WHAT IF?
Umagang umaga nagbubunganga si Mama. Alam n'yo kung bakit? Kasi ginabi ako kagabe. Syempre birthday ng kaibigan ko 'e, inom inom lang kami kagabi.
"Oh ano! Ikaw bata ka ha! Talaga bang wala ka ng gagawing matino sa buhay mo!? Kababaing tao mo, Norhaima!" Sermon pa nito. Pero snob lang ako, paki ba n'ya? Nanay ko lang s'ya 'no.
Dire-diresto akong pumasok ng Cr para maligo at makapasok nadin. 3years na kong walang Tatay, si Mama naman ay nagtitinda ng ice candy sa may school namin para may makain kami. Ayoko sa kanya, kinakahiya ko s'ya ng sobra. Sa tuwing nilalapitan n'ya ko sa school ay agad akong naalis.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Mama na nakaupo at nakahawak sa kanyang dibdib. Nang makita n'ya ko ay agad n'ya kong inasikaso. Pinaupo n'ya ako at pinakain na para bang walang nangyare kanina. Kumain naman ako at aalis na sana kaso nagsalita s'ya.
"Anak? Ano bang nangyayare sa'yo?" Tanong nito. Ngitian ko naman s'ya ng mapait.
"Kinakahiya kita bilang Ina, ba't kasi ikaw pa naging nanay ko." Sabi ko at umalis na.
"Sorry. Matutulog na 'ko anak. Gusto ko na din magpahinga, mag iingat ka lagi ha? Mahal ka ni Nanay." Sabi pa nito. Nakitang kong iiyak na s'ya kaya tumalikod na 'ko at nagpalakad papalayo.
--
Pag uwi ko ay hindi ako sinalubong ni Mama. Ano kayang nangyare don? Nagsawa na siguro sa'ken. Dire-diretso akong pumasok at walang nagbago sa bahay, nandon pa din ang pinagkainan namin kaninang umaga.
Pumunta ako sa kwarto ni Mama. Nakita ko s'yang nakahiga sa sahig at mukang nahihirapan ng huminga. Nilapitan ko s'ya at agad na inihiga sa kama. Yumakap sa'kin si Mama.
"K-kanina pa kita hinihintay A-anak. Sorry kung hindi ko nabigay lahat ng gusto mo A-anak, eto lang yung nakayanan ko ih. Magpapahinga na si Nanay ha? Pagod na kasi ako nak. Gusto ko ng matulog. Mahal kita nak. P-patawad." Sabi nito na hirap na hirap na sa pagsasalita. Umiiyak na ko ng di ko namamalayan, hindi ko kaya. Patawad Mama.
"Ma hindi! Magbabago na ko pls. Wag mo kong iiwan Mama. Mahal din kita Ma." Sabi ko at hinalikan s'ya sa noo. Nang tingnan ko sya ay ngumiti lang sya at pumikit.
Wala na si Mama. Natulog na s'ya. Sobrang pagsisisi ko sa buhay ko. Inihiga ko si Mama at pinagmasdan. Nang makuntento ako at hinalikan ko sya sa noo at hinawakan sa kamay. Nakita ko naman sa sahig ang gamot na ininom nya---nagpakamatay sya dahil sakin. Napakawalang kwenta ko.
Tsaka ko lang na what if I treated her right? What if pinaramdam ko sa kanya yung pagmamahal ko? What if hindi ko s'ya kinahiya? What if inayos ko yung problema naming dalawa. Edi sana ay kasama ko pa s'ya ngayon.
"Mahal din kita Mama. Sorry. Matulog ka na po't magpahinga. Patawad."
Matuto tayong mag appreciate ng mga bagay at tano na nasa sa'tin pa dahil hindi natin alam kung hanggang kelan 'to sa'tin. Baka kung kelan wala na tsaka lang natin maiisip yung mga 'what if's' natin. What if na nagdodoubt tayo. Ayusin mo ang gusot at problema mo habang nabubuhay ka pa kasi hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.
WAKAS.