46

11 0 0
                                    

AT 12 MIDNIGHT

Kapwa kaming nag aayos ng mga gamit ni Ate. Dumating na kasi ang mga padala nila Mama sa'min.

"Lori, malapit ng magtakip silim. Gawin mo na ang inuutos ko sa'yo, ako ng bahala dito." Utos ni Ate. Tumalima naman ako sa kanyang sinabi at dumiretso na sa aking kwarto.

Nagdasal muna ako at ginawa ang mga ritwal na tinuro ni Ate sa'kin. Sana'y na ko sa gantong gawain dahil dito na ako minulat ni Ate. Labis akong nagtataka.

"Ate, tapos na po ako. Kain na po tayo." Naabutan ko namang nagwawalis si Ate sa sala. Inumpisahan ko ng maghain.

"Ate, bakit kailangan ko po laging magdasal at gawin ang ritwal na iyong tinuturo sa'kin?" Panandalian 'tong tumigil sa pagkain bago bumaling sa'kin.

"Hindi pa 'to ang tamang oras, basta sumunod ka na lamang. Matulog kana din ng maaga. Wag mo ng tangkaing bumangon ng alas dose ng hating gabi." Saad n"ya. Tumango na lamang ako.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ko sa kwarto at inumpisahang magpaantok. Matagal na kong nagtataka kung bakit kailangan kong matulog ng maaga at huwag lalabas ng kwarto pag alas dose ng gabi. Kung kaya't nagdadala na ako ng arinola at tubig sa kwarto ko para hindi ko na kailnganin pang lumabas ng kwarto.

Kinaumagahan ay nagpaalam si Ate na aalis muna dahil may kailangan daw syang ayusin sa bayan.

"Lori, gawin mo ang mga bilin ko kahit wala ako ha? Baka gabihin din ako ng uwi kaya't isarado mo ang mga bintana at pinto. Manatili ka sa kwarto mo bago mag alas dose, kung ano man ang maririnig mo ay hwag mo na lamang pansinin." Bilin pa n'ya. Agad naman akong tumango. "Osige na, mauna na ako." Kinawayan ko naman s'ya hanggang sa makalayo 'to.

Naglinis muna ako ng bahay. Pumasok din ako sa kwarto ni Ate, nakakapagtakang hindi 'to nakalock. Baka nakalimutan nyang isara.

Malinis ang kwarto ni Ate kaya't naisip kong walisan nalang 'to dahil malinis na naman. Sinubukan ko ding walisan ang ilalim ng kama n'ya. Wala namang kakaiba.

Sumapit na ang gabi, kumain na muna ako at naligo. Nakalimutan ko ng magdasal at gumawa ng ritwal dahil sobrang pagod na ko. Agad na akong pumasok sa kwarto at natulog.

Naalimpungatan ako dahil nakarinig ako ng yabag ng mga paa mula sa labas. Tiningnan ko ang relos ko 12:08am na. Umupo ako sa kama, siguro ay si Ate na 'to. Napatingin ako sa side table ko, may notebook. Agad ko 'tong tiningnan, isa 'tong diary ni Ate. Naalala kong nakuha ko 'to sa kwarto n'ya.

"Hala! Baka magalit si Ate dahil pinakialamanan ko 'to, baka hinahanap na n'ya." Sambit ko sa sarili ko. Muli kong pinagmasdan ang diary. "Sayang, hindi pa naman kita nababasa. Sa susunod nalang kita babasahin." Tumayo na ako at pumunta sa pinto. Naalala ko na naman ang bilin ni Ate, pero hindi naman ako magtatagal kaya't okay na din 'yon.

Pinihit ko ang doorknob at lumabas na. Madilim. Iniwan ko namang bukas 'to kanina ah. Lumapit ako sa switch at binuksan ang ilaw. Wala namang nagbago sa bahay. Nakita kong nakasiwang ang pinto ni Ate kaya't lumapit ako don.

Nagulantang ako sa nakita ko, si Ate ay nakaupo sa kama n'ya, nakataas ang dalawang paa nito ay may kinakain---isang hilaw na karne. Nanlaki lalo ang mata ko ng napatingin s'ya sa gawi ko. Dahan dahan 'tong lumakad sa papunta sa'kin kaya't agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko, kinandado ko 'to.

Kinakalabog n'ya ang pinto ko at sa takot ko'y napaiyak na lamang ako hanggang sa nakatulog na ako.

"Lori, gumising kana!" Narinig ko mula sa labas. Umupo ako, napansin kong hawak ko pa din ang diary ni Ate. Dahan dahan akong lumabas kahit may takot sa dibdib. Nakita ko namang nag aahin si Ate, maaliwalas na ang muka nito, hindi na s'ya yung babaeng nakakatakot kagabi.

Umupo ako sa upuan, nanatili kaming tahimik. Parehas kaming nabibingi sa katahimikan habang nakain. Panandalian syang tumigil sa pagkain at lumingon sa'kin.

"Ba't mo sinuway ang utos ko sa'yo, Lori?" Seryosong tanong n'ya. Takot akong tumingin sa kanya, lumambot naman ang seryoso nyang itsura. "Hindi mo dapat 'yon ginawa. Natakot kaba?" Tanong n'ya.

Tumango naman ako. "Nais ko lang isauli 'to sa'yo, nadala ko kasi sa kwarto ko nung nilinis ko ang kwarto mo, Ate. Hindi ko naman binasa." Inabot ko sa kanya ang diary. Umiling s'ya at ibinalik ang notebook sa'kin.

"Basahin mo 'yan, kasagutan 'yan sa'yong mga katanungan." Sambit n'ya. Binuksan ko naman ang unang pahina ng diary.

"A-ate, walang nakasulat." Agad kong inabot 'yon sa kanya. Nagulat naman s'ya.

"Lori, hindi pa kasi 'to ang tamang oras para malaman mo." Napabuntong hininga s'ya. "Sasabihin ko na sa'yo lahat, ayoko na din na mapahamak ka. Pero ipangako mo sa'kin na aalis ka ngayon at pupunta ka sa kabilang bayan, hanapin mo si Aling Rosana. Ipinagbilin na kita sa kanya dahil alam kong dadating sa puntong 'to." Sambit n'ya. Napailing naman ako.

"Ayaw ko, Ate! Dito lang ako, susundin ko na lahat ng bilin mo basta dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan." Naiiyak kong tugon. Agad naman syang umiling.

"Hindi, sundin mo ang sinabi ko!" Sambit n'ya at hinawakan ako sa pisngi. "Hindi na ako ang Ate mo, Lori. Sinumpa ako ng totoong asawa ni Jamir---ex ko. Sa tuwing sasapit ang alas dose ay nagiging mas agresibo ako, nananakit ako. Para akong aswang. Hindi ko kontrol ang ginagawa ko pero alam ko ginagawa ko." Napailing nalang ako.

"A-ate." Umiiyak kong tugon.

"Lori, ayokong magaya ka sa'kin. Gumawa ako ng ritwal na makakatulong sa'yo, para hindi kita maamoy sa gabi. Ginawa ko 'yon para protektahan ka ng Diyos mula sa mapanakit kong katauhan." Huminga s'ya ng malalim. "Sa oras na malaman mo ang bagay na 'to ay baka mapatay kita, baka patayin ka ng demonyong nasa loob ng katawan ko. Kaya't umalis kana, Lori." Pagmamakaawa n'ya.

Umiling ako. Napansin kong nag-iiba ang kulay ng mata ni Ate. Mula sa kulay kapeng mga mata ay unti unti itong nagiging kulay green.

"A-ng mata mo, Ate." Natatakot kong tugon. Napabitaw s'ya sa'kin.

"Nararamdaman ko na s'ya. Lumalakas s'ya dahil alam mo na ang totoo. Lori umalis kana!!!" Sigaw n'ya. Niyakap ko naman s'ya.

"Ayaw ko, Ateee!!!" Iyak pa din ako ng iyak. Tinulak n'ya ako ng malakas.

"Kunin ang pera sa ilalim ng unan ko, makakatulong 'yan sa'yo. Umalis kana!!!!" Sigaw n'ya. Napatakbo ako sa kwarto n'ya at kinuha ang pera. Paglabas ko sa sala ay nakita ko syang tinatali ang paa n'ya sa silya.

"A-ate!" Sigaw ko. Akma akong lalapit sa kanya ng tumingin s'ya sa'kin ng masama.

"Tumakbo kana!!! Please, tumakas kana. Wag ka ng babalik dito. Mahal na mahal ka ni Ate." Tugon n'ya.

"Tatawagin ko sila Mama, Ate!" Natataranta kong tugon.

"Wala na sila! Pinatay ko sila dahil nalaman nila. Ikaw nalang ang natititra sa'kin, mapapatay ko ang sarili ko pag may nangyare sayong masama! Sorry kung nagpanggap akong buhay pa sila Mama. TAKBO!" Sa gulat ko ay tumakbo na ako papalayo. Papalayo sa kanya.

Hingal na hingal ako sa panaginip ko. Agad akong umupo at tiningnan ang relos, alas dose na ng hating gabi. Oras na.

Lumuhod ako at gumawa ng ritwal, ritwal na nakakasama sa taong pinag aalayan ko.

Mula ng malaman ko ang nangyare kay Ate ay palagi akong nagigising ng alas dose, kinupkop din ako ni Aling Rosana. Pinag aralan ko ang black magic, ipinaghiganti ko si Ate mula sa sumumpa sa kanya. Binabalik ko ang ginawa nila kay Ate. Nalaman ko din na patay na si Ate, pinatay n'ya ang sarili n'ya nung araw na umalis ako.

Matapos ang ritwal ay naririnig ko sa isip ko ang sigaw ng babae---babaeng pinaghihigantihan ko. Napangiti naman ako.

"Gagawin kong impyerno ang buhay mo tuwing alas dose ng gabi, kagaya ng ginawa mo sa ate ko." Naisambit ko na lamang.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon