42

3 0 0
                                    

SECOND FAMILY

Someday I will know the true feelings of happiness. One day, all the problems I go through now, will be a testimony someday.

"Putangina ka talagang bata ka! Wala kang ginawang tama! Bakit ba kasi kita naging anak!?" Nanggagalaiting sigaw n'ya--ansakit na sa tenga. Tinakpan ko ang tenga ko upang hindi marinig ang sermon n'ya.

I need to be strong! Hindi ako pwedeng sumuko, may mga pangarap pa ko. Pagsubok lang 'to, hindi dapat ako magpatalo.

"Umalis ka sa harapan ko! Tatanga tanga ka kasi!" Sigaw pa n'ya. Hindi na ko nag aksaya pa ng oras. Dali dali akong lumabas at pumunta sa lugar kung sa'n tanggap ako.

"Oh, Bitoy! Nagkaproblema na naman ba?" Bungad ni Nay Melia---nanay ng kaibigan kong si Kat. Pinapasok naman n'ya ako at pinaupo.

"Ah, wala naman pong pagbabago, Nay. Sana'y na nga po ako." Ngiti kong saad. "Asan po pala si Kat?" Napansin ko kasi na s'ya lang ang tao dito sa baba---malamang ay nasa taas si Kat.

"Ano ka'ba! Ayun, gaya ng dati." Umirap pa s'ya sa hangin. Kahit kelan talaga 'to si Nay Melia.

"Nagbabasa po ng pocket book?" Pagsisigurado ko. Ayun lang naman ang madalas gawin ni Kat, gustong gusto nyang magbasa.

"Aba'y oo! Ewan ko ba sa batang 'yan, sabi ko naman sa kanya ay pumapayag akong magkaron s'ya ng boyfriend basta yung may pangarap sa buhay at sana ipakilala n'ya sakin." Umiiling iling pang sambit ni Nay Melia. "Ay nako! Puntahan mo na muna s'ya don. Maghahain muna ako, dito kana kumain." Saad nya. Agad naman akong nagpasalamat.

Umakyat na ako ng hagdan patungo sa kwarto ni Kat.

Kat is my long time friend. As in friend lang talaga---no more deep feelings. Maswerte din ako dahil nakilala ko s'ya at ang pamilya n'ya. Dito sa kanila ay feel ko na belong ako. They're my second family---not by blood but by heart.

"Oh Bitoy!" Sigaw ni Kat at patakbong yumakap sakin. Sana'y na sana'y na ako sa mga gestures n'ya at hindi ko kailanman nilagyan ng malisya 'yon.

"Kakain na daw tayo, Kat. Halina't bumababa." Agad kaming tumungo sa baba.

Kumpleto na ang lahat. Mula kay Nay Melia, Tay Pedring, at John---kuya ni Kat.

Ngumiti naman sila ng makita ako. Agad din nila akong pinaupo at inumpisahan na namin ang kainan.

"Bitoy, balita ko natalo ang nanay mo sa sugal, ah? Tapos ang tatay mo naman ay nagwawala sa tindahan ni Fely kanina. Malamang ay ikaw na naman ang pinag-initan ng mga 'yon. Sinaktan ka'ba nila?" Ani Tay Pedring. Tumingin naman sa'kin ang lahat.

"Gano'n na nga po. Pero wala na naman po 'yon sa'kin. Sanay na naman po ako." Ngumiti naman ako. Hinawakan ni Nay Melia ang kamay ko.

"Basta Bitoy, nandito lamang kami. Kung may kailangan ka, pwede mong sabihin samin. Wag kang mahihiya." Ani nya. Naluluha naman akong tumango.

"Osya, ituloy na natin ang pagkain." Ani Tay Pedring.

Ang buong bahay ay napuno ng halakhakan at kasiyahan, panandalian kong nakalimutan kung bakit ako nandito. Pinagmasdan ko silang apat---sana ganyan din kami ng pamilya ko.

Minsan nakukwestyon ko ang Diyos. Bakit ang unfair n'ya? Bakit yung iba ay masaya at buo ang pamilya pero bakit hindi ko 'yon naranasan?

Bata palang ako ay lagi na akong ginugulpi ng ama ko sa tuwing lasing 'tong umuuwi. Samantala ang nanay ko naman ay puro sugal ang inaatupag. Solong anak lamang ako. Sa tuwing binubugbog nila ako ay nagpapalaboy laboy ako sa kalye---nagpapalipas ng sama ng loob hanggang nakilala ko si Kat. At hindi nagtagal ay nakilala ko din ang pamilya n'ya. Lihim akong pinag-aral nila Nay Melia. Sa loob loob ay galak na galak ako, napakaswerte ni Kat dahil nagkaron s'ya ng ganong pamilya.

Akala ko noon ay hanggang highschool lang ang plano nila Nay Melia sakin ngunit pinag-aral pa nila ako ng college. Kung tutuusin ay may kaya ang pamilya nila pero minsan ay kinakapos kaya't habang nag aaral ay nagtatrabaho ako. Hinahati ko kila Nay Melia ang sweldo ko, ang kalahati naman ay sa totoong magulang ko. Ayaw mang tanggapin nila Nay Melia---ako na ang nagpumilit. Kumuha din ako ng scholarship para makabawas gastusin.

Sobrang swerte ko talaga sa kanila. Si Tay Pedring ang nagpapabaon sakin at nagtuturo sakin ng mga bagay na gusto kong matutunan. Si Nay Melia naman ang tumatayong Ina sakin, s'ya ang nagdedesiplina sakin. Si John naman ang napaglalabasan ko ng sama ng loob. Sa tuwing ramdam nyang mabigat ang damdamin ko, inaaya nya akong gumawa ng punching bag na gawa sa dayami at doon ibubuhos ang lahat ng galit, sakit at poot na nararamdaman ko. Samantalang si Kat naman ay ang tumatayong bunso kong kapatid, minsan ay napaglalabasan ko din s'ya ng hinanakit sa buhay.

"Gumagabi na, Bitoy. Baka pag initan ka na naman sa'nyo kung hindi ka pa uuwi." Paalala ni Tay Pedring. Nakaupo kaming lahat sa sala habang nanonood ng tv.

"Kahit naman po hindi ako ginagabi, ako pa din po ang pinag-iinitan nila." Pagsasabi ko ng totoo. Lumungkot ang kanilang muka.

"Bitoy, kahit anong gawin sa'yo, wag mo nalang pansinin. Pero kung hindi mo na kaya, pwede ka naming kupkupin. Pero wag kang gaganti sa kanila, kasi masama 'yun. Ang lahat ay pagsubok lamang." Paalala ni Nay Melia.

"Opo, Nay. Sobrang swerte ko nga po dahil nakilala ko kayo e. Di bale, 2 years nalang naman po ay magtatapos na'ko sa kolehiyo." Sambit ko pa.

"Haynako, talagang magcecelebrate tayo no'n dahil sa wakas! May Engineer na kong napagtapos hahahah." Nagtawanan naman kaming lahat.

"Maraming salamat po sainyo!" Naiiyak na ko.

"Basta tandaan mo na lahat ng pinagdadaanan mo ngayon ay malalagpasan mo. Wag kang mag focus sa problema mo dahil lahat naman ay may solusyon. Tuparin mo ang pangarap mo at tulungan mo ang mga magulang mo, kahit sinasaktan ka nila, sila pa din ang magulang mo. Mahalin mo lang sila ng mahalin dahil magbubunga 'yan." Pagpapayo ni Tay Pedring.

"Opo, tutulungan ko din po kayo." Huling saad ko.

Maya maya'y nag paalam na akong uuwi. Pag uwi ko, ay sapak ang bumungad sakin mula sa ama ko.

"Tanginang bata ka! Nagagawa mo pang maglaboy?! Napakawalang kwenta mo!" Sigaw nya. Nagalit ako pero pinili kong manahimik, balang araw ay matatapos din ang lahat.

"Sorry po." Naisambit ko nalang.

"Hoy Bitoy! Baka nakakalimutan mong anak ka lang namin! Tanga ka talaga kahit kailan!" Sigaw naman ni Mama.

Hindi nalang ako sumagot. Pumunta na ako sa kwarto ko at doon binuhos lahat ng sakit. Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko.

Kelan ba matatapos ang lahat? Hanggang kelan ko ba marararanasan 'to? Hanggang kelan ako masasaktan?

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay kumuha ako ng blade at tinapat 'yon sa pulsuhan ko. Gusto ko ng tapusin ang lahat pero parang may napigil saking gawin 'yon. Kasabay non ang pagpasok sa alaala ko---mga panahong kasama ko sila Nay Melia. Yung mga payo nila sakin, yung mga pag aalala, yung pagpapaaral, yung pagmamahal at yung mga sakripisyon nila para sakin.

Agad akong natauhan, agad kong hinagis ang blade. No! Bawal akong sumuko. Bawal akong bunigay dahil may taong umaasa sa pag asenso ko. Tama si Nay Melia dapat ay hindi ako magfocus sa problema dahil matatapos din ang lahat.

--

"Oh, nandito na pala ang Engineer natin." Nakangiting salubong ni Nay Melia sakin. Agad akong nagmano sa kanya.

"Asan po sila?" Tanong ko dito. Pumasok na kami sa malawak na sala at don ay natagpuan ko sila Tay na nanonood.

"Kamusta ang Business Trip? Asensong asenso kana ah?" Natatawang tanong ni Tay Pedring. Umupo naman ako sa tabi nya. Inutusan ko ang yaya namin na magpahanda ng pagkain.

"Dahil po sainyo 'to. Utang ko po sainyo lahat. Kaya't ngayon, gawin n'yo po lahat ng gusto n'yo. Magshopping kayo, out of town at kahit mag party pa po kayo. Sagot ko lahat." Nakangiting saad ko.

"Nako, hijo. Dapat hindi lang kami ang nakakaranas ng gantong ginhawa dapat pati ang totoong magulang mo. Itong mansyon ay masyadong malaki para satin, bakit hindi mo sila imbitahan?" Tanong ni Tay Pedring. "Anak, matuto kang magpatawad. Para rin 'yon sa ikakagaan ng puso mo." Dugtong pa nito.

"Tama si Tay Pedring mo, Bitoy." Pag sang-ayon ni Nay Melia.

"Sir, may naghahanap po sainyo. Jessa Marquez daw po." Sabat ni Yaya Ysabelle. Agad kaming natigilan.

Tumungo ako sa labas at nakita ko s'ya---ang nanay ko. Payat na 'to at mukang pagod na pagod. Marumi din ang kanyang suot na damit.

"B-bitoy anak." Naluluhang sambit nya. Binuksan ko naman ang gate at lumapit sa kanya. "Sorry sa lahat, anak. Sorry dahil hindi ako naging mabuting magulang." Sambit nya.

Yinakap ko na s'ya ng mahigpit---sabik na sabik.

"Matagal na po kitang napatawad. Asan po si Tatay?" S'ya lang kasing mag-isa ang nandito.

"Pinatay s'ya ng mga di kilalang lalaki. Simula nung pinalayas ka namin, kinabukasan ay nabaril sya. Hinanap kita pero hindi na kita natagpuan pa." Napaluhod nalang ako sa sinabi nya.

Pinalayas nila ako at nanuluyan ako kila Nay Melia pero lumipat din kami agad, sa kagustuhan nilang malayo ako sa mga magulang ko dahil grabeng pananakit ang natamo ko noon, simula no'n ay nawalan na din ako ng balita sa kanila.

Yinakap n'ya ko kaya't ginantihan ko sya. Hinalikan ko sya sa noo, hindi alintana ang maduming nakadikit sa kanyang katawan.

"Mag uumpisa tayong muli, Inay." Naisambit ko na lamang. Nakangiti namang nakatingin sakin ang pangalawa kong pamilya. Marahil ay masaya din sila.

Minsan may mga panahon talaga na gusto na nating sumuko, pero isipin natin ang mga dahilan kung bakit lumaban tayo nung una. I'm happy now. Kasama ko na ang tunay kong Nanay, kahit wala naman si Tatay ay alam kong masaya na sya kung nasan man sya ngayon. At kasama ko din ang pangalawa kong pamilya. Handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Tama sila, minsan kailangan nating magpatawad para sa ikakagaan ng loob mo at sa ikakapayapa ng puso mo.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon