34

3 0 0
                                    

OPTION


"Uyy Yries, samahan mo naman ako oh."

"Yries kelangan ko ng kausap."

"Salamat kasi lagi kang nandyan sakin."

--

Ilan yan sa mga lagi nilang sinasabi sakin. Yes, lagi akong nasa tabi nila pag kailangan nila ako. Lagi akong nakikinig ng mga drama nila sa buhay. Pero pag ako may kailangan, wala sila. Pero ayos lang sakin yon basta magstay sila. Lahat gagawin ko para sa kanila basta maging masaya sila.

"Yries bat di mo ko tinulungan kanina sa recitation?! Nazero tuloy ako, kasalanan mo to!" Sumbat ni Thea sakin. Isa sa mga kaibigan ko.

"Oo nga Yries, kami din ni Rhea di mo tinulungan!" Sigaw pa ni Juls.

Napatayo naman ako, tekaaa bat ba ako lagi diba? Hindi ko sila natulungan kasi naghahanda din ako ng maiisagot para sa recitation ko.

"Teka nga muna, bat ba kasi hindi kayo nagreview?" Mahinahong tanong ko pa.

"Aba! Sinisisi mo ba samin? Anong klaseng kaibigan ka! Apakawalang kwenta mo!" Sigaw sakin ni Rhea.

"Okay kasalanan ko na, sorry." Pagpapakumbaba ko pa. Umirap naman sila at umalis na sa harapan ko.

Kaibigan ba talaga nila ako?

--
Nagsscroll ako sa fb ko ng may mapadaan sa newsfeed ko. It's about friendship goal, si Juls ang nagpost. Pupusuan ko na sana at balak ko pang magcomment ng mapansin kong hindi ako nakatag haha.

Agad na sumikip ang dibdib ko sa nakita ko, siguro nga hindi ako belong sa friendship nila.

Naisipan kong maghanap nalang ng ibang kaibigan, yung kaibigan din ang turing sakin. And guess what? Hindi ako sinuyo nila Juls, now I know hindi talaga ako belong sa kanila.

Thenn may nakilala akong isang tropahan. Napabilang ako sa tropa nila, masasabi kong masaya silang kasama.

Isa sa tropahan na yon ay si Ophra, may boyfriend sya na lagi syang niloloko. And guess what? Ako din ang takbuhan nyaa.

Halos gabi gabi kaming magkachat ni Ophra, share sya ng share sakin ng problema nya. And that time nagtanong ako sa kanya "Bat ako nilalapitan mo? Diba madami ka namang kaibigan, eh ako? Malayo ako sayo." Syempre nacurious ako e.

Pero alam nyo yung masakit? Yung sinabi nya sakin na "Hindi nila ako paborito, sinabi din nila sakin na nagsasawa na sila sakin kaya sayo ako nag oopen, kahit malayo ka hindi mo ko pinapabayaan. Lagi kang nandyan para sakin, eh sila?" Nung sinabi nya yon naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko.

Wait? Haha ibig sabihin ba nito option na naman nya ko? Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya, nagpatuloy pa din ako sa pagsstay sa tabi nya kahit ganon nalang ang tingin nya sakin.

Hanggang sa dumating na ang kinakatakutan ko, nung nagkaayos sila ng mga kaibigan nya, nakalimutan na nya ko.

Pinamumuka nya sakin na madami syang kaibigan at hindi ko mapapantayan 'yon. Natawa nalang ako ng bahagya, bakit? Nung panahon na kailangan nya ng kausap, dumating ba mga kaibigan nya? Nung time na down na down sya, tinulungan ba sya ng kaibigan nya? Diba ako lang? Ako lang ang nakinig at umintindi sa kanya.

Pero hindi nya pa din ako tinuring na kaibigan. Ganon ba talaga 'yon? Pag wala ang fav nyong kaibigan, sakin kayo tatakbo? Tas pag bumalik sila, maeechepwera na naman ako?

Siguro nga ganon talaga. Nabuhay ako sa mundong 'to para lapitan ng mga malulungkot na tao, tas aalis din sila pag sumaya na ulit sila.

Wala akong karapatang ipaliwanag ang side ko, kasi palagi nalang sila ang inuuna ko. Kaya ngayon naaawa ako sa sarili ko, ano pa bang kulang ko? Bat ganto nalang lagi? I'm tiredddddd.

It's hard to admit but I need to face reality.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon