ANG BUHAY KO BILANG MANUNULAT
Malalim na ang gabi ngunit ako'y nakatingin pa din sa mga bituin. Bituin na nagbibigay inspirasyon sakin upang ipagpatuloy ang pag gagawa ng akda. Maya maya ay kinuha ko na ang aking kwaderno at ang aking pansulat.
Nag umpisa na kong magsulat ng mga akda at kung minsa'y ibinabahagi ko to sa aking mga kaibigan. Sandali, kaibigan? Ano nga ba ang kaibigan? Yun ba yung iaangat ka nila pag mahina ka? Yun ba yung hahanapin ka pag wala ka? Malii, maling mali. Hindi mo ba naitanong sa sarili mo na baka kaya itinuturi ka nilang kaibigan ay dahil maganda ka? Dahil gwapo ka? Dahil may pera ka? Kung wala ka ba non ay kaibigan pa din ang maiituring nila sayo?
Takot ako, sa panahon ngayon ay susuportahan lamang nila ang mga sulat mo pag maganda ka, pagkilala ang pangalan mo. Ngunit, pano naman ako? Isang tahimik na manunulat na nangangarap ding maging sikat kagaya nila.
Ngunit ako'y may natuklasan, isang mundo kung san hindi ka nagpapakita ng totoong ikaw. Gusto ko don dahil don hindi batayan ang itsura o katayuan mo sa buhay para suportahan. Maraming magagaling na manunulat doon, at ako'y lalong natuwa. Dahil sa kanilang galing sa panunulat ay sumikat sila ng hindi nakikilala ang totoong may ari ng akda sa likod ng mga litrato. Dahil sa mga sumusuporta sa kanila ay umugong ang peke nilang pangalan at sinubaybayan ang kanilang mga kwento.
Gusto ko din ng ganon, pumasok ako sa mundong yon at ibinahagi ang aking mga sulat. Ako'y lalong namangha ng suportahan nila ang aking mga akda. Ngunit sa di inaasahan ay kailangan kong umalis panandalian sa mundong 'yon. Nang umalis ako ay natakot na kong bumalik, dahil alam kong wala ng maghahanap sakin.
Lumipas ang mga araw ay napagpasyahan kong bumalik sa mundong 'yon. Ngunit sa pagbabalik ko ay nawalan na ng tinta ang aking pansulat. Natakot ako, gusto kong magkatinta ulit. Ibinahagi ko don na ako'y nawawalan na ng gana magsulat at wala na din akong tinta.
Akala ko'y walang papansin sakin dahil sino nga naman ako diba? Pero nagkamali ako. Nawalan ako ng tinta pero hindi nawala ang pagsuporta nila sakin. Sinasabi nila sakin na salinan kong muli ng tinta ang aking pansulat at magpatuloy.
Natuwa ako, nagkaron ulit ako ng tinta. Nagkaron din ako ng isang napakagandang dahilan upang magpatuloy yun ay ang "Magsulat ka para sa sarili mo at para sa mga sumusuporta sayo."
WAKAS.