18

4 0 0
                                    

MY PROSTITUTE MOTHER.

"Ahh pokpok ang nanay!"
"Parehas lang kayo HAHAHAHAH."
"BAGAY SAYO YAN!"

At kung ano ano pang salita ang naririnig ko na pwedeng ipambully sakin. Agad akong tumayo at tumakbo pauwi. Ang bigat ng pakiramdam ko, lahat sila ayaw sakin.

"Oh iha? Maaga pa ah? At mukang pagod na pagod ka? Maupo ka dito, ikukuha kita ng tubig." Sambit ni Mama at akmang pupunasan ang pawis ko. Agad ko itong tinabig at tumakbo patungong kwarto.

Isip ako ng isip kung bat naging ganto ang buhay ko. Ang dating masayang pamilya, kabaliktaran na ang kapalaran ngayon.

Limang taon palang ako ng naulila ako sa Ama. Namatay ito sa isang aksidente. Bago mangyare ang aksidente nagkaron ng munting salo-salo sa aming tahanan. Masaya, masaya ang lahat. Hindi ko akalain na iyon na ang huling araw na makakasama ko si Ama at yun na din ang huling araw na masaya ang pamilya namin. Umalis si Ama para ihatid ang ibang bisita ng biglang sumabog ang kanilang sinasakyan. Bata pa ko non pero tanda ko na lahat ng pangyayari.

Pagkatapos ng dalawang taon nakapaghanap ng bagong makakasama si Mama, nung una talagang hindi ko tanggap. Pero dahil muka namang masaya sila, sumang ayon na din ako. Masaya naman, parang buong pamilya na ulit. Pero saglit na naman ang sayang 'yon.

Ilang buwan palang ang nakakalipas non ay napapansin namin na tulala si mama at kung minsan nawawala sa sarili. Dahil medyo bata pa ko, isinasantabi ko lamang 'yon. Pero hindi nakatiis si Ate, sinusundan nya kung san pumupunta si Mama. Hanggang isang gabi narinig ko na ang pagtatalo nila.

"Alam mo bang mapapahamak ka sa ginagawa mo Irish!?" Sigaw ni Mama dito.

"MAMA! ANO BA TO!??" Sigaw din ni Ate.

"Hayaan mo kong magpaliwanag anak." Nagmamakaawang tugon ni Mama.

"Magpaliwanag? Nakakadiri ka! Ayoko na sa bahay na'to!" Sigaw pabalik ni Ate at narinig ko ang pagsarado ng pinto.

Pagkatapos ng pangyayaring yon hindi na bumalik si Ate. Ngayon ay 16years old na ko. Medyo naintindihan ko na ang lahat. Sa mga lumipas na taon ay napapadalas din ang away ni Tito Erik at ni Mama. Siguro dahil nalaman na ni Tito Erik na si mama ay nagbebenta ng panandaliang aliw. Tama sila, pokpok ang nanay ko.

Labis ang pandidiri ko sa kanya. Sino ba namang matinong babae ang magbebenta ng katawan diba? Pinagsisisihan kong naging nanay ko sya.

Simula ng nagkaron ako ng tamang pag iisip, iniwasan ko si Mama. Kahit isa sa mga paliwanag nya hindi ko pinakinggan, ano pang ipapaliwanag nya diba? Sinasabi nya lagi na di nya gusto yon kahit kagustuhan nya naman talaga.

Pagkagising ko ng umaga naghanda agad ako para sa pagpasok ko. Pagkababa ko ay don si Ate.

"ATEEEEE????" Masayahang sigaw ko pa at patakbong lumapit sa kanya. Miss na miss ko sya.

"Bunso." Malambing na tawag nito at yumakap din sakin.

"Ate anong nangyare? Ang tagal mong hindi nagpakita? Kamusta na ate?" Sunod sunod na tanong ko pa. Iginaya naman nya ko paupo.

"Bunso, sumama kana kay Ate. Mag impake kana habang wala pa si Tito Erik at si Mama. Sasama ka naman siguro kay Ate diba?" Tanong pa nito.

"Ate pano si Mama?" Tanong ko din. Napatungo lamang sya at bumuntong hininga.

"Bunso, ayokong magaya ka kay Mama. Kaya na din nun ang sarili nya nandito naman si Tito Erik. Sige na ha? Mag impake kana bago pa sila dumating." Sabi pa nito. Agad ko namang sinunod. Ayoko na din dito. Ayokong may makasamang pokpok sa iisang bahay.

Umalis kami ni Ate. Nag umpisa kami ulit. Ilang taon din ang lumipas at ngayon isang ganap na Lawyer na si Ate. Yun ang pangarap nya. Graduation Day ngayon ni Ate at masayang masaya ako kasi sa wakas natupad din nya ang pangarap nya. Sa mga taon na nawala si Ate, sumama sya sa kanyang nobyo at nagtrabaho habang nag aaral upang maabot ang kanyang pangarap.

Pag uwi namin madaming handaan, nandito din ang mga bisita ni Ate. Pero tumahimik ang lahat ng pumasok sa pinto ang pigura ng isang babae. Si Mama.

Naiiyak itong lumapit samin at yumakap. Hindi ko itatangging namiss ko si Mama, kahit mali ang ginagawa nya nanay pa din namin yan. Pinaupo muna namin sya at pinakain. Hindi nagsasalita si Mama. Kinagabihan nagsiuwian na ang mga bisita.

"Proud na proud ako sayo Irish." Mapait na ngiti ang bumungad sa muka ni Mama. "Patawad sa lahat, sorry kung hindi ko sinabi agad. Natakot lang din ako." Sabi pa nito at muling umiyak.

Niyakap namin si Mama at pinakalma. Napansin namin kay Mama na namamayat na sya at madaming peklat.

"Ma, pinatawad ka na po namin. Sorry ma." Malungkot na sabi ni Ate. Huminga ng malalim si Mama at umupo ng ayos.

"Nung nawala ang daddy nyo hindi ko kinaya ang sakit. Mahal na mahal ko ang daddy nyo." Paumpisang kwento ni Mama, nakinig naman kami ni Ate. "Naghanap ako ng makakatulong para buhayin kayong magkapatid. Nakilala ko ang Tito Erik nyo. Nung una masaya naman diba? Pero nagbago sya. Halos inaraw araw nya kong babuyin, ni minsan hindi ako nagsalita dahil ayokong magreklamo, ayokong madamay kayo." Nakangiting kwento pa nito.

Nagkatinginan kami ni Ate. Hindi namin alam ang bagay na yon.

"Hanggang sa isang gabi dinala nya ko sa club, pinakilala sa mga babaeng kaibigan nya. At dun nag umpisa ang lahat. Binantaan nya ko na sasaktan nya kayo pag di ko sinunod ang gusto nya. Hinayaan kong mababoy ako, para lang may makain kayo." Umiiyak pang saad nito. "Nung umalis ka Irish, tumigil ako sa pagbebenta ng katawan. Kaso nagalit ang Tito mo. Kaya nagpatuloy ako. Hindi kita nahanap anak, natakot din ako. At lumipas ang mga taon, ganon pa din ang nangyayari. Umuwi ako nun ng umaga at wala kana Kaye, pinasok ko ang kwarto mo wala na ang mga gamit mo don. Nagtanong tanong ako sa kapitbahay at nalaman kong sinama ka na ng Ate mo. Naging masaya ako, kasi malayo na kayo sakin. Hindi kayo magagaya sa kapalaran ko." Nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa mata nito.

"Mama sorry!" Yan lang ang nasambit namin ni Ate. Umiling si Mama.

"Wala kayong kasalanan. Kasalanan ko to. Bat ako nagpaalipin sa demonyo? Napabayaan ko pati kayo. Nalaman kong dito kayo naninirahan. Araw araw ko kayong binabantayan. At ngayon lang ako nagkalakas loob upang ikwento ang nangyare." Ngiti pa nito. Tumayo si Mama at hinubad lahat ng saplot.

"Eto ang natamo ko sa Tito Erik nyo." Sambit pa nito.

Nagulat kami ni Ate. Nagalit. Napamura. Kitang kita namin ang mga peklat na parang hinampas ng kahoy. Halos buong katawan ni Mama ay may bakas ng sugat. Tumayo si Ate at kumuha ng cellphone. Pumunta muna ito sa labas.

Kahit gulat ako sa nakita ko. Kumuha ako ng kumot sa kwarto ko at binalot si Mama. Niyakap ko sya at umiyak ng umiyak. Labis ang pagsisisi ko dahil hinusgahan ko sya agad. Sorry ako ng sorry sa kanya habang nakayakap. Ang tanga tanga ko..

Maya maya ay bumalik si Ate. Galit ang makikita sa muka nya, ngunit ng tingnan nya si Mama ay nawala ang galit. Awa ang nakikita ko sa mata nya. Lumapit sya samin ni Mama at parehas hinalikan sa noo.

"Magpahinga na kayo Ma. Pagbabayarin natin ang may sala." Malamig pang tugon nito. Umakyat na kami ni Mama sa taas at natulog.

Kinabukasan ay masaya kaming pinaghahain ni Ate ng umagahan.

"Mama kumain po kayo ng madami ha? Maligo na din po kayo at magbihis." Ngiti pa nito.

"Bakit Ate?" Usisa ko dito. Lumingon sakin si Ate at ngumiti.

"Nagsampa na ko ng kaso, hawak na ng pulis si Tito Erik. Pero kailangan sumama ni Mama bilang patunay, isasama din namin si Mama para malaman kung saang club nangyayare ang prostitusyon." Sabi pa nito.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at kamay ni Ate.

"Salamat sa pagpapatawad mga anak." Sambit pa nito.

--

"HAPPYYYYY 60TH BIRTHDAAYYY MAMAAAAAA!" Bati namin kay Mama.

"Oh batiin nyo na ang lola nyo at iabot ang iregalo, magmano muna okay?" Nakangiting sambit ko sa dalawa kong anak.

"Opo Mama." Sagot ng mga ito.

Naayos ang kaso. Napagbayad ang may sala. Ngayong may anak na ko mas lalo kong naintindihan si Mama. Walang inang matitiis ang kanyang anak. Handang gawin ng Ina ang lahat para lang sa kanyang mga anak, kahit masama man ito.

Pinanood ko ang mga anak ko kasama si Mama. Lumapit naman sakin si Ate at pinanood ang pinapanood ko.

"Natapos din ang lahat. Lahat talaga may dahilan. Kung tutuusin, napakaswerte natin sa kanya Kaye. Kaya nyang gawin lahat noon para satin. Matagal na ang pangyayaring yon pero hanggang ngayon ay bitbit ko pa din." Nakangiting saad nito.

"Kaya nga Ate. Ngayon may sarili na tayong pamilya. Mas naintindihan natin ang lahat. Ang trahedyang yon ay hindi na mauulit pa. Protektahan natin si Mama gaya ng ginawa nya dati." Nakangiting saad ko din. Lumapit na kami kay Mama at niyakap.

"Happy Birthday Ma." Bati namin ni Ate. Niyakap din nya kami.

Ngayon alam ko na. Mali ang manghusga agad ng tao. Ang nanay ko ay biktima lamang. Naging biktima sya dahil samin. Ngayon ay napakaswerte pala namin dahil kinaya nyang gawin lahat para samin. Kaya ikaw? Swerte ka din sa Nanay mo. Mahalin natin sila gaya ng pagmamahal nila satin.

Walang inang gustong mapahamak ang kanyang anak. Proud ako sa nanay ko.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon