6

15 1 0
                                    

PRANK

Minsan hindi natin alam ang patutunguhan ng bagay na ginagawa natin. Hindi natin alam kung ano ang magiging epekto ng desisyong pinipili natin.

Patuloy akong nag aabang sa tren habang nagbabaliktanaw sa mga desisyong ginawa ko noon.

"Blaine, tuloy ba tayo mamaya?" Ani ng kaibigan kong si Jaira. Kasama ko sya ngayon sa tapat ng simbahan.

"Uhm, oo 'e. Minsan lang din naman 'to." Sambit ko pa. Kapwa kami naghihintay ng tyempo. Maya maya'y dumating na si Markgel---boyfriend ni Blessie.

"Uy! Andyan kana pala, so tara na?" Pagyayaya ko. Napailing na lamang sya.

Halatang hindi sya sang-ayon dito pero alam kong susunod din sya.

"Sigurado ka'ba? Baka kung sa'n mapunta 'to, kinakabahan ako 'e." Nagdadalawang isip na saad nya. Tumawa naman kami ni Jaira.

"Don't tell me, umaatras kana?!" Natatawang saad ko. Napailing na lamang sya.

Inihanda na namin lahat, mula sa camera hanggang sa script namin.

"So, ganto guys, ha? Kelangan mapaniwala nyo sya. Blaine, alam mo na ha? Wag kang tatawa!" Sambit ni Jaira na nagsisilbing director namin.

"Yes! Si Markgel ang sitahin mo, baka maawa agad sya kay Blessie." Natatawa kong saad. Napasimangot naman si Markgel.

"Kakayanin ko 'to! Susuyuin ko nalang sya pagkatapos." Determinadong tugon nya.

Nagkwentuhan na lamang kaming tatlo habang hinihintay si Blessie, napatingin naman ako sa relos ko. 9:40pm, maya maya lang ay nandito na 'yon.

"Guys!!! Pumuwesto na kayo! Nakikita ko na si Blessie." Ani ni Jaira.

Agad kaming kumilos ni Markgel. Pumwesto kami sa medyo masukal na damo. Nang makita naming malapit na si Blessie, agad kaming umanggulo ni Markgel---anggulo na parang naghahalikan.

"A-ate? B-babe?!" Tumigil kami ng marinig ang boses ni Blessie. Halata sa boses nito ang kirot dahil napiyok na sya. Kinakabahan ako pero papanindigan namin 'to.

"Sorry Blessie. Nahulog ako kay Markgel--kami na." Kunyareng nalulungkot kong saad. Napailing iling nalang sya.

"Babe?!" Umiiyak na sigaw nya. Nanatili namang nakayuko si Markgel na parang nakokonsesya.

Napaupo sa damuhan si Blessie habang umiiyak. Akma ko na sana syang lalapitan ng mahagip ng mata ko si Jaira---umiiling sya kaya't nanatili ako sa aking pwesto.

"M-mahal nyo ba ang isa't isa?" Mahinang tanong ni Blessie. Nanatili naman kaming tahimik. Natatawa na naaawa ako sa kapatid ko. "MAHAL NYO BA?!" Sigaw nya.

"O-oo." Magkasabay naming tugon ni Markgel. Natahimik naman sya saglit. Maya maya'y dahan dahan syang tumayo at tumingin samin. Mugto na ang mga mata nya---pero wala akong nakikitang galit.

"Osige." Tango tangong tugon nito. "Ate Blaine, gagawin ko lahat para sa'yo. Dahil kakambal kita---higit pa tayo sa magkapatid. And now, gusto mo si Markgel at gusto ka din nya. Maybe, I need to let go. Kasi kung ako ang papapiliin---ikaw muna bago ang iba. You're my twin! Please, ingatan nyo ang isa't isa." Humihikbing pahayag nya. Tumingin naman sya kay Markgel at unti unting lumapit.

"Please protect her. Iyakin 'yan kaya please, protektahan mo sya. Hindi ako galit, okay? Tanggap ko lang na may mga bagay talaga na hindi para sakin." Sambit nya dito bago yumakap sakin.

"Wag na wag mo syang iiwan, Ate. Mahalin nyo ang isa't isa. Promise me. Mahal ko kayong dalawa!" Sambit nya bago tumakbo papalayo.

"BRAAAVOOO!!!" Sigaw ni Jaira ng tumakbo si Blessie papalayo. Natouch ako sa sinabi niya. Handa nyang palayain si Markgel para sakin---mas gusto nyang masaktan sya para sumaya ako.

"I'm so lucky to have her, Markgel. Mahal na mahal nya ko." Nakangiting sambit ko at tumingin sa gawi ni Markgel.

"Me, too. So I have to go, I need to follow her and explain everything." Nakangiting saad din nito.

"Samahan ka na namin." Yaya ni Jaira.

Tumakbo kami sa diretsong pinuntahan ni Blessie. Habang papalapit ng papalapit lalo akong kinakabahan. Dumadami ang tao parang may pinagkukumpulan.

Hinawi namin ang tao at--- nanlambot ako sa nakita ko. Napaupo nalang ako sa bato-bato, sobrang sakit.

"BLESSIIIIEEEE!!!!" Sigaw ko dito. Ang kakambal ko. Nanghihina akong tumayo uli at nilapitan sya---ang durog durog nyang bangkay na nagulungan kanina ng Tren.

"Pleasee, It's just a prank! Please! No!" Hagulgol ko pa. Naramdaman ko ang yakap ni Jaira mula sa likod ko. Si Markgel naman ay nagdadalamhati din sa tabi ko.

"Mama!" Nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin ako ng anak ko, kasalukuyan pa din akong naghihintay sa tabi ng riles ng tren.

"Oh, Mico! What are you doing here?" Tanong ko at binuhat ang anak ko. Tumingin naman sya sakin ng may malulungkot na mga mata.

"Naaalala mo na naman ba si Tita Blessie, Mom? Don't blame yourself, okay? I know that you love her." Sambit nito at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Shh, I just missed her." Sambit ko at niyakap sya. Niyakap naman nya ako pabalik, nakakagaan ng loob.

"Miss kana din nya, Mom. Let's go na po, hinihintay na tayo ni Daddy." Tumango naman ako sa kanya. Binaba ko na sya sa lapag at inutusang mauna na dahil susunod naman ako agad.

Tumingin naman ako sa riles kung saan sya namatay. "I know that you're happy now, Blessie. Tinupad ko yung gusto mo---hindi ko sya iniwan. At nakita mo ba yung bata kanina? He's Mico---anak namin ni Markgel. Sorry sa lahat ng nagawa ko and still thank you kasi sobra mo akong minahal. This is the last time na pupunta ako dito kasi aalis na kami. Pupunta na kaming Australia at don mag uumpisa ng panibagong buhay. Always kitang ipagdadasal. Hanggang sa muli, Blessie. I love you." Huling sambit ko bago tumalikod.

Mali ang nagawa ko pero dahil don naging masaya ako sa buhay ko ngayon---nangungulila man sa kakambal ko, masaya pa din ako kasi stable na ako. May asawa at anak na. Thank you, Blessie. Dahil sayo mas napalapit ako kay Markgel at nakaramdam ako ng isa pang tunay na pag-ibig kagaya ng pagmamahal mo sakin.

"Sometimes bad decision can make happy memories but it doesn't mean that we let ourselves to decide without thinking," I smiled. "Ending can lead to another start." I whispered to the wind.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon