41

4 0 0
                                    

10,000 HOURS


I'm scared. I don't know what to do. What if he get mad? What if he didn't accept it?

Narinig ko ang yabag ng mga paa---patungo sa kwarto namin. Si Miguel na siguro 'yon. Agad kumalabog ang puso ko.

"H-honey." Salubong ko at humalik sa pisngi n'ya. Yinakap naman n'ya ako. He is my boyfriend. Nagsasama na kami sa iisang bahay.

"Bakit parang namumutla ka? May problema ba?" Tanong n'ya. Umupo naman kami sa kama.

"Wala naman, pagod lang siguro." Naiilang kong sambit.

"Wag na wag mo kong pagsisinungalingan, Jasmine." Napalunok ako. Ramdam ko ang titig n'ya sa'kin.

"I'm pregnant." Pikit mata kong sambit. Wala akong narinig sa kanya. Nanatiling tahimik kaya't minulat ko ang aking mata. Nakita ko ang gulat sa mata n'ya.

"Really?" Hindi makapaniwalang saad nya. Tumango na lamang ako.

Tumakbo sya pababa kaya't sumunod ako. Ayaw n'ya ba? Tatakbuhan na ba n'ya ko?

"WUHOOO!!! MGA KAPITBAHAY! MAGIGING AMA NA AKO!" Sigaw nya. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay hindi n'ya magugustuhan. Naiiyak akong lumapit at humalik sa kanya.

Pagkatapos no'n ay nagtuloy tuloy na ang swerte sa buhay namin. Nakapagpundar kami ng kotse, bagong lupa't bahay, at business. Dahil 'yon sa anghel namin.

Napakasaya ko, sa tuwing naiisip kong may laman ang tiyan ko ay napapangiti na lamang ako bigla. Masaya palang maging ina, pinapangako ko sa sarili ko na aalagaan ko s'ya.

Lumipas pa ang ilang buwan ay lalo akong nananabik sa kanyang paglabas. Hindi ko alintana ang sinasabi nilang sakit pag nanganganak. Sinimulan na naming magplano ni Miguel.

"Honey, mas maigil kung sa kwarto muna natin s'ya papatulugin habang maliit pa s'ya." Nakangiting sambit ko.

"Siguro nga. Come here." Lumapit naman ako. Hinapit n'ya ang bewang ko at hinalikan sa noo.

"Ano kaba Miguel!" Hagikgik ko.

"Mahal na mahal ko kayo ni baby." Sambit n'ya.

Lumipas ang pa ang ilang buwan hangga't sa sumapit na ang inaabangan naming mag asawa.

"Ire pa!" Sigaw ng Doctor. Sobrang sakit. Pinilit kong umire. Please lord, save my baby.

"Excuse me, I need to personally talk to you." Sambit ni Doc. Stable na ang lagay ko.

Nasa private room na ako at buhat ang baby ko. Katabi ko naman si Miguel na umaalalay sakin.

"I'll be honest to you. Ang baby n'yo ay hindi din magtatagal. She had a disease---" Naputol ang sinasabi ni Doc ng sumigaw ako.

"No! Please no!! That's not true!!" Sigaw ko. Nag sorry na lamang s'ya at umalis na.

Umiyak lang ako ng umiyak.

"That's not true! Diba honey?" Umiiyak kong sambit. Lumapit lalo si Miguel sakin at hinalikan ako sa noo pati si baby. Hindi s'ya makapagsalita. "Alam mo ang tungkol dito?" Nanatili syang tahimik. "Miguel!!!" Sigaw ko.

"Oo, wala tayong magagawa. Sulitin nalang natin hangga't andito pa s'ya." Malungkot na saad n'ya.

Halong sakit, poot at galit ang nararamdaman ko. Bakit anak ko pa? Bakit?!

Lumipas pa ang ilang araw. Inalagaan ko ng ayos si Critel---ang baby namin. Sa huli ay tinanggap ko din ang kapalaran. Tama si Miguel, I need to cherish every moment with her.

"Miguel!!!" Natatarantang sigaw ko. Tumakbo naman s'ya papalapit sakin.

"Shit!" Binuhat n'ya si Cristel at tinakbo namin s'ya sa hospital. Kabadong kabado ako. Not now, please.

"Shh." Yinakap ako ni Miguel, nasa labas kami ngayon ng Emergency room.

"Hindi ko pa kaya." Paos kong saad.

"May mga bagay talagang hindi para satin. Shh, magiging ayos din lahat." Sambit n'ya.

Umiyak lang ako ng umiyak sa yakap n'ya. Hindi ko pa kaya, Lord. Please, wag muna ngayon. Gusto ko pa syang makasama ng matagal.

"Excuse me." Agad kaming napatayo ni Miguel ng makita ang Doctor. "Ikinalulungkot po namin. We didn't make it." Nanlambot ako. Nabingi ako.

Gusto kong magwala. Gusto kong maglaho. Gusto kong manakit. Ayoko na. Kakapagod.

Namalayan ko nalang na nasa morgue na kami. Nakita ko si Cristel. Ang namumutla na nyang balat. She's 3 months old. Kamukang kamuka n'ya si Miguel.

Natulala lamang ako. Nakita ko sa gilid ko na umiiyak si Miguel. Yinakap ko s'ya.

"Alam mo ba nung una, akala ko hindi mo s'ya matatanggap kasi akala ko hindi ka pa ready na magkaanak. Hanggang sa sinabi ko sayo at naging masaya ka. Tuwang tuwa ako no'n pag nararamdaman ko s'ya sa tiyan ko. Pakiramdam ko ang swerte swerte ko." Umiiyak kong kwento habang inaalala lahat. "I though I can make it, but I'm not yet ready for this. But I know everything will be alright, hon." Hinalikan ko s'ya sa labi. "She's happy with God now." Sambit ko.

Tumingin ako kay Cristel. Hinawakan ko s'ya sa kamay at pinagmasdan s'ya sa huling pagkakataon.

"Baby, I should be thankful that I was with you longer than Miguel. You're on my womb for 9months and you're in my arms most of the time. Thank you. Thank you for coming into mylife. You're the gift from God but you won't take long with us. Wait for me, okay? Soon, we will see each other again. I love you." Sambit ko at  tuluyan ng napahagulgol.

"Everything will be alright." Bulong ni Miguel mula sa likod ko at niyakap ako.

Thank you, Lord. Thank you for letting me meet my baby. Salamat dahil nakasama ko s'ya. Alagaan n'yo po s'ya. Kayo na po ang bahala.

Baby Cristel. Thank you for almost 10,000hours. I love you.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon