29

4 0 0
                                    

REALITIES OVER FANTASIES

Bata palang ako ay mahilig na kong magbasa ng libro---fantasy kasi ang gusto ko. I want a extraordinary story or magical stories.

"Seriously? Reading again?" Jennica said. I rolled my eyes.

"So what?" Tumawa naman s'ya sa sagot ko.

"Yvonne, kaya nga tayo nandito para mag enjoy. Tapos nagsosolo ka dito. C'mon girl!" Yaya n'ya pa. "Look, kanina ka pa hinihintay ni Chester sa baba. Wag mo namang saktan ang feelings n'ya 'no!" Hinigit n'ya ako palabas.

Bwiset! Hindi pa ako tapos basahin yung Peter Pan 'e! Hmm, makakalipad kaya ako gaya n'ya pag nag-isip ako ng masasayang bagay? Maitry nga mamaya hihi.

"Damn you, girl! Why are you smiling? Creepy." Palabas na kami ng bahay pero dakdak pa din s'ya ng dakdak.

"Shut up! Mind your own business." Iritang sagot ko. Bwiset naman. Bakit pa kasi ako sumama dito sa swimming na'to? Mas gusto ko pang magkulong sa kwarto ko at magbasa ng mga stories.

"Hey!" Bati ni Chester sa'kin. Naglublob lang ako sa gilid ng pool. I don't want to swim unless---OmyGod! This is the perfect time for this!

Agad akong tumayo at pumunta sa slide at pumuwesto. Hindi ako marunong lumangoy at sa pagkakaalam ko ay 7ft 'tong pagbabagsakan ko dahil nasa dulong parte ako.

"Hey, what are you doing?!" Sigaw ni Jennica sa'kin. Kita ko sa muka nya ang pagkataranta. Nginitian ko naman s'ya.

"Don't worry! Lilipad ako gaya ni Peter Pan! Ang kailangan lang ay mag-isip ako ng masasayang bagay!" Sigaw ko dito. Nakita kong nag usap usap sila pero kiber lang.

Okay now, I need to be ready. I can do this! One, two, THREE!

Tumalon na ako ng nakapikit. Naramdaman ko ang paglubog ko sa tubig, ayokong magpanic. Magandang bagay---ah foods, lot of books, cute guys---

Teka, parang nakakahinga na ko? Wait! Did I make it?! Unti unti kong minulat ang mata ko. Hindi nakalubog ang balikat ko hanggang ulo. Shems!!!!

"Are you alright?" Nagulat ako at nasampal ang nagsalita. Omygoshh!!!!

"Shemay! Sorryy!!! Ano ba kasing ginagawa mo dyan?" Tanong ko pa.

"Muntik kang malunod kanina kaya sinalo kita." Sambit n'ya. Ngayon ko lang napansin na buhat buhat n'ya pala ako. Pumalag naman ako kaya't agad n'ya akong binaba. Napansin kong nasa mababaw na kami---hanggang leeg ko nalang.

"Hmp!" Kainis kala ko lumilipad na ko! Epal talaga.

Pumunta naman ako sa gawi ng mga kaibigan ko. Mga tumatawa ang mga depungal. Inirapan ko naman sila. Tinungga ko ang Margarita Cocktail na nakita ko.

"Yvonne. C'mon! Mamamatay ka sa kakapaniwala mo sa magic---tigilan mo na kasi 'yang pagbabasa na tungkol sa fantasies. Wala 'yang katotohanan. Tigilan mo na 'yang kahibangan mo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jennica.

"Sino ba naman kasing tuleg ang maniniwala kay Peter Pan, aber?" Natatawang tanong ni Shaira---isa sa tropa namin.

"Sino paba? Edi si YVONNE CASTILLO lang naman HAHAHAHAHHAHA!" Nagtawanan naman ang iba sa sinabi ni Jacob.

"Fuck you!!!" Sigaw ko. Nakakainis! Hindi kasi nila maintindihan. Pag talaga ako nagkaron ng kapangyarihan nako!

"Shh! Stop that." Suway ni Chester sa kanila. Tumingin s'ya sakin. "Gusto mo bang lumipad uli?" Tanong n'ya kaya lalong nagtawanan ang kasama namin.

"Isa ka pa!" Sigaw ko. Napaisip naman s'ya.

"Gusto mong ulitin 'yung kanina? Sasaluhin kita, isipin mo nalang na lumilipad ka. Para hindi kana nakasimangot dyan." Suhesyon n'ya. Agad naman akong napaisip. "Sige na, malay mo matuto ka ng lumipad. Nasa baba lang naman ako." Gatong n'ya pa.

Hmm baka nga sa susunod na talon ko makalipad na 'ko. Tumawa naman ang barkada namin.

"H'wag mong sabihin na naniniwala ka sa kahibangan ni Yvonne, Chester?" Natatawang tanong ni Jennica. Ngumiti lamang si Chester.

"Ews, pag-ibig nga naman pwe!" Sambit ni Shaira.

"Ano payag kana?" Tanong ni Chester, tumango naman ako. Kaya agad kaming nagtungo sa slide.

Imbis na magslide ay tumungtong ako sa bakal, wala namang problema kung mahuhulog ako dahil tubig naman ang pagbabagsakan ko. Gaya kanina ay tatalon ako mula dito.

Hmm gusto ko ng lalaking tatanggapin ako at susuportahan sa pagiging fantasy lover ko. Sambit ko sa isip ko at tumalon. Nang bumagsak ako sa tubig ay sinubukan kong dumilat.

Nakita ko si Chester na lumalangoy---papalapit sa'kin. Parang nag slow-mo ang lahat. Inaalon ang malago nyang buhok. Ang kanyang matangos na ilong, magagandang mga mata at maninipis na labi ay para bang nakakaattract saking paningin. Nang mapalapit s'ya sa'kin ay tumitig din s'ya sa mata ko.

Parang may kung ano sa paligid namin na umiilaw---parang mga fairies. Kinabig nya ang batok ko papalapit sa kanya hanggang sa naramdaman ko ang malambot nyang labi. Binibigyan n'ya ako ng hangin pero may kung anong kuryente akong naramdamanan---what was that? Is this magic?

Pagkatapos no'n ay hinawakan nya ako sa kamay at hinila. Ginawa ko ang pagaspas ng kanyang paa at ng isa nyang kamay. Hanggang sa nakausad na kami. Habang lumalangoy ay napapalingon s'ya sakin. Hindi ko alam, parang kakaiba.

Nang umahon kami ay nalaman kong nasa mababaw na parte kami. Mapanukso naman ang tingin na binabato samin ng mga kasama namin.

"Kayo ha! Bakit ang tagal n'yo sa tubig?!" Natatawang tanong ni Jacob. Inirapan ko nalang s'ya.

Buong gabi ay nagkwentuhan lang kaming magbabarkada.

Hindi nagtagal ay naging kami ni Chester. Masasabi kong napakaswerte ko sa kanya. Iniintindi n'ya ako sa kaabnormalan ko kahit sa pagmamahal ko sa fantasy ay tanggap n'ya.

"Dahan dahan, baby." Inaalalayan n'ya ako papunta kung sa'n. Nakablindfold ako, naramdaman ko din na medyo lumalamig ang temperatura. Nasan ba kasi kami?

Nang marating na namin ang gusto nyang marating ay unti unti na nyang tinanggal ang blindfold ko. Shet---nasa kwarto kaming puno ng yelo. Durog durog ang mga 'to.

"Ano 'to?" Takang tanong ko. Hinawakan naman n'ya ang pisngi ko.

"Diba gusto mong maging fairy, witch or something na may kapangyarihan? So, eto na 'yon baby." Sambit n'ya. Nagtataka naman akong nagtaas ng kilay sa kanya. "Ganto baby. Yang mga yelo ay magiging kapangyarihan mo. Magbabatuhan tayo nyan, kunyare ay naglalaban tayo, okay?" Nang makuha ko ang punto n'ya ay agad akong tumango.

Naghiwalay kami ng landas ay dumakot ng yelo, naghabulan kami at nagpanggap na kapangyarihan ang yelo. Ang saya saya.

Nang mapagod kami ay humiga kami sa yelo, hindi 'to mabilis matunaw dahil kulob na kulob ang kwarto at para 'tong freezer na malaki. Naramdaman ko ang kamay n'ya sa kamay ko.

"I love you, Yvonne. I will do everything for you. Kahit ang pagiging adik mo sa fantasy ay susuportahan ko." Sambit n'ya. Nilingon ko naman s'ya.

"I'm happy that I already found you. Thank you for everything. If I had to choose between Fantasies or Realities. I will chose Reality---beacuse I have you. In reality I had Chester Rodriguez that making my life magical and colorful. When I'm with you, it's like I'm living on fantasy world cause everything is like a magic. I love you, too." Naiiyak na sambit ko.

"Shh. Like what I've said, I will do everything for my baby." Sambit n'ya at unti unti akong hinalikan sa labi.

I don't need to go in Fantasy World because my man make a magical world for me---and he's existing on reality.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon