STARS
Gabi na pero nasa bubong pa din ako, gustong gusto kong tambayan 'to lalo pag gabi. Kitang kita kasi ang mga makikinang na bituin at ang maliwanag na buwan. Nakahiga ako sa bubong habang pinagmamasdan ang kalawakan, nagsosoundtrip din ako.
Ninamnam ko ang malamig at preskong hangin na tumatama sa balat ko. Gabi na kasi kaya't wala ng mga tricycle or pampasaherong sasakyan ang dumadaan.
Nag iisip ako kung ba't may gantong kagandang tanawin na ginawa ang Diyos. Isang tanawin na simple pero nakakarelax. Payapa akong nag iisip ng makarinig ako ng yabag ng paa. Nandyan na s'ya.
"Sabi na nga ba andito ka lang 'e." Sabi n'ya sakin. Naramdaman ko namang humiga sya sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang kalawakan.
"Napakaganda, di ba?" Tanong ko pa sa kanya. Lumingon naman s'ya sa'kin saglit bago tumingin ulit sa kalawakan.
"Maganda nga, kasing ganda mo binibini." Sambit pa nito. Napangiti naman ako sa papuri n'ya. Kailan ba ako masasanay?
"Hindi ka pa din talaga nagbabago." Natatawa pang sabi ko. Hindi naman s'ya sumagot.
Pinagpatuloy naman namin ang pagtitig sa kalawakan at parehas nag iisip ng mga bagay bagay.
"Clara? Bumaba kana dito at matulog kana." Narinig kong sambit ni Nanay mula sa loob ng bahay.
I took glance of him, he's still watching the stars.
Umupo ako at nag unat unat ng katawan bago ibaling muli sa kanya ang tingin ko. Nakahiga pa din s'ya at nakatingin sa kalawakan.
"Hindi ka pa ba papasok? Matulog na tayo." Sabi ko pa, tumingin naman s'ya sa'kin at tipid na ngumiti.
Ang ngiti nyang hinding hindi ko pagsasawaan.
"Mauna kana. Goodnight." Sabi pa nito. I immediately nod. Pagkababa ko ay nakatingin sa'kin si Nanay.
"Nakasama mo na naman ba s'ya?" Tanong nito. Tumango naman ako, madalas ako sa bubong at madalas n'ya ding tinatanong 'yan pagkababa ko. Ngumiti lang s'ya ng mapait at pinatulog na 'ko.
Kinaumagahan ay may pinasuot sakin si Nanay na kwintas, makakatulong daw 'yon sa'kin.
Gabi na naman at syempre nasa bubong na naman ako. Inantay ko s'ya, pero hindi s'ya dumating. Napatingin naman ako sa kwintas na binigay ni Nanay, parang may iba. Hinubad ko ito at pinatong ko sa gilid ko. Napalingon naman ako sa gilid at nakita ko ulit s'ya, nakangiti s'ya sakin habang nakaupo.
"Sasamahan mo ulit ako dito, Kuya?" Maligayang tanong ko dito. Pero nakangiti lang s'ya.
"Hindi na bunso. Huling punta na dito ni kuya kasi pupunta na s'ya doon." Sambit nito sabay turo sa kalawakan. Napatingin naman ako sa kalawakan bago tumingin ulit sa kanya.
Naluluha akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Kuyaa hindiiii!" Umiiyak na sambit ko. Humiwalay naman si kuya sa pagkakayakap sakin bago ako hinawakan sa balikat at tiningnan ang mga mata ko.
"Aren't you happy?" He asked. Umiling lang ako, ayokong maiwan uli.
"Bunso, hanggang ngayon nalang ako dito e. Walang akong magagawa, sapat na yung nasamahan kita dito ng ilang araw. Mamimiss kita bunso. At ito?" Sambit ni kuya at kinuha n'ya sa gilid ko ang kwintas na binigay ni Nanay. "Isuot mo 'to lagi, poprotektahan ka nito. Tsaka diba gusto mo ng magsarado third eye mo kasi natatakot ka sa mga nakikita mo? Makakatulong 'to bunsoo." Umiling ako ng umiling.
No, I don't want to wear that again!
"Okay lang sakin makakita ng nakakatakot Kuya, basta nakikita din kita." Sambit ko pa pero umiling lang si kuya.
Bakit hindi pwede? I can sacrifice everything! I don't care kung sabihan ako ng baliw ng makakakita sakin dahil may kinakausap akong hindi nakikita ng ordinaryong tao. Ayos lang sakin 'yon, as long as nakikita ko si Kuya. Ang Kuya ko...
"Love mo si Kuya diba? Pag namimiss mo ko tingnan mo lang ako sa kalawakan, isa na kong bituin na magbabantay sayo. Ipangako mo saking isusuot mo to at hindi mo tatanggalin, okayy?" Pangungumbinsi pa sakin ni kuya, tumango na lamang ako. If this is his last wish, I'll follow him, then. "Mahal na mahal ka ni kuyaa, bunsoo." Sambit pa nito bago ako halikan sa noo at isuot sakin ang kwintas, at ang unti-unting paglalaho nya.
Nakita kong pumatak ang luha ni kuya bago tuluyang naglaho.
Naninikip ang dibdib ko. Kung dati ay sumpa kong maituturing ang pagkakaron ng third eye, ngayon ay tinuturi ko na itong blessing. Pero bakit kung kelan gusto kong manatili sakin ang biyayang ito, tsaka naman iyon pipigilan? Bakit ngayon pa?
"Mahal din kita Kuya." Huling sambit ko. Tumingin ako sa mga stars at malamang ay nandon na s'ya.
Pagkatapos ng nangyaring 'yon ay gabi gabi na kong nasa bubong, umaasang darating s'ya at paulit ulit din akong nabigo. Pero sa tuwing tumitingin ako sa stars, naaalala ko s'ya. Naaalala ko ang kuya ko, ang kuya kong maagang namayapa. Marahil ay masaya na s'ya ngayon.
"Makikita din kita ulit kuya." Sambit ko habang pinagmamasdan ang kalangitan. Naramdaman kong pumatak ang luha ko kaya pumikit na lamang ako at inisip ang mga panahong kasama ko pa s'ya.
"Sometimes we need to accept the fact not only because we can't do anything but because acceptance can make you a better person." I whispered. I looked at my necklace. I need this, it'll help me to become a normal person.
WAKAS.