CREATION
Filipino Subject namin ngayon at kakarating lang ng Teacher namin.
"Magandang umaga sa inyong lahat." Paunang bati ni Mam.
"Magandang umaga din po Mam Kyla." Bati naman namin. Pinaupo na naman nya kami.
"Mayron tayong gagawin ngayon. Ang pamagat nito ay "Ang pinagmulan ng lahat." Ito ay tungkol sa universe. Ito ay sariling opinyon nyo lamang, mag gawa kayo ng isang kwento kung ano sa tingin nyo ang pinagmulan ng universe. At pagkatapos ay isa isa nyong babasahin sa unahan." Sambit ni Mam.
Agad namang nagbulungan ang mga kaklase ko kesyo wala daw kwenta.
Nag gawa na ako ng kwento at makalipas ang ilang minuto ay sinabi ni Mam na sya nalang daw ang pipili ng magbabasa.
Nagtawag na si Mam ng mga kaklase ko at puro kalokohan ang kanyang pinagsusulat kaya't napuno ng tawanan ang silid aralan.
"Ginoong Renzo. Basahin mo ang iyong gawa sa unahan." Sambit ni Mam. Agad na nagtahimikan ang aming mga kaklase at nakahanda ng makinig.
Si Renzo ay kilala namin bilang isang manunulat kaya naman umaasa kaming maganda ang kanyang ikukwento.
Nang makapunta sya sa unahan ay tumingin muna sya saming lahat bago sinimulang basahin ang kanyang ginawa.
"Sa kalawakan ay walang kahit ano maliban sa kaharian ng Hillion na pinamumunuan nina Reyna Freya at ni Haring Fatii. Mahigit isang daang taon na silang mag-asawa ngunit sila'y hindi pa nagkakaron ng mga supling.
Si Freya ay maganda, makinis, mabait at matulungin sa kanyang mga nasasakupan. Samantala si Fatii naman ay maalaga, maintindihin at maasahan ng kanyang mga nasasakupan. Busilak ang puso ng mag asawa ngunit labis nilang pinagtataka ang hindi pagbibigay ng kataas-taasan sa kanila ng anak.
Gabi gabi ay hindi mabilang ang luhang pumapatak sa mata ng Reyna dulot ng kawalan ng pag-asang magkaron pa ng anak. Gabi gabi din itong nagdadasal sa kataas-taasan, nagbabakasaling mabiyayaan ngunit walang kahit anong dumadating.
Isang gabi ay naabutan ni Haring Fatii si Freya na magpapatiwakal gamit ang kumot na ibibigay nila sa kanilang magiging anak. Agad tumakbo ang Hari sa patungo sa kanya at sya'y niyakap ng mahigpit. Hinalikan ng hari ang kanyang reyna at pinangakong gagawa ng paraan upang sila'y biyayaan ng anak. Sa kwartong 'yon ay tanging hikbi ni Freya ang maririnig.
Kinaumagahan ay nagpaalam ang Hari upang maglakbay papunta sa mga Dyosang makakatulong sa kanila. Bago umalis ay hinalikan ng Hari si Freya at pinangakong uuwi ito na may dalang magandang balita, sumilay naman ang magandang ngiti mula sa labi ni Freya. At naglakbay na nga ang Hari.
Lumipas ang sampung taon bago narating ni Haring Fatii ang tahanan ng mga Dyosa. Agad itong nagbigay galang bago tawagin ang pangalan ng mga Dyosa. 'Hytians. Crishanna. Cyrite.' Paulit ulit na sambit ng Hari. Makalipas ang ilang minuto ay may kung anong tunog ang kanyang narinig at sa pagdilat ng kanyang mata ay nakita nya ang tatlong babae.
Agad itong yumuko at sinabi ang kanyang pakay. Sinabi nya sa mga Dyosa na sya'y naglakbay ng sampung taon upang humiling na magkaron ng anak, at sa kanyang kaharian ay nandon ang asawa nyang naghihintay at umaasang magkaron ng magandang balita.
Dahil alam ng mga Dyosa na busilak ang puso ng mag asawa ay pinagbigyan nito ang kahilingan ni Haring Fatii. 'Humayo ka at ipabahagi sa iyong kaharian ang magandang balita. Ang iyong asawa ay magbubuntis at magluluwal ng siyam na supling.' Sambit ng isang Dyosa.
Nagpasalamat naman ang si Haring Fatii at muling naglakbay patungo sa kanyang kaharian. Nang sya'y makauwi ay isang matamis na ngiti ay sumalubong sa kanya mula kay Freya. Walang paglagyan ang saya ng Hari ng ikwento nya sa Reyna ang sinabi ng mga Dyosa.
Kinagabihan ay nagdiwang ang buong kaharian at nag ritwal bilang pasasalamat sa gantimpalang kanilang natanggap.
Lumipas ang maraming taon ay nagbunga na ang kanilang pagsasama. Nagkaron sila ng siyam na mga anak na pinangalanan nilang Mercury, Venus, Earth, Mercury, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune at si Pluto. Naging masaya naman ang kanilang pamilya.
Sa paglipas ng panahon ay napansin ng mag-asawa ang panghihina at pagkatamlay ni Pluto, ang bunso sa magkakapatid. Naging masakitin ito at naging iwas sa mga tao, at hindi din nagtagal ay namatay si Pluto.
Nang mawala si Pluto ay gabi gabi na namang umiiyak ang Reyna dala ng pangungulila sa nawalang anak.
Nagdasal ang Reyna sa mga Dyosang nagbigay sa kanya ng mga supling at hiniling nito na wag na sanang mawala ang walo pa nitong anak.
Sa di inaasahang pagkakataon ay nakuha ni Earth ang sakit ng kapatid nyang si Pluto. Gaya ni Pluto ay nanghihina rin ito at tumatamlay. Si Earth ang pinakamabait sa lahat, kaya lubhang nag alala ang mag asawa at kanyang mga kapatid.
Nag sagawa ng ritwal ang kaharian upang tawagin ang mga Dyosa upang hilingin ang pag galing ni Earth.
Dumating naman ang mga Dyosa. Sinabi ni Freya na wag ng bawiin sa kanya si Earth dahil hindi na nya kakayanin. Umiyak ang si Freya habang nakikiusap na pagalingin ang kanyang anak. Lumapit sa kanya ni Hytians at pinunasan ang kanyang mga luha sa mata. 'Ang iyong luha ay magiging palamuti sa langit, magiging simbolo ito ng pagmamahal mo sa iyong mga anak. Ang sinumang malungkot o may dinaramdam ay maaaring tumingin sa langit upang makita ang palamuti sa langit na magpapagaan ng kanilang kalooban. Ito ay tatawaging bituin, lalabas lamang ito sa dilim na sumisimbolo na kahit gano kadilim ang iyong buhay, may mga bagay pa din na makakapagpaliwanag nito.' Sambit pa ni Hytians.
Humakbang din papalapit ni Crishanna at sinabi 'Si Earth ay bibiyayaan namin ng mga tao, halaman, hayop o kahit ano pa mang may buhay na mag aalaga sa kanya.' Natuwa ang Reyna ng marinig ito.
Hindi nagtagal ay nagkaron nga si Earth ng mga tao, halaman at hayop. Sobrang saya ni Earth ng maramdaman nya ang pag aalaga sa kanya ng mga tao.
Sa kabilang banda ay naiinggit ang mga kapatid nito dahil si Earth lamang ang may mga nilalang na mag aalaga dito.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay nag iba ang mga tao. Naging mapusok sila ay hindi naalagaan si Earth. Kinalbo nila ang mga bundok, sinisira nila ang karagatan at nag gagawa ng mga basura na nakakalason kay Earth.
Nanghihina na si Earth kaya't hindi na sya nakakapagbigay sa mga tao ng isda, sariwang hangin at kung ano pang kailangan ng mga tao. Lalong nagalit ang mga tao at lalong sinira si Earth.
Konting panahon na lamang ay bibigay na si Earth, ay malapit ng mamatay." Kwento ni Renzo. Tumingin ito sa buong klase na ngayo'y tahimik na.
"Sana'y wag na nating hintayin na mamatay ang sarili nating mundo. Iligtas natin si Earth na syang nagbibigay ng ating pangangailangan. Iappreciate natin lahat ng ginawa nya para satin. Siguro sa ngayon ay labis ang sakit na nararamdaman ng kanyang inang si Freya sa ginagawa natin sa kanyang anak." Sambit pa nito at umupo na.
Napatulala naman ako sa isang tabi at ngayon ay naintindihan ko na lahat. Nasa reyalidad kami kung saan unti unti ng nasisira ang aming tahanan at mundo. Patawad Earth.
WAKAS.