PANAGINIP
Gaya ng nakagawian namin ni Eiryxine ay nakain kami sa labas pagkatapos magsimba.
Pagkatapos magsimba ay pumunta na kami sa paborito naming kainan. Ako na ang umorder para sa kanya. Nang pabalik na ko sa upuan namin ay tumambad sakin ang ngiti nyang nakapakaamo. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya.
Matapos namin kumain ay gumala-gala kami. Sinamahan ko na din syang bumili ng mga make-up na gusto nya. Nang matapos kami don ay pumunta na kami sa park upang manood ng fireworks. Kinakabahan ako sa gagawin ko.
Inalalayan ko syang maupo at kasabay nun ay ang pagputok ng fireworks sa taas. Napakaganda. Nang matapos 'to ay ipinunta ko sya sa gitna at lumuhod sa kanyang harapan. Bakas sa kanyang muka ang pagkagulat at pagkatuwa. Hanggang sa ilabas ko ang maliit na box na pinaglalagyan ng singsing. Unti unting pumatak ang luha nya sa mata.
"Maaari bang ikaw na ang makasama ko hanggang dulo? Kasama kong gumawa ng mga bata. Maaari bang samahan mo kong tupadin ang mga pangarap ko sa buhay? Maaari ba kitang pakasalan?" Tanong ko sa kanya na ngayo'y umiiyak na. Dahan dahan syang tumango.
Agad sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi at hinalkan sya bago isuot ang singsing.
Matapos ang pangyayaring 'yon ay agad nagpalakpalakan ang mga tao sa paligid namin. Walang paglagyan ang sayang nararamdaman namin ngayon. Inaya ko syang mag lakad lakad at pag usapan ang plano namin sa buhay ng magkasama.
Naglalakad na kami ng biglang humigpit ang hawak nya sa braso ko at ng tingnan ko sya ay nadugo na ang kanyang bibig. Agad ko syang inalalayan at tinanong kung anong nangyare ngunit wala akong nakuhang sagot. Agad ko syang niyakap at dun ko napansin ang dugo sa kanyang dibdib, tama ng bala. Umiyak lamang ako habang natataranta, hindi ko alam ang gagawin.
Nang matauhan ako ay sumigaw ako ng sumigaw upang makahingi ng tulong ngunit matagal bago siya narescue dahil sa hating gabi na din.
Habang sinasakay sya sa ambulansya at tinatawag ko ng paulit ulit ang pangalan.
Naalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko, pagdilat ng mata ko ay muka ng kakambal kong babae na si Yries ang tumambad sakin.
"Nananaginip ka Akiro. Halika na't baka abutin tayo ng takip silim." Bumangon ako at umupo sa sinabi nyang yon at napagtanto kong nasa sementeryo pala kami. Napatingin ako sa lapidang nasa tabi ko.
'Eiryxine Gonzales'
Pangalan nya. Napatawa ako ng mapait.
"Susunod ako sa kotse Yries. Kakausapin ko lang sya at magpapaalam na din." Sabi ko kay Yries. Tumango naman sya at nauna ng maglakad papuntang kotse.
Tumingin ako sa lapida nya. At hinimas himaa ang kanyang pangalan.
"Hanggang ngayon ay binabangungot pa din ako sa pagkamatay mo. Miss na miss na kita Eiryxine. Dapat inuwi na kita noon at hindi na iginala pa. Ikakasal na sana tayo oh, kaso iniwan mo agad ako. Wag kang mag alala, pinapatakbo ko na ang kaso mo. Mabibigyang hustisya din ang pagkawala mo." Sambit ko pa. Nagsunod sunod ang patak ng luha ko na agad kong pinunasan at tumayo na.
"Dadalawin ulit kita bukas. Sana ay makita ko ulit ang iyong ngiti kahit sa panaginip. Mahal na mahal kita." Huling sambit ko bago ako unti unting naglalakad palayo sa kanya.
At patuloy kong sinisisi ang aking sarili dahil sa pagkamatay nya. Kung hindi ko sya inayang maglakad lakad ay hindi sya matatamaan ng ligaw na bala.
Huminga ako ng malalim at sumakay na sa kotse papauwi. Pumikit ako at inalala ang mga alaala namin ng babaeng mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita.
WAKAS.