9

10 1 0
                                    

LAST CONVERSATION

"Maxene? Anong oras na?" Tanong ni Eunja sa'kin habang nanonood kami.

"11:50. Di ka pa ba uuwi? Gabi na oh." Sambit ko dito.

"Ano kaba?! Dito ako tutulog ngayon, nagpaalam na 'ko kay Mama!" Inis namang sabi ni Eunja sakin. Tumango na lamang ako.

Maya maya at dali dali akong hinigit paakyat ni Eunja sa bubong namin. Hys eto na naman kami.

"Upo kana, Maxene! Dali dalii tingnan mo oh ang ganda ng kalangitan." Sambit nito habang tuwang tuwang nakatingin sa langit. Umupo naman ako sa tabi nya at tumingin din sa langit.

"Maganda nga." Sambit ko.

"Nakakamangha di'ba? Sana'y makarating tayo dyannn." Sabi pa nya. Sabay naming pinagmasdan ang kalangitan habang nangangarap.

---

"Maxene?!" Nagulantang ako sa sigaw na nanggagaling sa labas ng kwarto ko kaya agad akong bumangon. Tumambad naman saken ang muka ni Eunja.

"Jusko Eunja! Ke aga aga nambubulabog ka!" Bulyaw ko dito, napatawa na lamang sya.

"Pupunta ako mamayang gabi dito ha? Tas tambay ulit tayoo." Sambit nito. Tumango nalang ako at humiga uli.

Kinagabihan ay umakyat na ko sa bubong at hinintay si Eunja. Napatingin ako sa relo ko at 12 na pero wala pa s'ya.

Naalimpungatan ako ng may marinig akong yabag, nakatulog na pala ako sa kakahintay. Nang tingnan ko kung sino 'yon ay bumungad sakin si Ate Kimmy, ate sya ni Eunja.

"Oh Ate? Napadalaw ka po? Si Eunja po? Kanina pa po 'ko nag iintay sa kanya ih." Sambit ko pa. Umupo lamang s'ya sa tabi ko at pinagmasdan ang kalangitan.

"Alam mo ba kung bat mahilig si Eunja na pagmasdan ang langit?" Tanong nito sakin, napaisip naman ako.

"Dahil po maganda ang kalangitan pag sumasapit ang hatinggabi." Saad ko naman. Umiling naman ito at napangiti.

"Hmmm nagagandahan nga s'ya, kaya hinihiling nya na pag nawala s'ya ay makapunta s'ya sa kalangitan. Bakit ba hindi mo pa din matanggap?" Tanong nito.

Naguluhan naman ako at kinabahan.

"Ang alin po, Ate?" Tanong ko dito.

Hinawakan nya ang kamay ko at mapait na ngumiti.

"Matagal ng wala si Harlie, Aekisha. Pero hanggang ngayon ay iniintay mo pa din sya'ng siputin ka dito. Hindi na s'ya babalik Maxene." Sambit pa nito. Natulala naman ako.

"Pero Ate, kasama ko po s'ya kagabi dito, sinabi nya din po sakin kaninang umaga na magkikita kami dito." Naguguluhan ko pang sambit.

Napailing naman 'to at napabuntong hininga.

"Lahat ng 'yan ay imahinasyon mo lamang, marahil ay hindi mo pa talaga tanggap kaya't ginugulo ka ng imahinasyon mo. Patahimikin mo na ang kapatid ko, Maxene." Malungkot na saad nito.

Malungkot naman akong tumungo.

"Sabi nya po kasi sakin babalik s'ya Ate, kaya hinintay ko." Pagdadahilan ko pa. Hinawakan naman nya ko sa pisngi.

"Pero wala na s'ya. Tanggapin mo nalang para matahimik na ang lahat. Sana 'to na ang huling beses na makikita kitang hinihintay si Harlie dito." Sambit pa nito. Niyakap ko naman sya at umiyak.

"Yun na po pala 'yung huling pag-uusap namin, sana sinulit ko na. Sana sinabi ko sa kanya kung gano ko sya kamahal. Sana nakapag-usap pa kami ng mas matagal." Umiiyak kong tugon. Ang sakit---sobrang sakit.

"Dapat ay matuto tayong pahalagahan ang bagay na meron tayo---kasi baka 'yon na yung huli. Shh, ipagdasal mo nalang s'ya. Ayaw nyang ganyan ka. Be strong, okay?" Pag aalu ni Ate sa'kin.

Siguro nga ito na ang huling beses na aantayin kita dito. Sorry dahil di tayo nakapag-usap ng matagal. Sorry kung hindi ko sinulit na nandito ka---yun na pala yung huli kitang makakasama at makakausap. Miss na kitaa. Hanggang sa muli nating pagkikita.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon