12 YEARS GAP
"Marc? Come here, baby!" Tawag sakin ni Mama. Dali dali akong bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Mama na may kausap na babae. Nang makarating na ako sa baba, lahat na ng atensyon nila ay nasa akin.
"Oh? Lika dito dali. Sya nga pala Charlotte, eto si Marc. Marc? Si Ate charlotte mo nga pala. Kiss mo sa pisngi dali!" Pagpapakilala ni Mama. Dahan dahan naman akong lumapit sa babae habang pinagmamasdan ang itsura nya.
"Ang ganda mo naman po, Ate Charlotte." Papuri ko pa. Kiniss ko na sya sa pisngi gaya ng utos ni Mama. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Salamat hehe." Nahihiya nyang saad.
I was 6 years old when I met you. I'm 6 years old back then, while you're 18.
--
Naglalaro kami ng mga kaibigan ko saming sala ng dumating si Ate Charlotte na dala ang mga pinamili nya. Dito muna naninirahan si Ate Charlotte dahil sa problema nya sa pamilya nya kaya minabuti nyang lumayo muna sa mga 'to.
"Sige na! Bukas nalang uli, pagod na ko 'e." Sambit ko sa mga kalaro ko. Pinagmasdan ko naman si Ate habang nag aayos ito ng mga pinamili nya. Ang kanyang inosenteng muka ay isa sa dahilan kung bakit napagkakamalan syang bata.
"Osige, kanina pa naman tayo naglalaro e! Hi Ate Lot!" Sambit ng kalaro ko. Binati naman nya si Ate Charlotte ng napansin nyang dumating 'to.
Ngumiti naman si Ate at bumati na din. "Hello Chris! Kumain kana ba?" Tanong ni Ate. Pinagmasdan ko naman silang nag uusap, lumapit na din kami ni Chris sa pwesto ni Ate.
"Hindi pa po 'e." Si Chris.
"Kung ganon, hintayin mo na akong magluto. Aayusin ko lang 'to, dito kana kumain." Yaya pa ni Ate. Agad naman tumango si Chris.
Pinanood naming gawin ni Ate ang duty nya. Maya maya ay dumating na si Mama. Tumakbo ako papalapit sa kanya bago sya hinalikan sa pisngi.
"Oh Marc! How's your day, hijo?" Nakangiting tanong ni Mama. Tumango naman ako sa kanya para ipahiwatig na ayos lang ako. Bumaling sya kay Ate na ngayon ay nagluluto na ng aming pananghalian. "Charlotte, dadating nga pala 'yung manliligaw mo mamaya. Wag kang mag alala nakapagpaalam naman sya sakin na kung pwede ka nyang bisitahin." Sambit ni Mama at umupo na sa silya, sumunod naman ako sa kanya at pinakinggan ang usapan ng dalawa.
"Ah, nakakahiya naman po. Tsaka wala pa po talaga sa plano ko ang pagbo-boyfriend kaya nag aaksaya lang sya ng panahon sakin." Ngiti ni Ate at pinagpatuloy lang ang kanyang pagluluto.
"Ano kaba, hindi kana iba samin Charlotte para ka na naming pamilya 'no! Tsaka nasa tamang edad kana normal lang naman 'yan. Bakit hindi mo subukan?" Ngiti pa ni Mama. Bigla akong nairita! Bakit ba pinipilit ni Mama si Ate sa kung sinong lalaki lang!?
"Naisip ko na din po 'yan. Hayaan nyo po, pagbibigyan ko sya. Kung hindi mag work, edi hindi po kami para sa isa't isa." Sambit ni Ate.
Tumayo ako sa aking silya kaya't nakuha ko ang atensyon nila. Takang tumingin sakin si Mama, marahil ay nagulat sa padabog kong pagtayo.
"U-uh magpapahinga n-na po ako." Sambit ko. Tumango naman sakin si Mama. Hindi ko na binalingan ng tingin si Chris at Ate. Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, ayokong mapalapit si Ate Charlotte sa iba lalo na't hindi nya masyadong kilala 'to. Siguro nag aalala lang ako sa kanya. Yun lang 'yon!
I was 10 years old when I started questioning myself. Why I'm so affected on your relationship status? Why I felt so sad, knowing that you're ready to have a boyfriend? You're 22, legal age for entertaining guys. I really don't understand myself, I'm so selfish when it comes to you!
--
Nakahiga ako sa rooftop namin habang pinagmamasdan ang mga bituin. Nakasuot ako ng polo shirt at nag ayos ng sobra sa sarili. Ngayon kasi ay birthday ni Ate Charlotte pero wala pa sya. May party na sa baba pero mas gusto kong makihalubilo nalang pag dumating na sya.
Patuloy ako sa pagmamasid sa mga bituin. Naririnig ko ang tunog galing sa baba ngunit hindi ko 'yon pinagtuunang pansin. Mula nung nakilala ko si Ate Charlotte, hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Mula pagkabata ay humahanga na ako sa ganda nya ngunit hanggang ngayon ay ganon pa din ang nararamdaman ko, mas lalo pa yatang lumala.
"Siguro nga ay gusto ko na talaga sya, hindi ko lang maamin sa sarili ko hys." Naisambit ko nalang sa sarili ko.
Lumipas pa ang ilang minuto ay patuloy lang ako sa pag iisip. Ngayon ko kaya aminin? Pero pano? Pano kung sabihin nyang masyado pa kong bata? Pano kung hindi sya napatol sa gaya ko? Pano na? Matatanggap kaya nya?
Naputol ang aking pag iisip ng makarinig ako ng yabag ng paa. Nilingin ko naman kung sino 'to, agad akong napaupo ng makita ko si Ate.
Gaya ng dati, maganda pa din sya. Nadagdagan nga lang dahil sa kanyang light make up. Pinaupo ko sya saking tabi.
"Happy Birthday Ate!" Bati ko at hinalkan sya sa pisngi, nakagawian ko na 'to.
"Salamat Marc! Nga pala, bakit nandito ka pa? Nag uumpisa ng magparty sa baba ah?" Tanong nito. Napatingin sya sa mga bituin habang ako'y napatitig sa kanya.
"A-ah gusto ko lang kasi munang mag isip. Eto nga pala, pagpasensyahan mo na ah?" Sambit ko at inabot sa kanya ang maliit na box. Napatingin naman sya sa gawi ko bago pansinin ang box na inilagay ko sa kanyang palad.
"Nag abala ka pa! Pero thank you ulit. Halika ka na sa baba, may sasabihin din kasi ako." Naeexcite nyang tugon. Pinigilan ko sya sa akma nyang pagtayo kaya't taka syang tumingin sakin.
"M-may s-sabihin muna ako A-ate." Nauutal kong sambit. Tiningnan nya naman ako at hinintay ang sasabihin ko. "G-gusto kita. Matagal na, bata palang ako ay humahanga na ako sayo." Sambit ko pa.
Sumeryoso ang muka nya. "Marc, bata ka pa, okay? Madami pa dyan, masyado ka pang bata para sakin at lilipas din 'yang nararamdaman mo---" Pinutol ko na ang kanyang sasabihin, hinalikan ko sya sa labi. Naramdaman ko ang lambot nito. Isang tulak at isang malakas na sampal ang iginawad mo sakin. Tumakbo ka papalabas ng rooftop at hindi man lang kita napigilan.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumaba. Siguro ay nabigla sya sa pangyayare, kailangan kong magsorry sa kanya. I want to win her heart! Wala akong pakialam kung mas bata ako sa kanya basta gusto ko sya. Gustong gusto.
Nang makababa na ako ay nagsasalita na ang emcee. Kaya't humanap ako ng magandang spot para makita ang unahan.
"Let's all welcome Ms. Charlotte Cervantes! Let's all greet her!" Binati naman agad si Ate ng mga bisita. Nang matapos ay tumayo na si Ate sa unahan at tipid na ngumiti. Nilibot nya ang tingin sa mga bisita hanggang tumigil ang mata nya sakin, nakita ko ang pagkailang sa mga mata nya.
"Thank you sa lahat ng pumunta at bumati. Thank you din kay Tita Lei, dahil kahit hindi nila ako kadugo, pinag aral at binuhay nila ako. Ayokong sayangin ang oportunidad na 'to, gusto kong ipakilala sainyo si Roland Belen, sya ngayon ay b-boyfriend ko na." Sambit nya. Agad nagpalakpalak ang mga tao.
Naestatwa naman ako sa kinalalagyan ko. Naramdaman ko ang unti unting pagsikip ng dibdib ko. Aalis na sana ako ng magsalita ulit si Ate.
"Oo nga pala. Nakalimutan kong pasalamatan si M-marc. Uhm ano. Salamat kasi pinakisamahan mo ko ng ayos. Mahal kita bilang k-kapatid sobra." Sambit nito.
Tumalikod nalang ako at binilisan ang paglalakad. Bakit kung kelan tanggap ko na sa sarili ko na gusto ko sya, tsaka pa ganto? Oh Marc dapat una palang alam mo na hindi pwedeng maging kayo dahil kapatid lang ang turing nya sayo!
I was 16 when I finally accepted that I already fell for you. That was your 28th birthday, when you was happily fell for Roland. I felt so stupid! Why I let myself to drown on my feelings for you!?
--
"Hindi ko po alam na magagawa nya sakin 'yon sa matagal naming pagsasama." Narinig ko ang hikbi ni Ate sa baba, kausap sya ngayon ni Mama.
"Ano bang nangyare, hija?" Tanong ni Mama.
"N-nambabae po sya. Nakipaghiwalay na din po ako pero hindi nya ko pinigilan." Umiiyak pang sambit nito.
Nagtangis ang bagang ko sa galit. Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila at dumiretso na ko sa kwarto. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at nagpatulong sa paghihiganti sa Roland na 'yon!
Agad akong umalis ng bahay, sinugod ko ang walang lalaking 'yon at pinagsawa ang aking kamay sa pagbugbog.
Nang umuwi ako ay dumiretso agad ako sa rooftop, sa hindi inaasahan nadatnan ko doon si Ate. Aatras na sana ako ng makita nya ko. Maga ang kanyang mga mata.
"Maupo ka." Yaya nito. Agad kong sinunod. Natahimik kaming dalawa sa mga minutong lumipas hanggang binasag na nya.
"Nagulat ako nung inamin mo sa akin na gusto mo ko. Naisip ko na baka naguguluhan ka lang kasi bata ka pa. Noong araw na 'yon sinagot ko si Roland para magalit ka sakin, para lumayo ang loob mo. Ayokong masaktan ka lalo pag umasa ka sakin, dahil kahit gusto kita dati pa, hindi din tayo pwede. Masyado kang bata para sakin. Sa tingin ko naman nagbago na ang nararamdaman mo diba?" Saad nito. Napatingin ako sa kanya at umiling, gulat ang gumuhit sa kanyang muka. "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.
"Hindi nagbago. Lalo kitang ginusto, kung tutuusin masasabi ko ng mahal na kita. Hayaan mo kong mahalin ka, hanggang matutunan mo din akong mahalin. Hindi kita pinagmamadali at pinipilit, basta hayaan mo lang ako. Hayaan mo kong iparamdam sayo yung deserve mong maramdaman. I want to win your heart again." Sambit ko. Hindi sya nakapagsalita. Yinakap ko sya ng mahigpit, hindi naman sya umangal. Maya maya ay narinig ko nalang ang hikbi nya. "I was really into you. Ayokong masaktan ka uli, hayaan mo kong mahalin ka. Hindi na kita hahayaang mapunta sa iba. I love you." Sambit ko.
Nagpatuloy tayo sa ganong posisyon.
I was 21 when you're 33. That day, I want to be with you. I want to win your heart again. I don't want to lose you. I promised to myself that I will treat you the way you wanted to be treated.
--
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!" Maligayang bati ng mga bisita. Sumilay naman ang magandang ngiti sayong labi.
Agad kaming tumungo sa reception at nakihalubilo sa mga bisita.
"Marc." Tawag nya sakin. Nilingon ko naman sya.
"Yes?" Nakangiting tanong ko dito. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Thank you." Naiiyak na sambit nito, inalis ko naman ang kamay nyang nakahawak sakin upang mahawakan ko sya sa bewang.
"Para saan?" Tanong ko.
"Sa lahat lahat. Thankyou kasi sayo ko nabitawan ang vows ko, worth it! Dahil alam kong gaya ng pangako mo, tutupadin mo din ang pangako mo kanina at ganon din ako. I love you so much! Thank God, he gave you!" Umiiyak nyang sambit. Hinalikan ko sya sa noo.
"Matagal kong pinangarap 'to. Ngayon, hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataong 'to. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil hinayaan nyang sakin ka mapunta. Hinding hindi kita bibiguin Charlotte, I love you more!" Sambit ko.
"Kiss na 'yannn!!!" Sigawan ng mga tao. Nag ngitian naman kami bago ko sya hinalikan sa labi.
I was 26 while you're 38 when we exchange our vows together! That day was the wonderful day that God gave to me! I will treasure every piece of moments with you, baby! I love you forever.
WAKAS.