FEELINGS CHANGED
*5years old
"Ano ba Mel!?" Inis na sita sakin ni Resé. Inaagaw ko kasi ang pagkain nya at itinataas, dahil maliit sya ay nahihirapan syang abutin 'to.
"Abutin mo muna hahahahaha." Tawa ko pa. Nang makita kong paiyak na sya ay agad kong inabot sa kanya ang pagkain nya.
"Huhuhu nakakainis ka Mel! Ihateyou!" Sambit nito at patakbong umuwi sa kanila.
*10years old
"Ano ba naman 'yan Mel!? Bat ba tinatambak mo saken yang notebook mo?!" Iritadong sigaw nito sakin. Agad ko namang tinakpan ang bunganga nya.
"Gawin mo na Resé, pls? Libre kita mamaya!" Pang uuto ko pa. Galit nitong inalis ang kamay ko sa bibig nya.
"Oo na! Antamad mo talaga Mel! Ihateyou na talaga!" Sambit nito at ginawa na ang aking takdang aralin.
*12years old
"Ano bang ginawa mo Mel!? Bat ginawa mo kay Rhyzza yon?" Inis na tanong sakin ni Resè matapos kong awayin ang bago nyang kaibigan.
"Gusto ko kasing ako lang ang friend mo! Kaya pag nagkaron ka pa ng kaibigan aawayin ko talaga!" Sabi ko pa.
"Oo na! Ihateyou!" Sigaw nito at patakbong umalis.
*17years old
"Mel bat ba ang rude mo kay Andrei? Nanliligaw lang naman sya sakin ah?" Tanong sakin ni Resé. Tss.
"Sasaktan ka lang nyan. Tabi nga." Galit pang sabi ko.
"Bat ba laging ikaw ang nasusunod satin? Nakakainis na! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw nito saken at umalis na.
"Kung alam mo lang sana." Mahina kong banggit kasabay ang pagpatak ng luha sa mata ko.
--
"Congrats Mel. Buti naalala mo pa kong imbitahin sa kasal mo haha. Sorry sa nagawa ko nung nakaraan. Matagal tagal na din." Sambit ni Resé. Napakaganda nya pa din gaya ng dati."Basta ikaw Resé." Ngiti ko dito.
"Asan nga pala asawa mo Mel?" Tanong nito.
"Ahh eto pala sya." Sambit ko sabay higit sa asawa ko. "Uhmm Resé? Eto nga pala si Mark, asawa ko. Mark, si Resé." Sambit ko. Nagkamayan naman ang dalawa at nagkwentuhan ng konti.
Nang makaalis si Resé at tinawanan ako ni Mark. Napairap naman ako agad.
"Yun ang first love mo diba? Ang ganda pala." Sambit nito, siniko ko naman agad sya.
"Edi dun kana!" Galit kong sambit.
"Ikaw naman, kakakasal lang natin mainit agad ulo mo. Tara na nga." Sambit nito at inaya na ako sa mga bisita namin.
Tama po kayo, babae po ako. At ang first love ko ay si Resé na isa ding babae.
Hindi ko akalain na kahit babae ang gusto ko noon ay sa lalaki pa din ang bagsak ko.
WAKAS.