto nalang 'yung kasiyahan ko. Wag mo namang ipagkait." Naiiyak na saad ko. Gusto ko lang naman ng supporters, masama ba 'yon?

"Hindi, wala akong balak. Pero sure ka bang sinusuportahan ka nila? Kasi Reeze, masaya ako para sa'yo pero tandaan mo na sinusuportahan ka nila dahil sa pag aakalang ako 'yon." Saad ni Jane. Tama naman s'ya. Umusbong ang galit sa'king sarili.

"Alam ko 'yon, Jane. Lamang na lamang ka sa'kin. Pagbigyan mo lang ako dito. Please..." Ngumiti ako sa kanya kaya't niyakap n'ya ako.

"If that's what you want, Reeze." Bulong n'ya.

Nagpatuloy ako sa pagpapanggap na si Jane at patuloy ang pag gawa ko ng story. One time ay gumawa ako ng tragic story, as in sobrang lungkot at sakit ng ginawa ko.

Pinost ko agad 'to ngunit hindi kagaya ng dati, hindi na ako nag out. Balak kong makita sila kung pano dumami ang reacts na makukuha ko.

1s palang ang post ko pero may mga nagcomment na at nagreact ng heart. Agad ko namang binasa ang comment.

"Wow, ang sweet naman."

"Hala, ang ganda ng ending."

"Nakakainlove!!"

Agad akong nanlumo sa nabasa ko. I just posted it on 1second, pa'nong nabasa nila 'yon ng gano'n kabilis? And one more thing, tragic ang ginawa ko, hindi happy ending.

Bakit gano'n? Hindi ko kailangan ng pekeng suporta nila, gusto ko 'yung totoo. Dahil sa inis ko ay nagpost ako.

Jane Capuso(Reeze)

Hello, gusto ko lang aminin na hindi ako si Jane Capuso. I'm Reeze Trinidad--her bestfriend. Pasensya sa mga naloko at mga umasa na s'ya 'to. Gusto ko lang magpasalamat sa mga suporter ko at sa mga mambabasa. Manatili ang gustong manatili at umalis ang gustong umalis. Pasensya kung nasabik ako sa atensyon, pero hindi ko kailangan ng pekeng pagsuporta n'yo. Again, I'm sorry and thank you...

Madami ang bumatikos sa'kin tungkol ngunit may nabasa din naman akong ilang maganda.

"Kahit sino ka man, idc basta namamangha ako sa mga sulat mo.

"Dapat hindi ka nasabik at nagsinungaling pero still mananatili akong suporter mo."

Nakakatuwa lang dahil may mga taong tanggap ako kahit mali ako.

"Reeze, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Jane. Tumango naman ako.

"Yes, I'm fine. Sorry Jane, siguro ay binabash kana din nila ngayon. Pasensya kung nadamay ka pa." Malungkot kong saad. Hinaplos naman n'ya buhok ko.

"Ayos lang ako, Reeze. Hindi mo naman kailangan ng madaming suporter 'e, aanuhin mo sila kung sinusuportahan ka lang nila dahil famous ka, hindi dahil maganda ang mga sulat mo. Reeze, may mga bagay na kailangan nating paghirapan dahil worth it naman 'yon pag napagtagumpayan natin. Nandito ako, number 1 supporter mo, Reeze." Saad n'ya at niyakap ako ng mahigpit.

Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko kaya't agad ko itong kinuha at binasa ang nagchat. Agad nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

Carolie Madrigal

Hey, don't lose hope bb. Continue writing. It's me Lenya Tanya, your number 1 supporter. Napansin kita noong finollow mo ko, lagi kang nakareact at nakaabang sa mga post ko. And, nalaman kong writer ka. Gumamit ako ng dummy acc dahil ayokong makaagaw pansin. Reeze, right? Reeze, be contented on what you had. Dyan din ako nag umpisa bago umangat. Wag kang gumamit ng kataksilan para mapabilis ang lahat, dahil walang nagtatagumpay sa ganoong paraan. Mas maigi pang magkaron ng konting suporter basta't lahat ay totoo kesa sa mga nagpapanggap na nakasupport sa'yo. Feel free to reply, Reeze. I can be your friend and reader.

Halos mapatalon ako sa nabasa ko hindi ko alam ang itatype ko kaya't nasabunutan ko si Jane.

"Aray ko!" Daing n'ya. Inagaw naman n'ya sa'kin ang cellphone ko at binasa ang nandon maya maya't tumili din s'ya at nagtatalon.

"I'm so happy!" Saad ko. Napatingin naman s'ya sa'kin kaya't napatitig din ako sa kanya. Ngumiti s'ya ng matamis.

"Real happiness. Yan ang nakikita ko sa mata mo. Gaya ng sabi ko, hindi mo kailangan ng madaming taga suporta dahil hindi mo alam na may mga silent reader ka pala na hinahangaan mo ng husto sa totoong buhay. Ang suporta ay kusang binibigay, hindi hinihingi. I'm so happy for you, Reeze." Saad n'ya. Agad akong tumalon at yumakap sa kanya.

"Ngayon ko lang narealize na hindi ko kailangan ng madaming supporter para malaman na magaling ako sa pagsusulat, dahil may lihim palang humahanga sa'kin. But still, thankyou, Jane. Thank you dahil nung nag uumpisa palang ako, ay nandyan kana para sa'kin. Thank you..." I whispered.

Sometimes, we don't need a many supporters, we just need few but real.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon