12

7 0 0
                                    

MANNEQUIN

"AaAaahhh!! Lumayo kayo sakin please!!" Patuloy ako sa pagtakbo palayo sa mga humahabol sakin. Please God, help me please! Hingal na hingal ako ng tumigil ako para magtago sa isang bakanteng kwarto ng isang abandonadong mansyon.

"Please please please!!" Patuloy ako sa pagdadasal na sana'y hindi na nila ako guluhin pa. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan, wala na akong naririnig na kaluskos o yabag ng mga paa.

"Thank God!" Sambit ko. Napaupo na lamang ako sa sobrang pagod. Habang nagpapahinga ay nag iisip na ako ng plano kung pano makakaalis sa bahay na 'to. Bakit ba naman kasi naisip ko pang mag gala gala, yan tuloy ang napala ko!

"Anong ginagawa mo dito?" Isang tinig ang narinig ko kung saan. Agad naman akong napatayo at nilibot ang tingin sa paligid. Puno ang kwartong 'to ng mga mannequin! Holy cow! Sobrang creepy dito, hindi kaya isa sa mannequin ang nagsalita!? Oh damn! Pagkabilang ko ng tatlo, tatakbo na ko.

"Isaa...dalawa..tat---" Naputol ang pagbibilang ko ng may humawak sa braso ko. Pumikit naman ako ng mariin, hinahabol ang sarili kong hininga. "Oh please God, ilayo nyo po ako sa masasama---" Pagdarasal ko pa.

"Hey! Anong sinasabe mo dyan?" Isang tinig ng lalaki ang nagpamulat sa aking mga mata. Tumambad sakin ang isang lalaki na may katamtamang tangkad at mala kapeng kulay. Ang buhok nito ay sumasayaw dahil sa hangin habang ang mga mata nito ay mapupungay. Ang labi nya'y nakangisi sakin. "Hoy! Natulala kana dyan hahahaha, ang gwapo ko ba?" Tanong nito. Nabalik naman ako sa reyalidad.

"Ahh ehh! May humahabol kasi sakin kanina pero wag mo ng isipin 'yon. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Binitawan na naman nya ang braso ko at lumapit sa mga manequin.

"Ah, lagi akong nandito. Bahay namin 'to dati at 'yang mga mannequin na 'yan, ako mismo ang gumagawa." Saad nya habang pinagmamasdan ang mga 'to. Ginaya ko naman sya, creepy pero napakaganda ng pag kakagawa.

"H-hindi kaba natatakot?" Patuloy pa din ako sa pagmamasid sa mga mannequin.

"Natatakot saan? Sa multo? Hindi na uso 'yon no! Hahahaha." Tumango nalang ako sa sinabi nya. Ang mga mannequin na 'to ay parang totoong tao, sa unang tingin aakalain mo talagang may buhay ang mga 'to.

"Uuwi na ako! Mag gagabi na pala." Pagpapaalam ko. Tumingin naman sya sakin at ngumiti.

"Ihahatid na kita hanggang sa gate. By the way, dalhin mo na 'tong isa oh. Kakagawa ko lang nyan, bibigay ko nalang sayo dahil ngayon ka lang nakapunta dito. Sana bumalik ka uli para may kasama ako." Saad nya bago inabot sakin ang mannequin na kasing tangkad ko. Inabot ko naman 'to, ididisplay ko nalang sa kwarto ko. Nakabalot pa 'to ng dyaryo kaya't hindi ko malaman ang itsura nito.

"Osige ba! Ano palang pangalan mo?" Tanong ko habang buhat buhat ang binigay nya sakin, mabigat 'to kaya't kinuha nya muna uli sakin.

"Ako na muna magbubuhat hanggang sa gate, ako nga pala si Angelo. Ikaw si?" Tanong nya pa. Nilahad ko naman ang kamay ko at agad nya 'tong inabot para makipagkamay.

"Jessa." Maikling tugon ko.

Kakatapos ko lang maligo at ngayo'y sinusuklay ko na ang aking buhok sa harap ng salamin, sa likod ko naman ay ang mannequin na binigay sakin ni Angelo kanina. Tinitigan ko naman ang repleksyon nito sa salamin, ng tumingin sya sakinn!

Sa gulat ko ay agad akong tumayo at lumingon dito! Pero hindi na sya nakatingin sakin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, sinundot sundot ko naman sya ng suklay, kung sakaling gagalaw sya, ngunit agad ko ding tinigil.

Naupo ako sa kama, kaharap ng mannequin. Napailing nalang ako sa sarili ko.

"Nahihibang kana talaga, Jessa! Pano 'yan titingin sayo 'e mannequin lang 'yan. Imahinasyon ko lang siguro." Napailing na lamang ako uli. Tiningnan ko naman 'to uli. Isa 'tong babae, mahaba ang buhok at may masisiglang mga mata at ang mga labi ay nakangiti.

"Hmm mas maganda siguro kung bibihisan kita!" Tamang tama madami akong damit na hindi na ginagamit at alam ko ding kakasya sa kanya 'yon dahil magkasing katawan lang kami.

"Jessa! Kakain na tayo." Narinig kong katok sa labas ng pintuan ko.

"Opo! Pababa na po!" Sigaw ko naman. "Wait lang ha? Kakain lang ako, Jenny. Ay hahahahha tama! Jenny nalang ang pangalan mo." Hagikgik ko pa.

Natapos ang buong gabi at nakatulog naman ako ng mahimbing. Nagising nalang ako sa katok sa pinto kaya't agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok. Tumambad sakin si Cess, kaibigan ko.

"Hii! Goodmorning!" Paunang bati nya.

"Goodmorning!" Pinagbuksan ko naman sya ng pintuan kaya't dire-diretso sya sa kama ko at doon naupo. Dumiretso naman ako sa cr para mag mumog at maghilamos man lang.

"Oh my! Ang creepy naman nito, Jessa. San 'to galing?" Rinig kong tanong nya. Agad ko namang kinuha ang tuwalya at nagpunas ng muka bago lumabas ng banyo. Naabutan ko naman syang hinahaplos ang muka ng mannequin.

"Ah, may nagbigay lang. Ang ganda 'no?" Tumingin naman ako sa salamin at nag ayos na.

"Oo, kamuka mo nga 'e. Parang pinasadya 'to para sayo. Kaso magkaiba lang kayo ng mata, mukang buhay na buhay ang kanya e pero ang sayo mapupungay. Kung magiging totoo lang 'to, para kayong magkakambal." Sambit nya.

"Haynako, dyan kana muna ha? Aayusin ko lang yung pagkain sa baba, malamang wala na sila Aling Cedro kasi maaga namamalengke 'yun. Wait lang ha?" Sambit ko bago lumabas sa kwarto habang sya ay busy pa din sa pagtingin don sa mannequin.

Bumaba na ako at iniwan na sya don. Inayos ko na ang mga lulutuin ko para sa almusal namin ni Cess.

"AaAaaahhh!!!!!!" Napatakbo ako paakyat sa sigaw na narinig ko. Patulak kong binuksan ang pinto, tumambad naman si Cess na nakahiga sa sahig. Agad ko syang nilapitan.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko dito. Umiling na lamang sya, bakas sa muka ang takot nito. "Ano nga? Cess!" Sigaw ko dito.

"A-ah wala. Akala ko k-kase masisira ko s-sya. S-sorry." Sambit nya pa.

"Ano kaba! Tinakot mo naman ako don. Tara na?" Inalalayan ko na syang tumayo at bumaba na kami.

Naging maayos naman ang lahat maliban kay Cess na mukang balisa pa din. Sinusubukan ko naman syang tanungin tungkol kanina pero paulit ulit nya lang na sinasabi na ayos lang sya kaya't hindi ko na ipinilit pa.

Kinagabihan ay pumunta uli ako sa lumang mansyon, nagdala na din ako ng flashlight. Iba't ibang uri ng elemento ang nakikita ko pero ipinagsawalang bahala ko nalang, mas maigi pang magpanggap na hindi ko sila nakikita para di nila ako habulin gaya nung nakaraan. Sila ang mga kaluluwang hindi makaalis sa mansyong 'to.

"Angelo? Nandyan kaba?" Sigaw ko mula sa labas ng pinto, nag bukas naman 'to agad at bumungad ang muka ni Angelo sakin.

Nagkwentuhan lang kami ng ilang saglit pa bago ako umuwi. Halos gabi gabi ay ganon ang ginagawa ko.

"Bakit kaya kamukang kamuka kita?" Kinakausap ko ngayon ang mannequin na binigay ni Angelo sakin. Ilang minuto ko pa 'tong tinitigan bago ko narinig ang malalakas na katok na nanggaling sa pinto ng aking kwarto. Tumayo na ako at pinagbuksan 'to.

"Shit!" Biglang sambit ko ng isang lagapak sa pisngi ko ang bumungad sakin. Ilang minuto pa ako bago nakabawi sa pangyayare kasabay ng pag angat ko ng tingin.

"KASALANAN MO 'TO LAHAT!!!" Sigaw ni Cess sakin habang puno ng luha ang kanyang mata. Napailing nalang ako at umatras, hindi ko maintindihan ang mga pangyayari.

"C-cess ano b-bang---" Naputol ang sasabihin ko ng isang sampal na naman ang iginawad nya sakin.

"SHUP UP BITCHHHHH!!!" Galit na galit at nanggigigil nyang sigaw sakin. Ngunit tila napaltan 'to ng takot, namutla din sya ng mapatingin sa likod ko. Bago pa ako magsalita, nauna na syang tumakbo paalis.

Takang nilingon ko naman ang likod ko. Ang mannequin na ngayon ay nakaharap sakin ang tumambad sakin. Kakaibang takot ang bumalot saking katawan ngunit lumapit pa din ako.

Dahan dahan ko syang binuhat at lumabas na ako papunta kila Angelo. Habang naglalakad sa madilim na daan ay napatingin ako dito, nakatitig sya sakin at nakangiti. Iniwas ko nalang ang aking tingin upang hindi matakot.

Nang marating ko ang mansyon, dumiretso agad ako kung nasan si Angelo. Tumambad ang mga mannequin pagpasok ko palang ng pinto, ibinaba ko muna si Jenny at hinanap muna si Angelo.

"Oh? Bakit napadaan ka? Gabi na a." Rinig kong tinig mula sa likod ko, agad ko naman 'tong nilingon. "Ibabalik mo na sya agad?" Nakatingin sya ngayon kay Jenny na nakatayo malapit sa pinto.

"Parang may kakaiba sa mannequin na 'yan e. May third eye ako pero wala naman akong nakikitang kakaiba pero nararamdaman ko." Paunang sambit ko.

Unti unti naman syang lumapit sakin at seryosong muka na nya ang nasa harap ko.

"Hindi mo ba sya naaalala?" Tanong pa nito. Naguguluhan akong umiling. "Sya si Jenny Jisa, kakambal mo." Malungkot ang kanyang tinig pero seryosong muka pa din.

Gulat akong napaatras sa sinabi nya, paulit ulit akong umiling. "Hindi. W-wala akong kakambal!" Sigaw ko. Bago ko pa dagdagan ay sumakit na ng sobra ulo ko, kasabay ang pagpasok ng munting alaala saking isipan.

"Ate Jessa! Ate Jessa! Bili mo ko nun oh!" Tumatalon talon pa si Jenny habang inuusal ang katagang 'yan. Nasa labas ng simbahan kami ngayon, kakatapos lang ng misa.

"Mamaya na Jenny, antayin na natin sila Mama." Sambit ko sa kakambal ko. Mas matanda ako sa kanya ng ilang minuto.

"Dali na, please?" Pangungulit pa nito. Umiling nalang ako sa kanya para magtigil sya. Saming dalawa, mas isip bata sya sakin kaya't bagay lang talaga na ako ang ate. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid.

"Jenny, alam mo ba yun---" Natigil ako sa pagsasalita ng mapansing wala na akong kasama. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Jenny na naglalakad papunta sa bilihan ng ice cream, ngunit hindi nya yata napansin ang track na mabilis na umaandar. Naalarma ako at tumakbo na papalapit sa kanya. Agad ko syang tinulak ng malakas at hinayaan ko ang sarili kong banggain ng isang track.

"AAAHHHHHH!!!"

"YUNG BATA NASAGASAAN!"

"TULONG TULONGGGG!!!"

Ilan 'yan sa naririnig kong sigaw nila ngunit wala na akong lakas para tingnan pa sila. Unti unting pumungay ang mga mata ko. Lord, ako nalang po. Wag na si Jenny. At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Napaatras ako sa naalala ko. Tiningnan ko si Angelo na seryosong nakatingin sakin.

"Naaalala mo na ba?" Tanong ulit nito.

"Buhay pa sya! Niligtas ko sya, kaya't pano sya magiging mannequin!? Gusto ko syang makita, p-please." Nangilid ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi sya nakaligtas. Nabangga ka at kapalit non ay nawalan ka ng alaala at nabuksan ang third eye mo. S-samantalang sya naman ay n-namatay. Nabagok sya sa lakas ng impact ng pagkakatulak mo, hindi sya nakaligtas." Sambit nya.

"Pero panong hindi ko nakikita ang kaluluwa nya!? Hindi pa sya patay!!" Sigaw ko dito. Lumapit sya sakin at taimtim ang tinitigan sa mata.

"Ayaw nyang magpakita sayo habang hindi pa nabalik ang alaala mo." Sambit nya.

"Sino kaba? Sino ka sa buhay namen!?" Sigaw ko dito.

"Ako si Angelo Bautista. Kagaya mo ay bukas din ang third eye ko. Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo at napansin ko ang babaeng laging nagbabantay sayo, kita ko sa mata nya ang inggit. Isang beses nilapitan ko sya at kinausap, sinabi nya sakin na gusto nya ng katawan at kalaro. Sinabi ko sa kanya na marunong akong gumawa ng mannequin, akala ko hindi sya papayag kasi akala ko buhay na katawan ang gusto nya pero nagulat ako sa biglaan nyang pag sang-ayon." Mahabang salaysay nito. Dahan dahan syang lumapit sa mannequin at hinamas ang muka nito.

Kahit masakit malaman ang lahat ng 'to, sumunod ako sa pwesto nya at pinagmasdan din ang mannequin.

Kung nabuhay ka lang siguro Jenny, edi sana ganito ang muka mo ngayon. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha saking pisngi.

"Nagustuhan ko sya, alam kong mali dahil wala na syang buhay pero hindi ko mapigilan. Gustong gusto nyang magkaron ng kalaro kaya naman gumawa ako ng iba pang mannequin." Saad nya habang nakangiti sa mannequin. "Syempre kumuha din ang ng kaluluwa at pinasok sila sa mannequin. May spell ang mga mannequin na ginagawa ko kung kaya't hindi mo makita ang mga kaluluwa na nasa loob ng mga 'yan." Dugtong nya pa, agad akong nagulat sa sinabi nya.

"Ibig sabihin, buhay ang mga mannequin na 'to?" Tumango lamang sya.

"Alam mo ba kung bakit sya pumayag maging mannequin?" Umiling lamang ako. "Para mahawakan mo sya. Gusto ka nyang maramdaman uli." Sambit nito.

Nangilabot ako ng bumaling ang ulo ng mannequin sakin! Ang kanyang mga ngiti ay nag dagdag ng kakaibang takot saking pagkatao. Unti unti syang humakbang papalapit sakin at ibinuka ang braso, parang gustong magpayakap.

"Ate." Boses nya na parang puno ng sakit at pinaghati. Kahit takot ay niyakap ko sya. Ang kapatid ko ay isa ng mannequin. "Gusto kong maging kalaro si Cess, mapagbibigyan mo ba ko?" Tumindig ang balahibo ko sa bulong nito sakin.

"P-pano ko gagawin 'yon?" Nangangatal na ang aking boses. Naglakad si Angelo patungo sa isang mannequin at sa isang bagay na may taklob na puting tela. Lumapit naman kami ni Jenny sa kanya.

"Kill her." Matigas na sambit ni Angelo. Nang tanggalin nya ang taklob bumungad ang nakagapos na katawan ni Cess. Nagising 'to ng maramdaman ang presensya namin.

Nanayo ang balihabo ko at nanginig ang aking tuhod. Umiling nalang ako at humarap sa mannequin, naging seryoso ang muka nito. Naging nakakatakot ang expression na iginagawad nito sakin.

"Malulungkot ako." Sambit pa nya.

Tiningnan ko si Cess na bakas ang gulat at takot sa nakikita nya.

"WAG PLEASE! MAAWA KA SAKIN JESSA!!" Sigaw nito. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, may nakita naman akong martilyo at kinuha 'yon. "WAG PLEASE!!!!" Kung ano ano pang pagmamakaawa ang sinasabi ni Cess ngunit sarado na ang isip ko.

"Gusto kong makabawi sa kapatid ko, Cess. Sana maintindihan mo." Sambit ako pinukpok sya ng martilyo sa ulo. Naghari ang sigaw ni Cess sa buong kwarto. Habang si Jenny at Angelo naman ay nakangiti akong pinapanood.

"Ihiga mo sya." Utos ko kay Angelo. Kahit nagtataka ay sumunod 'to sa nais ko.

Nang makahiga na 'to ay pinukpok ko ng martilyo ang kanyang paa.

"TAMA NA AAAAAAAAAAA!!!" Tila bingi ako sa pagmamakaawa nya. Dinurog ko ang paa nya at mga kamay. At huling huli ay ulo.

Nang matapos na ang lahat gumawa ng ritwal si Angelo upang mapalipat na sa katawan ng mannequin ang kaluluwa ni Cess.

Simula ng araw na 'yon, lahat ng gustong maging kaibigan ni Jenny ay ginagawa namin ni Angelo'ng mannequin.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon