THAT SHOULD BE ME
"Hon? Maganda ba?" Tanong ko sa jowa ko. Agad naman n'yang pinasadahan ng tingin ang suot kong dress.
"Ugh, you look so wonderful." Mapanuring saad n'ya pa.
2years na kaming magjowa at wala akong naging problema sa kanya. Sa loob ng 2years ngayon ko lang sya ipapakilala sa pamilya ko. Inintay akong makagraduate ni John bago namin napagdesisyunan na mag legal na both sides.
"Kinakabahan ka'ba hon? Wag kang mag alala hindi sila nangangain HAHAHAHAH." Biro ko pa. Agad n'ya kong hinawakan sa kamay at kasunod ang pagdampi ng labi n'ya sa pisngi ko.
--
"Mamaaaaaa, ateeeee andito na po kami." Pagtawag pansin ko. Agad namang lumabas si Mama. Nag mano kami bago n'ya kami pinatuloy.
"Mama, si John po. S'ya po yung kinuwento ko sa'yo nung isang araw." Masayang pag uumpisa ko. Agad namang ngumiti si mama.
"Napakagwapong bata." Saad pa nito na naging dahilan ng pagtawa namin. Kwentuhan dito, kulitan doon. Masaya ako kasi tanggap s'ya agad ni mama.
"Titaaaaaaaaa!" Nagpatigil samin ang sigaw ng isang paslit na masayang tumatakbo patungo saming direksyon. Si Ana, ang pamangkin ko. Anak ni ate.
"Oh Ana. Pakiss si titaaaa. Nasan pala si mama mo?" Tanong ko dito. Hinalikan nya ko sa pisngi bago sumagot.
"May pupuntahan lang daw po, Tita." Saad nito. Agad naman 'tong kinarga ni John at nilaro laro. Nakakapagtaka lamang dahil hindi naman ito mahilig sa bata. Pero sa nakikita ko parang manghang mangha sya sa kinikilos ni Ana. Pero pinagsawalang bahala ko 'yon.
"Ma? Galit parin po ba si Tatay sakin?" Malungkot kong tanong kay Mama habang nakila John at Ana pa din ang aking paningin. Napangiti lang ako, may pagkakahawig sila.
"Huhupas din 'yon iha." Sagot nito.
Hindi ako pinayagan mag jowa ni Tatay dahil sa nangyare kay Ate. Tatlong taon ng biyuda si Ate. Ni minsan hindi sya nag open kung nasan ang tatay ni Ana, hindi namin s'ya pinilit dahil alam naming masakit 'yun para sa kanya.
Lumipas ang ilang oras at hindi pa din nabalik si Ate. Nagpasya ng umuwi si John dahil madami pa s'yang kailangang tapusin.
"Babyeeee little girllll." Pagpapaalam pa nito kay Ana sabay halik sa pisngi nito. Napangiti naman ako.
"Babye po tito." Pagpapaalam din nito.
Nagmano naman s'ya kay Mama at nagpaalam na din.
Lumipas ang ilang buwan pinakilala na din ako ni John sa side nya. Tanggap ako ng lahat, wala kaming naging problema sa pamilya namin.
-January 28, 2019-
Pagdilat ng mga mata ko ay kasabay ng luhang sunod sunod na pumapatak. Ang panghihina saking katawan ay ramdam na ramdam ko. Pinilit ko paring bumangon at naligo.
Ngayong araw ikakasal ang Ate ko, sa wakas nahanap na din nya 'yung para sa kanya. Dapat maging masaya ako.
Sa simbahan, madaming bisita. Sa bawat mata na pinupukol nila saken, puro awa lamang ang nakikita ko, ngunit isinantabi ko lamang iyon. Nakipagkwentuhan din muna ako bago mag umpisa ang misa. Ngiti doon, tawa dito.
Mag uumpisa na ang misa. Nagsitahimik ang lahat tanging kanta lamang ang maririnig. Maya maya ay bumukas ang pinto. Nakita ko kung pa'no maglakad si Ate sa gitna. Kita ko ang halo halong emosyon na nararamdaman nya. Masaya ako para sa kanya. Nang marating n'ya ang destinasyon ay nahagip ng mata ko ang lalaking minahal ko. Si John, katulad ni ate halo halong emosyon ang nasa mata n'ya pero mas nangingibabaw ang saya.
Sa pag uumpisa ng serimonya ay bumalik ang alaala namin ni John. Kung pa'no kami nagkakilala, kung pa'no n'ya ko suyuin. Pumasok din sa isip ko ang Good at worst memories namin. Nakangiti ako habang patuloy ang serimonya, ayokong maging malungkot. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang masayang imahe ng dalawang taong nagmamahalan.
Bago pa matapos ang misa ay lumabas na ako ng simbahan. Hindi ko kaya. Ang lalaking minahal ko ang tatay ni Ana. Nalaman namin na naaksidente si John. Nagkaron sila ng di pagkakaintindihan ni ate, naaksidente sya pagkatapos nun. Hindi alam ni ate na naaksidente si John, akala nya tinaboy na s'ya nito at iniwan kaya mag isa n'yang itinaguyod si Ana.
Ilang buwan matapos n'ya kong ipakilala sa kanila ay tila nagbago ang lahat. Bumalik ang alaala ni John at inamin n'ya lahat sakin. Kahit masakit ipinaubaya ko s'ya kay Ate. Tinulungan ko pa nga s'yang mapalapit ulit kay ate e. Nalaman na din ng pamilya namin ang totoong nangyare. Awang awa sila sakin kaya ipinakita kong malakas ako kahit gusto ko ng sumuko. Pero para sa kanila, lalaban ako. Susuportahan ko sila.
Tiningnan ko ang hawak kong passport papuntang Dubai, upang doon na manirahan at mag umpisa ng bagong buhay. Mula sa kinakatayuan ko rinig na rinig ko ang bell ng simbahan na nagpapahiwatig na sila'y mag asawa na.
Kasabay ng paghakbang ng paa ko palayo ay ang luhang hindi ko kayang pigilan. Hindi ko maiwasang maisip, dapat ako 'yun e. Dapat ako yung kasama n'ya sa altar. That should be me! Pero ayokong maging makasarili, hindi pwede.
'Sa pagbalik ko, tanggap ko na ang lahat. Best wishes for you John and for My Ate. Iloveyou for the last time.'
WAKAS.