13

6 0 0
                                    

WHEN I FELL INLOVE

Nakaupo ako at naghihintay lumiwanag, sinulyapan ko s'ya, nakabantay pa din sa'kin. Konting tiis nalang.

"Rachel, bangon na. Umaga na, baka malate ka sa school mo n'yan." Bumalik lang ako sa sarili ng marinig ko 'yon. Agad akong tumayo at pumasok sa banyo. Pagkatapos maligo ay humalik muna ako sa noo n'ya bago bumaba.

Agad akong tumungo sa labas at kumain. Tahimik lamang ang hapag at naghanda ng pagkain, para sa kanya.

"Rachel, may pasa ka sa braso. Maigi pa'y ako na ang magdadala n'yan." Saad ni Alexa---kapatid ng taong mahal na mahal ko. Tinanggihan ko na lamang s'ya.

"Hindi na, ayos lang ako." Saad ko't umakyat na. Nakita ko naman s'yang tumayo at lumapit sa'kin pagpasok ko.

"Sorry babe." Yumakap pa 'to sa'kin. Nginitian ko nalang s'ya at sinabihan na kumain.

"Wag kang lalabas ha? Papasok muna ako." Pagpapaalam ko't humalik sa pisngi n'ya.

Naglalakad na ako papasok ng makarinig ako ng usap-usapan. Wala sana akong planong pakinggan kaso masyadong malakas ang boses nila.

Tumigil muna ako sa isang tindahan at bumili ng ballpen---wala na kasi 'yung ballpen ko.

"Ate, pabili ngang ballpen. Black po." Saad ko. Agad naman akong inabutan. Habang naghihintay ako ng sukli ay narinig ko na naman ang usap-usapan.

"Oo, kaya nakakatakot ng lumabas pag gabi."

"Siguro'y mga lalaking tigang ang gumagawa no'n."

"Walang awa sa mga babae. Balita ko nga'y mga dalaga ang nawawala."

Nang iabot sa'kin ang sukli ay agad na akong umalis. Agang aga nagchichismisan.

Nang mag uwian ay naglakad na lamang ako. 7pm na kaya't madilim na, wala na ding masyadong naglalakad, natatakot daw sa nangunguha ng mga dalaga at di na binabalik.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng maaninag ang isang babae, maganda ito at bakat ang kurba ng katawan. Tumingin ako sa palagid, walang tao.

Agad akong pumunta sa kanya. Nahihiya naman s'yang ngumiti sa'kin.

"Uh, okay lang bang magtanong?" Tumango naman ako. "Sa'n dito 'yung sakayan papuntang bayan? Wala na kasing tao 'e, kaya't di ko alam kung sa'n ako magtatanong." Tinuro ko naman ang direksyon.

"Gusto mo samahan na kita?" Pagpeprisinta ko pa. Agad naman s'yang nagpasalamat. Habang naglalakad kami'y nagkukwento s'ya tungkol sa buhay n'ya. Sinasabayan ko na lamang s'ya.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong nito. Napansin kong malapit na kami sa bahay. Agad ko s'yang pinaunang maglakad, ang sabi ko'y diretsuhin n'ya na lamang dahil hanggang dito ko nalang s'ya masasamahan. Tumango naman s'ya't nagpasalamat uli.

Pagtalikod n'ya ay kinuha ko ang ballpen ko sa bag at sinaksak s'ya sa bandang tiyan---tiniyak ko namang di s'ya mapupuruhan. Kailangan ko pa s'ya. Sinabunutan ko s'ya at sinapak. Medyo nanlambot s'ya.

Naramdaman ko naman na may tao sa likod ko.

"Kanina ka pa?" Usal ko ng di s'ya tinitingnan.

"Hindi ah, kakarating ko lang. Tara na." Sambit n'ya. Binuhat namin ni Alexa ang babae.

Inupo namin s'ya sa silya at pinunasan.

"Sige na, iakyat mo na 'yan. Maghahain na ako para makakain na tayo." Saad n'ya. Tumango naman ako. Hinang hina pa din ang babae siguro'y dinadama n'ya ang saksak ko.

"M-maawa ka sa'kin." Mahinang saad n'ya ngunit hindi ko 'to pinakinggan. Itinulak ko s'ya sa abandonadong kwarto, may kama naman 'to. Sinarado ko ang pinto at pumunta sa kwarto ko.

"Babe, may regalo uli ako sa'yo hihi. Tingnan mo nalang sa kwarto, okay?" Saad ko. Napangiti naman sya't hinalikan ako. Dumapo ang kamay n'ya sa dibdib ko kaya't agad ko 'tong tinampal.

"Mamaya na, kakain muna ako. Kumain kana din ha?" Saad ko bago lumabas.

Pagbaba ko'y nakahain na ang pagkain. Tumabi naman ako kay Alexa.

"Buti hindi mo pa din iniiwan si Kuya." Saad n'ya. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti.

"When I fell inlove with him, I promised that I won't leave him and I'll do everything for him. Kaya't nung nalaman kong may sakit s'ya, mas nagpursigi ako." Saad ko. Napangiti nalang din s'ya.

Naririnig namin ang sigaw ng babae mula sa itaas ngunit nanatili kaming bingi ni Alexa.

May sakit ang boyfriend ko. Cannibalism, kumakain s'ya ng tao. Imbis na itaboy ay mas minahal ko s'ya, gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Matapos kumain ay umakyat na ako at naligo. Paglabas ko nama'y kakaligo lang din ni Jerome---bf ko. Agad n'ya akong hinapit sa kanya at hinalikan.

"I love you." Usal ko habang nagtatalik kami.

"I love you, too." Saad n'ya.

Habang lalong tumatagal ay lalong umugong ang usap-usapan kaya't umalis na kami sa lugar na 'yon upang makahanap ng lugar na tahimik at para din hindi kami mapagbintangan sa pagkawala ng mga kababaihan.

When I fell inlove with him, I learn how to kill and sacrifice my own life just to feed him.

WAKAS.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon