15

5 0 0
                                    

NINA


Sinusuklayan ko ang babae kong anak ng mapansin kong hindi 'to mapakali. Medyo malaki na 'to, 11 years old na.

"Nina, may problema ba?" Tanong ko. Tumingin naman 'to sa'kin---maluha-luhang mga mata.

"Mommy, kakayanin mo po ba pag nawala sa'tin si Daddy?" Nagulat ako sa tanong n'ya. Umupo ako katapat n'ya at hinaplos s'ya sa pisngi.

"Anak, pa'no mo nasabi 'yan?" Napayuko naman s'ya. Umiling nalang 'to.

Hindi na s'ya muli pang tinanong do'n. Sa twing umuuwi dito si Harold---ama n'ya ay lagi n'ya akong inaasar dito. Ngunit hindi makakapaglihim si Nina sa'kin, halata ko sa mata n'ya na nasasaktan s'ya.

"Nina, may problema ba?" Tanong ko dito. Hindi naman 'to mapakali.

"Mommy, ayaw po kitang masaktan," Paunang sambit n'ya. Taka naman akong tumingin sa kanya. "Ayaw ko pong umiyak ka gabi gabi para isipin kung ano ang mali sa'yo, dahil para sa'kin ay ikaw na po ang pinakadabest at perpekto para sa'kin." Napangiti naman ako sa kanya. "Pero Mommy, kahit anong lihim po ang gawin ko, hindi ko kayang itago pa." Umiiyak ng sambit n'ya.

"Shh, ano ba 'yon?" Tanong ko pa dito.

"Nakita ko pong may babae si D-daddy," Humihikbing sagot n'ya. "Tinago ko po kasi ayakong masaktan ka, kahit ako nalang po." Mas lalo s'yang humikbi. Yumakap 'to sa'kin.

"Anak, alam ko na. Ikaw ang ayokong masaktan. Ayokong magbago ang tingin mo sa Daddy mo, kaya't nilihim ko. Pasesnya na." Pumatak ang luha mula sa mata ko, ba't pati ang anak ko'y nasasaktan? Sana ay ako nalang.

Lumipas ang ilang taon ay mas naging close kami ni Nina hanggang dumating sa puntong umamin na s'ya sa'kin.

"Mommy," Tawag n'ya. Lumapit naman ako sa kanya at pinagmasdan s'ya, nginitian ko s'ya. Malaki na ang anak ko, kakatapos lang n'ya mag debut nung isang buwan.

"Bakit?" Tanong ko. Takot n'yang inabot sa'kin ang puting kahon. Nang buksan ko to'y napaluha na lamang ako ng wala sa oras. Tumungo ako sa kanya at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Mommy, di'ba dapat magalit ka sa'kin?" Umiiyak na din n'yang tanong.

"Pa'no ko magagawang magalit kung hindi ko pa alam ang buong kwento?" Tanong ko. Humiwalay ako sa kanya at tumingin. "Ikwento mo sa'kin, Nina." Sambit ko.

"Natukso po ako, Mommy. Ngayon ko lang din po nalaman na may asawa na pala s'ya. Mommy, nakasira ako ng pamilya." Humihikbing sagot n'ya. "Akala ko ay binata s'ya. Mommy, hindi ko alam kung pa'no ko kakayanin ang mag-isa, kung pa'no ko s'ya papalakihin ng walang ama. Ayokong magaya s'ya sa'kin na may ibang pamilya ang ama." Umiiyak na dugtong n'ya. Inalo ko na lamang s'ya.

Nang mahimasmasan s'ya ay hinawakan ko ang kanyang kamay. "Anak, alam mo bang ang pangalan ng lola mo ay Jenina Rosales?" Tanong ko. Napatigil naman s'ya sa pag iyak at tumango.

"Opo, ano pong meron?" Tanong n'ya. Ngumiti lamang ako.

"Alam mo bang wala din akong ama? Hindi ko nakilala ang ama ko. Ang sabi ni Mama ay humanap daw 'to ng iba at iniwan kami. Huli na ng malaman n'yang pinagbubuntis n'ya ko, pinangalanan n'ya akong Shenina, hawig sa pangalan n'ya. Parehas 'tong may 'Nina' hindi ba?" Sambit ko pa.

"Opo. Tapos ang pangalan ko ay Nina Louise, ba't po gano'n?" Tanong pa nito. Pinalapit ko s'ya sa'kin at hinalikan sa noo.

"Ang sabi ni Mama ay pinangalan n'ya ako sa paraan na kahawig ng pangalan n'ya upang makuha ko ang katapangan n'ya. Yung tipong kinaya n'ya akong buhayin sa paraan n'ya, kahit mag isa s'ya. Gusto n'yang lumaban ako kagaya n'ya, hindi naman s'ya nabigo dahil nakaya kong itaguyod ka mag isa. Kagaya ng kapalaran n'ya ay gano'n din ang kinalabasan ko. Pinangalanan kita no'n para kahawig din sa'kin kasi gusto ko din na malakas ka pero di ko inaasahan na matutulad ka sa kapalarin namin ng Lola mo. Pasensya na." Yumakap pa ko sa kanya. Napahagulgol nalang s'ya.

Lumipas ang ilang buwan ay nakapanganak na si Nina. Dinalaw ko 'to sa hospital.

Tulog pa si Nina sa kwarto n'ya kaya't sa baby n'ya muna ako tumungo. Nagpatulong ako sa nurse upang malaman kung sa'n 'to makikita.

"Ayan po ang baby n'ya, Ma'am." Sambit ng nurse at nagpaalam na. Sinulyapan ko ang anak n'ya. Napakagwapong bata. Napangiti nalang ako sa pangalan nito.

Nang masiguro kong gising na si Nina ay bumalik na ako sa kwarto n'ya.

"Mommy!" Bati n'ya. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan s'ya sa noo. Inutusan n'ya din ang nurse na kung pwedeng makuha muna ang baby n'ya, pumayag naman 'to at agad hinatid sa kwarto n'ya.

"Ang gwapo n'ya, Mommy." Manghang tugon n'ya. Lumingon naman s'ya sa'kin. "Mommy, salamat po." Tugon n'ya.

"Salamat saan?" Tanong ko.

"Dahil pinangalanan mo akong Nina, naging malakas ako kagaya mo. Naging matibay ang katawan ko at mas lumawak ang pag iisip. Hindi ako nagsisisi na sa'yo ako nagmana kahit magkaparehas tayo ng kapalaran. Hindi naman siguro tayo malas sa lalaki dahil pinanganak ko na s'ya," Saad n'ya at pinagmasdan ang baby n'ya. "I named him Ninolas Ace. Sumasagisag sa katapangan ko at sa taong pinagmulan ko. Medyo hawig din s'ya ng pangalan natin dahil gusto ko pong maging malakas din s'ya at matatag---at gusto kong s'ya ang magligtas sa mga babaeng kagaya natin. Gusto kong maiba s'ya sa mga lalaking nagpahirap at nang iwan sa'tin." Sambit nito. Lumapit naman ako sa higaan n'ya at ngumiti.

"Gusto kong maging proud s'ya sa'tin, gusto ko someday mapagmamalaki n'ya ako dahil nagawa ko s'yang alagaan mag-isa. Gusto kong maging matatag din s'ya kagaya mo, Mommy." Naiiyak na sambit n'ya.

"Salamat, Nina." Sambit ko at yumakap sa kanya.

Masaya ako dahil namana ng anak ko ang kalakasan ko. Kahit natulad s'ya sa kapalaran ko'y hindi s'ya sumuko. Wala ng mas sasaya pa sa isang ina na alam na naging matatag at malakas ang kanyang anak.


WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon