LOVING HER
Patuloy akong naglalakad papunta sa silid-aklatan. Nais kong magbasa upang mapawi ang sakit na nararamdaman. Nang makarating ako ay agad akong naghanap ng babasahin at umupo sa pinakadulong parte ng silid-aklatan. Kakaunti lang ang taong naririto.
"Hi! Can I seat here? If you won't mind." Ani ng babaeng may katamtamang taas, perpektong muka at mala-porselanang balat. Napatingin naman ako sa paligid, meron pa namang mga vacant seat.
Tiningnan ko naman 'to ng nagtataka. Agad naman syang pumikit ng mariin bago nagsalita.
"Ah eh! Ayoko kasing mag-isa. Sige na, please? Hindi ako mag-iingay!" Ani pa nito. Tumango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Pwede kong matanong ang pangalan mo?" Tanong nito. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Jericho." Tipid na saad ko. Tumango naman s'ya. "Sabihin mo, mantitrip ka din ba kagaya nila kaya ka tumabi sa'kin?" Seryosong tanong ko. Bumakas sa muka n'ya ang gulat.
"What?! I'm not immature to do that!" Taas kilay nitong saad.
"Then why are you approaching me? Do you need something?" Napairap naman s'ya sa kawalan.
"Why are you like that? I'm just wanna be your friend." Tanong nito. Inayos ko naman ang mga gamit ko at tumayo.
"I don't want to be your friend." Huling saad ko bago umalis.
"Sungit." Narinig kong bulong n'ya.
Seriously, I don't want to be friend with anyone---not again. Paglabas ko ng library ay sumalubong ang tingin sa'kin ng karamihan. Tingin na mapanghusga.
"Kahit kelan talaga ang baduy n'ya."
"Pano s'ya sasagutin ni Maica kung ganyan s'ya di'ba."
"HAHAHAHAHA si Maica ay isang leader ng cheering squad kaya't hindi 'yon papatol sa bookworn 'no!"
"Usap-usapan nga sa buong campus na binusted s'ya ni Maica 'e."
Rinig kong usap-usapan ng mga tao sa paligid. Kelan pa ba ko masasanay? Lagi naman silang ganyan. Nakakababa ng sarili.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Maica mula sa malayo, s'ya ang babaeng iniibig ko. Siguro nga masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko na magugustuhan din n'ya ko. Sino ba namang magkakagusto sa'kin? Isa lang naman akong dakilang bookworm at walang inintindi kundi ang mag-aral. Hindi s'ya nababagay sa'kin, dahil ang dapat sa kanya ay yung lalaking sikat sa campus, gwapo, basketball player at mayaman---unlike me.
"Jericho!" Habol ng babae kanina sa library. Hindi ko s'ya nilingon. Wala akong panahon sa kalokohan n'ya. "Haist! Jericho!!" Bulyaw n'ya sabay hila sa braso ko. Badtrip naman akong napatingin sa kanya, pansin ko din ang pagbubulungan ng mga tao.
"What?" Tanong ko na hindi n'ya pinansin. Nakatuon lang s'ya sa mga taong nakatingin sa'min. Hindi pa nga tapos yung isang issue sa'kin, may panibago na naman.
"Oh baket?! May problema ba sa'min ng boyfriend ko?!" Pagsusungit n'ya, agad namang umalis ang mga nakikichismis.
"What did you say?!" Iritang tanong ko. Napasimangot naman 'to. Nilahad n'ya ang kamay n'ya.
"I'm Cassandra Cisneros. 18 years old form Cavite." Inirapan ko naman 'to. "Alam mo, konti nalang ay iisipin kong bakla ka!" Bulyaw n'ya.
"Shut up. Pwede bang wag kang sumigaw? Ansakit sa tenga 'e!" Bulyaw ko din. "Tsaka sunod ka ng sunod! Stalker ba kita ha?!" Iritang tugon ko.
"Hoy Mr. Jerciho Hernandez, 19 years old na nakatira sa Silang, Cavite. Hindi ako stalker!" Sigaw din n'ya.
"Di halata." Sambit ko bago umalis.
Nagdaan pa ang mga araw ay lalong naging makulit si Cassandra kaya't unti unti ko din syang naging kaibigan at di nagtagal ay nahulog ako sa kanya pero ayokong aminin dahil alam kong tatanggihan n'ya lang ako.
"Jericho," Tawag nito sa'kin. Napatingin naman ako sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa rooftop. "G-gusto kita." Nauutal na sambit n'ya.
Bumilis ang tibok ng puso ko, andaming tanong na pumapasok sa utak ko.
"Kailan pa?" Seryosong tanong ko. Ayokong umasa agad, baka katulad din s'ya ng ibang babae---ni Maica.
"Matagal na, nung kinausap kita no'n sa library, gusto na kita." Mahinang sambit n'ya.
Tumayo ako, ayoko ng gantong pakiramdam. "Wag mo kong lokohin, walang kagusto gusto sa tulad ko. Baduy akong manamit, mahilig ako sa aklat, hindi ako nagbabasketball at---" Naputol ang pagsasalita ko ng halikan n'ya ko. Na estatwa ako. Hindi ko alam ang gagawin.
"Eh ano? Kung baduy ka manamit, mas gusto ko 'yang ganyang porma kesa sa mga lalaking nagastos ng libo libong pera para sa iisang piraso lamang ng damit." Sambit n'ya ng humiwalay s'ya sa halik. Akma akong magsasalita ng halikan na naman n'ya ako. "Ano naman kung mahilig ka sa aklat? Mas gusto ko 'yon kesa sa lalaking bote at alak ang hawak." Dugtong n'ya.
Hinaplos n'ya ang mga pisngi ko at tinitigan sa mata. Napakaganda ng mata n'ya at ang inosente n'yang muka. "Ano naman kung di ka nagbabasketball? Mas gusto ko din yung lalaking nagawa ng poems and stories." Mahinang sambit n'ya. "Nainlove ako sa'yo kasi kakaiba ka sa lahat, kaya't pwede ba? Wag na wag mong kukwestuyin ang pagmamahal ko sa'yo. Minahal kita dahil dyan mismo sa sinasabe mong imperfections mo! Minahal kita bilang ikaw. Minahal kita---" Hinalikan ko na s'ya. Shit!
Napangiti nalang kami ni Cassandra habang kinukwento sa mga bata ang buhay namin noon.
"Lolo, ang sweet nyo po pala hihi." Hagikgik ni Miriam---apo namin sa panganay naming anak.
"Ako, pag laki ko hahalikan ko din yung babaeng gusto ko." Sambit naman ni Cole, apo din namin.
"Kayo talagang mga bata kayo, lakad na. Hinahanap na kayo ng mga mama n'yo. Magpapahinga na muna kami ni Lolo n'yo." Sambit ni Cassandra. Humalik naman samin ang mga bata bago umalis.
Tumingin naman s'ya sa'kin at ngumiti. Matanda na kami at nagkaron na ng mga anak at mga apo. Sapat na sapat na sa pangarap na dati kong pinapangarap.
"Salamat, mahal. Kung mabubuhay man uli ako sa ibang panahon, ikaw pa din ang pipiliin ko. Mahal na mahal kita." Napangiti naman ako sa naiusal n'ya.
"Salamat din, pinaranas mo sa'kin ang pag-ibig na hindi naghahangad ng kahit ano. Pag-ibig na hindi bumabase sa nakikita at pag-ibig na nananatili hanggang dulo. Mahal din kita." Sambit ko at hinalikan s'ya sa noo. Sabay naming pinanood ang mga stars na tanaw sa bintana ng kwarto namin.
Loving her is the best decision I made.
WAKAS.