30

3 0 0
                                    

FORBIDDEN LOVE


Pa'no kung ang akala mong takbuhan ng problema ay ang s'yang magdadala sa'yo ng sakit?

Kasalukuyan akong nagfafacebook ng maisipan kong gumawa ng RP account. Sa hindi nakakaalam ang RP ay isang acc kung sa'n ay tago ang 'yong identity, pwede kang gumamit ng picture mula sa google at gamitin 'to. Lahat ng ito'y kasinungalingan lamang.

*Cerulean Bleu sent you a friend request*

Napangiti naman ako.

"Tingnan mo nga naman HAHAHAHBAHAHA napakagwapo ko talaga." Natatawang saad ko. Agad naman akong nakatikim ng batok mula kay Clarence---kapatid ko. Matanda ako sa kanya ng isang taon.

"Kapal ng muka mo 'e hindi naman ikaw 'yan 'e! Tsaka ano bang napapala n'yo dyan? Tss." Sambit pa nito.

"Hoy hoy hoy! Baka dito ako makahanap ng jowa, palibhasa meron kana 'e! Dun kana nga!" Pagtataboy ko sa kanya. Umirap naman 'to, parang bakla ang potek.

"Oho, Kuya Calyx pwe!" Pang aasar pa n'ya.

Inaaccept ko naman si Cerulean. Maya maya'y nagchat 'to agad.

Bleu: Hi po!
Calyx: Heyow
Bleu: Can we be friends?
Calyx: Yap sure.

Tumagal pa ng ilang buwan ang pagkakaibigan namin at ngayon ay nagtatawagan na kami.

On call×

"Calyx, I need something to tell you." Mula sa kabilang linya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"I just want to meet you, Calyx."

"Sure."

Naging mas matatag pa ang pagkakaibigan namin hanggang sa napansin ko nalang ang sarili ko na palaging naghihintay ng chat galing sa kanya, parang hindi buo ang araw ko pag hindi ko s'ya nakakausap.

Bumaba ako sa kusina at nagsalin ng tubig. Inihanda ko din ang mga ingredients na magagamit ko, binabalak kong magluto ngayong araw.

"What do we have here? Magluluto ka?" Biglang pasok ni Clarence sa kusina. Nginitian ko na lamang s'ya.

"Aba, mukang masaya ah. Pero susulitin ko na kasi minsan ka lang sumaya HAHAHAHAHA, pakidamihan luto ah? May bisita ako 'e." Sambit n'ya pa. Lumapit naman ako sa kanya.

"Sino?" Tanong ko pa. Ngumuso naman s'ya sa sala.

"Tara." Higit n'ya pa. Isang babae na nakaupo sa sofa ang inabutan ko, maganda 'to.

"Girlfriend ko kuya. Babe, si Kuya pala." Pakilala n'ya. Tarantadong 'to hindi man lang sinabi pangalan namen.

"Nice to meet you." Sambit ko at nginitian s'ya.

"Nice to meet you, too." Sagot naman n'ya. Nginuso ko naman ang kusina kay Clarence at umalis na.

Pagtapos kong magluto ay sabay sabay kaming kumain. Nahalata naman ni Clarence ang pagmamadali ko.

"Ba't nagmamadali ka, Kuya?" Tanong nito. Napatingin naman sila parehas sa'kin.

"Baka kasi online na s'ya 'e." Naeexcite na kong makausap s'ya uli.

"Aba lumalovelife ka ah!" Pang-aasar n'ya pa.

Lumipas pa ang panahon ay naging kami na ni Cerulean Bleu. Gusto ko na sya'ng makilala sa totoong buhay.

On call×

"Babe, gusto mong magset na tayo ng place? Gusto na kitang makita." Saad ko.

"Sige babe! Siguro next month babe." Saad n'ya. Pumayag naman ako agad.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Nagplano kami ng damit na isusuot para mahanap ang isa't isa. Dumating ako sa tamang oras, iniba ko ang damit ko sa napag usapan namin.

Hanggang may nakita akong babae, nakablue 'to at nakaipit ang buhok. Chinat ko naman si Bleu.

Calyx: Andyan kana ba babe?

Nakita ko namang kinuha ng babae ang cellphone at nagtipa.

Bleu: Oo babe, nakaipit ang buhok ko.

Matapos 'yon ay agad akong tumalikod at umuwi. Nawalan ako ng gana sa nakita ko.

On call×

"Babe, bakit hindi ka sumipot kanina?" Bleu said.

"I think, we need to end this."

"Ha? Bakit?!"

"Pa'no mo 'to nagawa? May karelasyon kana, bakit lumalandi kapa?"

"Ha?"

"Alam ko na lahat!! It's me, Calyx Ash Riego---brother of Clarence Ashton Riego."

"Omygod!"

"Pa'no mo 'to nagawa sa kapatid ko?"

"Calyx I do love you! Hindi ko alam kung pa'no pero gusto talaga kita kahit nung una'y hindi kita kilala. Please, don't end this. Iiwan ko si Clarence, please." Nagmamakaawang tugon n'ya.

"You don't deserve my brother! Bitch!!" Galiiting sigaw ko.

Patungo ako ngayon sa kwarto ng kapatid ko, kelangan nyang malaman ang kalokohan ng babae n'ya. Nadatnan ko s'ya sa kwarto na nag aayos ng mga bagahe.

"Anong meron?" Paunang tanong ko. Lumapit naman ako sa kanya, tuloy pa din s'ya sa pag aayos.

"May kailangan kasi akong ayusin, Kuya. Wish me luck." Tumingin pa 'to sakin at ngumiti.

"Ilang araw 'yan?" Tanong ko pa. Pano ko masasabi sa kanya?

"1 month, Kuya. Basta tawagan nalang tayo ha, alam kong mamimiss mo ang gwapo mong kapatid." Agad ko naman syang binatukan.

Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong pakay ko. Lumipas ang isang buwan ay inabala ko sa ibang bagay ang sarili ko, nag iisip na din ako ng sasabihin ko kay Clarence pag uwi n'ya.

"Kuyaaa!!!! I miss you, bro!" Bungad ni Clarence pag bukas ko ng pinto.

"Tamang tama, kakaluto ko lang." Saad ko. Napansin kong may tao sa likod n'ya. Ang kapal ng mukha nyang magpakita dito.

"Ay, kasama ko pala si Bleu. Tara na babe." Yaya n'ya kay Bleu. "May sasabihin ako sa'yo mamaya kuya." Bulong nito sa'kin.

Naidaos namin ng maayos ang pagkain at ngayo'y nakaupo na kami sa sofa.

"Kuya." Lumingon naman ako kay Clarence. "Buntis si Bleu." Halos magulantang ako sa sinabi n'ya. Seryoso pa din ang muka ko. "Di kaba masaya? Mag kakaanak na ko, Kuya." Naiiyak nyang saad.

"I'm happy for you." Saad ko nalang at nagpaalam ng aakyat sa taas.

Gusto kong magwala. Sinubukan kong i-open uli ang RP ko. At dun ay nabasa ko ang mga chat n'ya.

Bleu: I'm so sorry, Calyx. Napagtanto kong bawal ang pag-iibigan natin.

Bleu: Sana mapatawad mo ako, aaminin ko kay Clarence lahat ng kalokohan ko.

Bleu: Buntis ako. Siguro nga dapat na natin 'tong itigil. Pasensya na.

Naibato ko ang cellphone ko sa sobrang galit. Hindi kami pwede. Hinding hindi.

Dahil masaya s'ya sa kapatid ko. Mahal n'ya ang kapatid ko, infantuation lang ang naramdaman n'ya sa'kin.

Bumaba ako at nakita ko silang naghahalikan. Parang dinudurog ang puso ko. Bakit s'ya pa din kahit alam kong hindi pwede.

"Maybe, I need to let you go. I need to end this feeling for you, Bleu. Be happy with Clarence." Kasabay ng pagbagsak ng luha sa mata ko.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon