MY BELOVED EX-BOYFRIEND
Ang sabi nila ang pag-ibig daw ay hinihintay at hindi hinahanap. Dahil ang pag-ibig daw ay dumadating sa oras na hindi natin inaasahan at sa pagkakataon na hindi natin aakalain.
"Hoy! Babaitang 'to! Kanina pa kita tinatawag, di mo 'ko pinapansin. Ano ba 'yang binabasa mo? Patingin nga!" Sigaw ni Amber at hinablot ang librong kanina ko pa binabasa.
"Akina nga! Bakit ba ako ginugulo mo? Dun ka sa bf mo! Tsupi!!" Iritang sambit ko sa kanya.
"Seriously? Love story? HAHAHAHAHAHAH! Alam mo, hindi mo na kailangan pang magbasa ng ganito. Bakit ba kasi hindi ka pa magjowa ng hindi ka nabibitter samin ng bf ko!" Natatawang asar pa nya. Inirapan ko nalang sya.
"Aya, 17 kana! Walang masama kung magboboyfriend kana 'no! Tsaka gagraduate na tayo next year kaya dapat nag eenjoy kana kasi pagdating ng college, busy na tayo." Ani nya pa bago umupo sa tabi ko.
"Hindi naman ako nagmamadali. Tsaka baka hindi pa para sakin ang panahon na 'to. Mag-aaral nalang ako." Sambit ko pa. Napatampal naman sya sa noo nya.
"Haynako! Kiber mo na 'yan, basta dito lang ako palagi, Aya." Tumango na lamang ako.
Bata palang ako ay pinagkaitan na ako ng pagmamahal. Ang mga magulang ko ay naghiwalay noong sampung taong gulang pa lamang ako. Iniwan nila ako kay Lola na syang nag aalaga sakin ngayon. Galit ako sa magulang ko pero siguro hindi lang talaga meant to be na mabuhay akong buo ang pamilya ko.
"Aya!!! Bilisan mo naman dyan, aalis na tayo oh!" Rinig kong sigaw ni Amber sa labas ng banyo. Binilisan ko naman ang aking pagbibihis at agad na tumungo palabas. Tumambad sakin ang muka nyang inip na inip na.
"Eto na oh! Tara na," lumabas kami ng mall at lumapit na sa nakadestinong van para samin. Nandon na din ang mga tropa namin. Napagplanuhan naming mag punta sa bahay ampunan at magbigay ng konting tulong. Nanalo kasi kami sa Dance contest at napagdesisyunan naming ibigay nalang ang premyo sa taong mas nangangailangan.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad akong humiwalay sa kanila. Sila ang kakausap sa mga madre samantalang ako naman ay manonood sa mga batang naglalaro sa malawak na lupain.
"Ate Ayaaaa!!" Sigaw ni Bubit ang patakbong lumapit sakin. Nag tinginan ang ibang bata at agad ding tumakbo papalapit sakin, napangiti naman ako sa inasal nila. Sa tuwing sinuswerte sa pera ang aming grupo, dinadala namin dito kaya't kilala na kami ng bata at mga tagapagbantay dito.
"Hi Bubit! Kamusta?" Pinisil ko pa ang pisngi nya. Tuwang tuwa naman sya sa ginawa ko.
"Ate, halika po. Antayin po natin si Kuya Chao. Kukwentuhan nya po tayo." Hinigit pa ako ng iba pang mga bata, natuwa naman ako lalo.
Umupo kami sa damuhan at naghintay sa sinasabi nilang Kuya Chao. Maya maya lang ay may mestizong lalaki ang lumapit samin.
"Hello kids!" Bati nya kaya't agad nagsitayuan ang mga bata at niyakap sya. Tumayo na din ako. Napatingin sya sa gawi ko, "Oh! May kasama pala kayo. Baka gusto nyo kong ipakilala sa magandang binibini." Namula naman ako sa sinabi nya.
Lumingon sakin ang mga bata at lumawak ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Ayiiieee!!!" Pang-aasar nila. Sinuway ko naman agad sila sa kahihiyan. Tumawa lamang ang lalaki.
"Pasensya kana. Ako nga pala si Chaos Perez, Chao nalang ang itawag mo sakin." Sambit nito at inabot ang kamay sakin, agad ko naman itong tinaggap.
"I'm Celestine Aya Domingo. Nice to meet you, Chao!" Ngiting sambit ko.
Inaya na nya akong umupo at gaya ng sinabi ni Bubit kanina ay magkukwento ito ngunit hindi na nya itinuloy dahil nahihiya daw sya sa'kin. Nagpaalam naman ako sa kanila upang magkasiyahan sila ng mga bata, dadalaw nalang uli ako siguro sa ibang araw.
Saktong pagtayo ko ay tumayo din agad si Chao, nahihiya itong humawak sa batok nya bago nagsalita.
"Uh- pwede ko bang ano.." Nahihiyang banggit nya, natawa naman ako sa kinikilos nya.
"Ano?" Medyo natatawa kong tanong. Namula ang pisngi sa ginawa kong pagtawa.
"Pwedeng mahingi number mo? Pero ayos lang kung ayaw mo--" Hindi ko na sya pinatapos at agad sumagot.
"Oo naman! Teka," kinuha ko ang notebook ko at dun sinulat ang numero ko bago ibinigay sa kanya. "Yan, sige una na ko ha? Babye!" Usal ko bago tuluyang umalis.
Mabilis lumipas ang araw ay ngayon ay kasama kong kumakain si Chao, niyaya nya akong magpicnic at agad naman akong pumayag. Medyo matagal na din kaming lumalabas ni Chao.
"Ang ganda dito 'no?" Sambit ko habang nakatingin sa isang sapa. Ang pwesto namin ay nakaupo sa damuhan kaharap ang sapa. Kasalukuyang malilim ang mga ulap, at malamig ang ihip ng hangin na tumatama sa aming balat. Walang tao dito dahil isa itong private property na pag-aari ng pamilya ni Chao. Napapalibutan din kami ng mga naglalakihang puno.
"Sobrang ganda." Pag sang-ayon nya. Lumingon naman ako sa gawi nya at nahuling nakatingin sya sa'kin. Agad din syang umiwas, napatawa na naman ako sa inasal nya.
"Tapatin mo nga ako, nanliligaw kaba o ano?" Natatawang tanong ko. Hindi naman ako manhid sa gantong bagay, kahit na hindi pa ako nagkakaron ng karelasyon. Kadalasan ko 'tong nababasa sa mga pocket book na nabibili ko. Bakit nga ba inaaya ng lalake ang babaeng lumabas at gumawa kung wala itong gusto diba?
"Uh." Napakamot sya sa batok nya, napangiti naman ako. "Oo 'e. Hindi ko sinabi sayo kase gusto ko ikaw mismo ang makaramdam." Napayukong saad nya.
"Nukaba! Ayos lang, getting to know stage muna tayo. Hindi ka naman siguro nagmamadali diba?" Tanong ko dito. Tumimgin sya sakin ng hindi makapaniwala.
"O-oo! Kaya ko namang maghintay, Aya." Sambit nya.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan habang ninanamnam ang magandang panahon at nakakamanghang paligid.
Lumipas ang isang taon ay napagdesisyunan ko na syang sagutin. Every moment na pinagsasamahan namin ay aming sinusulit talaga. Nalaman ko din na mahilig sya sa mga books kagaya ko at ngayon napagdesisyunan ko na syang ipakilala sa parents ko.
"Kinakabahan kaba?" Tanong ko kay Chao habang sya'y nagmamaneho. Tumingin naman sya sa'kin saglit at umiling.
"Pagkakataon ko na 'to, hindi ko na sasayangin." Sambit nya. Napangiti naman ako.
"Oh, Aya!" Bungad ni Mama sakin pagbukas ko ng pintuan. Ngumiti naman ako at nagmano gayundin si Chao.
"Magandang hapon po!" Bati ni Chao.
"Magandang hapon din hijo! Halika't pumasok kayo." Sambit ni Mama. "Maghahain lang ako." Pahabol pa nito.
Kasalukuyan na kaming kumakain ngunit wala pa ding nagsasalita kaya't pinutol ko na ang nakakabinging katahimikan.
"Ma, Pa, Si Chao po pala, boyfriend ko po." Pagpapakilala ko. Kabado naman ang muka ni Chao pero nanatiling seryoso ang muka ni Papa habang si Mama naman ay nakangiti.
"Hmm, umiinom kaba?" Tanong ni Papa kay Chao. Kinakabahan naman itong tumango.
"O-opo." Kabadong saad ni Chao.
"Okay, then. Aya, ipaghanda mo kami ng beer mamaya." Seryosong dagdag ni Papa, tumango na lamang ako.
Natuloy ang nasabing inuman ng dalawa at masasabe kong nagkakasundo talaga sila. Napakasaya ko kasi nagustuhan nila si Chao para sakin.
"Uuwi na po ako Tita, Tito." Pagpapaalam ni Chao at nagmano muli saking magulang.
"Mag-iingat sa pagmamaneho hijo!" Ngiting saad ni Mama. Tumango na lamang si Chao.
"Ang napag-usapan natin, Chao." Seryoso saad ni Papa. Labis naman akong nagtaka pero siguro boys talk 'yon kaya't di dapat ako mangialam pa.
"Yes po. Salamat po uli." Huling saad ni Chao at tuluyan na ngang umalis. Pumasok na kami sa loob.
"Mauuna na din ako, Aya. Baka hinihintay na ko ng mga kapatid mo." Pagpapaalam ni Mama.
"Ako din, sa susunod naman uli. Mag iingat kayo ng Lola mo ha. I-lock ang mga pinto, tawagan mo nalang kami kung magkakaproblema." Sambit ni Papa. Ngumiti naman ako ng mapait.
"Ingat po kayo, salamat po!" Hinatid ko na sila sa pintuan at nilock ito pagkaalis nila.
Sa pagkakataong 'yon, sinampal na naman sakin ang reyalidad kong buhay. Hindi na nga pala kami buo, parehas na silang may pamilya at ako? Naiwan mag-isa kay Lola. Iwinaksi ko 'yon sa aking isipan. Siguro nga'y dapat maging thankful pa din ako dahil sinusuportahan nila ako sa bagay na gusto ko, at isang tawag ko lang ay nandito na sila.
Umakyat ako sa taas at kinuha ang cellphone ko. May isang text si Chao sakin na naging dahilan ng pag guho ng mundo ko.
From: Chaos
I'm breaking up with you, Aya. Aalis pala kami ng family ko at sa US na kami titira. Wag mo na akong hanapin, salamat sa lahat ng oras at pagmamahal mo.
Umalis agad ako sa bahay at pinuntahan sya sa kanila pero wala, wala na sila. Bakit ang bilis? Bakit Chao? Sinubukan ko din syang tawagan ngunit patay na ang cellphone nya. Sinubukan ko syang ipagtanong sa mga kaibigan nya pero sinasabi nilang, umalis na si Chao at hindi na babalik pa.
Halos gabi gabi ay umiiyak ako habang inaalala ang moment namin sa isa't isa. Yun na pala 'yung huling pagsasama namin, sana sinulit ko na. Iniwasan ko din muna sumama sa bahay ampunan dahil simula nung nanligaw sya sakin, palagi kaming napunta don at nakikipaglaro sa mga bata, ngunit hindi na ngayon. Ayoko na syang maalala pa.
Limang taon na ang lumipas ay naging ganap na akong Engineer. Mula ng nagkatrabaho ako ay linggo linggo na akong pumupunta sa bahay ampunan. Miss na miss ko na sya. Kamusta na kaya sya?
Kasalukuyan akong nakikipaglaro sa mga bata ng may natanggap akong mensahe mula kay Papa.
From: Papa
Anak, nasa bahay ampunan kaba? Papunta kami dyan ng Mama mo, antayin mo lang kami.
Nagulat ako sa text ni Papa pero siguro gusto din nilang makarating sa palagi kong pinupuntahan. Tinuloy ko ang pagkikipaglaro sa mga bata ng isang pigura ng lalaki ang nagpatibok ng sobrang bilis sa aking puso.
"Kuyaaaa Chaoooo!!!" Sigaw ng mga bata at patakbong lumapit sa kanya. Hindi ko maintindihan, bakit kilala sya ng mga bata dito? Kelan pa sya pumupunta dito?
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Inaya nyang umupo ang mga bata kaya't hinigit ako ng mga bata upang makinig sa kwento nya. Gantong ganto din kami dati 'e. Tadhana naman 'e! Bakit ang sama sama mo sakin?
"Hello sainyo! Ipapakilala ko pala ang kasama ko ngayon, Sya si Bubit, dito din sya nanggaling. So handa na kayong makinig ng kwento ko ngayon?" Tumango naman ang mga bata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago nya pa 'to mapansin.
"Sa isang kaharian may isang prinsipe na Chaos ang pangalan. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kasiyahan. Nakukuha nya ang gusto nya pero hindi ang atensyon at pagmamahal ng magulang nya. Akala nya sya na yung pinakamalas sa lahat. Hanggang sa nakilala nya si Celestine, dun nya nakuha lahat ng pagmamahal at atensyon na gusto nya at higit pa don ang binigay ng babae," Naputol ang pagsasalita ni Chao ng tumayo ako kaya't nagtinginan silang lahat.
"U-uh mag c-cr lang ako." Sambit ko.
"Hala Ate! Mamaya na po, patapusin muna natin yung kwento, pleasee!?" Sambit ng mga bata, wala akong choice kundi umupo uli.
"Pero iniwan nya ang babae. Sa kadahilanan na gusto nya munang matupad ang pangarap nito, ayaw nyang sirain. Masaya ang prinsipe dahil nagawa pa syang ipakilala sa magulang ng babae ngunit sinabi ng tatay ng babae na 'Kung talagang mahal mo ang anak ko, maghihintay ka hanggang pwede na. Hintayin mong makapagtapos ang anak ko at hahayaan ko na mapunta sya sayo. Ayokong magfail ang relasyon nyo kaya't gusto kong makapaghintay kayo. Kung kayo, kayo talaga.' Dahil sa sinabing 'yon ay natauhan sya. Lumaki kasi syang hindi kasundo ang magulang nya. Pinangalan syang Chaos dahil para sa magulang nya ay isa syang gulo na dapat iwasan. Naisip nya na para sa pinakamamahal nya, kaya nya yung gawin. At ngayon, napagtagumpayan ni Celestine ang pangarap nitong maging Engineer at ngayon ay babawiin na ni Chaos ang dapat ay matagal ng para sa kanya," Nagulat ako sa kwento nya ngunit mas nakakagulat ang biglaan nyang pagtayo at paglapit sakin, umupo sya sa harap ko at diretsang tiningnan ang mga mata ko. "Napagtagumpayan mo ang pagiging Engineer at napagtagumpayan ko ang pagsubok na binigay ng iyong Ama sakin. At ngayon, binabawi na kita, Aya." Iginiya nya ako patayo habang nanatili akong walang kibo. "Ilibot mo ang mata mo." Sambit nya.
Gulat ako ng makita sila Mama, Papa at Lola na nakatingin mula sa medyo malayo, batid ang saya sa muka nila. Sa kabilang gilid naman ay nakita ko ang mga bata na kasama kong makinig ng kwento ni Chao kanina pero ngayo'y nakatayo sila at may hawak na mga letra. OmyGod! Bat di ko napansin ang pag alis nila? Ganon ba ko kapre-occupied sa presensya ni Chao.
Binasa ko ang mga hawak nilang letra.
W-I-L-L-Y-O-U-M-A-R-R-Y-M-E-?
"Marahil nagtataka ka kung bakit kasal agad, pero kasi para sa'kin hindi naman tayo naghiwalay. You're everything to me! Please don't say no." Nagmamakaawa nyang sambit. Napatingin uli ako kila Mama at sobrang saya nila.
A year later.
"Hon, buntis ako!" Deklara ko kay Chao at ngayo'y tuwang tuwa itong nagtatalon.
"Really hon!??!" Masayang masaya sya.
"Chao," Tumingin sya sakin. "Thank you sa lahat lahat. Bagay nga sayo ang pangalan mo, ikaw ang nagsisilbing gulo sa utak at puso ko. Gulo na gugustuhin kong nandyan palagi. Ngayon, kung ano man ang magiging gulo sa pagsasama natin, sabay nating aayusin kasama ang mga anak natin. Mahal na mahal kita." Naiiyak kong sambit.
"Mas mahal kita at ang magiging baby natin." Hinapit nya ako papalapit at hinalikan sa noo.
My beloved Ex-boyfriend is now my Husband.
"Chase your dreams, true love can wait." I whispered. "And true man can do everything for you, love is not only about fighting but sacrificing, too." I added.
WAKAS.